Chapter 1: What the?!

19 1 0
                                    

Shanelle's POV:

*click*

"Nice shot! But fiercer shanelle, fiercer!! Ayan, good good! I love it!" Sabi ng photographer namin dito sa studio.

"Okay! Lets take a break. Tanya, retouch for ms. Shanelle. And yung next na damit niya pakihanda na din." Sabi naman ng manager ko. Finally! Nakakapagod mag posing posing dito ha.

"Great job, shan." Sabi ni blake as I walk towards my chair. "Thanks, blake." Sabi ko sabay inom ng tubig. Nakakauhaw grabe.

"Next shot will be shanelle and blake na together okay!" Sigaw ni direk.

I'm shanelle angela gomez. My model agency called me earlier for this photoshoot. Kailangan daw for the new cover of magazine. But I'm an artist.

And this man beside me is my co-model/co-artist. In short, siya yung ka love team ko sa lahat ng movies and tv shows ko.

Yes, I admit that I do like him. Who woudn't? Pogi, mabait, gentleman, at higit sa lahat caring siya. In or outside the camera.

"Okay lovebirds, pwesto na!" Sumunod naman kami. Pero hindi kami. Ewan ko, may gusto yata siyang iba or ayaw lang ng commitments.

"Hey shan, let's have lunch together after this. Is it okay to you?" Bulong ni blake habang nagpoposing kami sa tapat ng camera. Kinilig naman daw ako.

"Oh, okay sure." I agreed. "Omg!!! You two, you're so sweet. Kuhanan yan! Ayan perfect!" Tili ng direktor naming bading. Psh, echosera hahaha!

"And.. For the last shot, face each other, yan. Then, shanelle, hold blake's face. At ikaw naman blake, hold shanelle's waist. There you go! You look like a perfect and sweet couple." *click* ang landi talaga ni direk kaloka hahaha. Pero grabe, breath taking ito. Ang hirap magpigil ng kilig grabe!

- - -

Mabilis natapos ang photoshoot namin ni blake at nandito na kami sa sasakyan niya kasi niyaya nga niya akong mag lunch kanina, diba? So here we are. Going to somewhere, together. How sweet.

"We're here! Shan, suot mo to." Sabi ni blake habang inaabot yung plastic bag.

"What's this?" Napakunot noo kong tanong. "Ahm, disguise things. You know,  baka pagkaguluhan tayo sa loob." And he chuckled. May pagkamahangin din siya ha. But he's right. Artista kami at kailangan namin neto.

Sinuod ko kaagad yung wig, shades, and pati yung cap na binili niya.

"Damn it, shan. You still looks beautiful even if you have that disguise things on your face." Sabi niya na halatang may pagka mangha. Ugh! Ayan nanaman siya.

"Stop it blake, I might believe in you." Then we both laughed. Ang sarap talaga niyang kasama. Sabay na kaming bumaba at hindi pa man kami nakakapasok sa restaurant, bumanat nanaman siya. "But seriously shanelle angela, maganda ka pa din. Ah, no! You're still gorgeous kahit nakaganyan ka." Bulong niya saken para walang makarinig ng name ko na siyang ikinakilig ko nanaman. Hay nako!

"Good afternoon sir, mam!" Bati sa amin ng isang crew dito. "Good afternoon. Ahm, yung pina reserve kong table." Sabi ni blake dun sa babae.

"S-sir b-blake? I'm sorry po hindi ko kayo nakilala. This way po." Sabi niya. And, uh-oh. May nakarinig sa pangalan niya. Nagumpisa ang bulungan sa paligid.

"Omygosh girl, sina blake at shanelle ba yun? Papictute tayo!!!!"

"Shocks! Si blake ba yun? Kasama niya si shanelle!"

"Tara dali papicture tayo."

"AHHHH! BLAKE!!! SHANELLE!!!"

napalaki ang mata namin pareho ni blake nung may sumigaw. Paktay. Nakilala nga kami. Tch.

Napatakbo kami bigla ni blake sa VIP room na pina reserved niya kanina.

"Ayun!! Tara daliii waaaa blake!!!!"

Bago pa man nila kami maabutan, naisara na agad yung pintuan. Good thing may lock ito. Phew! That was quick.

"I-I'm s-sorry p-po m-mam shanelle a-at s-sir b-blake. Na. Na-starstruck lang po ako sa i-inyo." Bakas sa mukha nung babae ang pangangatal at pagkakaba. "Its okay, lets just eat. Tutal nandito nanaman na tayo e. Can we have the menu?" Sabi ni blake na mejo inis yata. "Yes sir. Tawagin nyo lang po ako."

Naka order naman kami kaagad. At mabilis na kumain. Hindi na din kami masyadong nakapag usap ni blake. Dahil alam namin na madaming nakikinig sa labas. Hays life!

"Blake, paano tayo makakalabas?" Sabi ko, kitang kita namin ang mga tao na nagaabang sa paglabas naming dalawa. Jusmiyoo paano! "We have no choice but to run from those people. Kung bakit kasi walang fire exit sa lugar na to psh!" He looks hot when he was like that. Urgh!

"Okay shanelle, its now or never. Just hold my hand. Pagkabukas ko ng lock na to, tatakbo tayo ng mabilis. 1....2....3.... Go!!!!"

Tumakbo nga kame ng mabilis ni blake habang nakahabol sa amin ang mga tao. Para nila kameng kakainin ng buhay. Waaaa!

Were almost there. Malapit na kami sa exit door. Ayan na konti nalang. Ayan na— *booogsh*

Ouch! May nakabangga kame.

"What the?! Bakit nyo ako binangga?!" Sabi ng lalakeng masungit na hindi naman namin kilala.

Napanganga nalang kami ni blake ng siya pa ang nagalit.

To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Artist GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon