Prologue

3K 122 0
                                    


© all rights reserve
...

"Are you ready for my gift? " My mom asked me full of energy. She seems to have ample of energy but I am terribly tired. Kakatapos lang ng party at nandito kami ngayon sa sala kung saan may malaking kahon sa tapat ko. Ano namang laman nito?

Noong mga nakaraang birthday ko binigyan niya ko ng motor, branded watch at kung anu-ano pang mamahaling pwedeng ipang suhol sa akin.

"Buksan mo na River at baka mapano pa yung nasa loob." sabi pa niya na tinutulak ako palapit doon sa kahon.

"Fine. Ano ba ito?" tanong ko habang sinisira yung gift wrapper. May mga maliit pa ngang butas sa kahon pero hindi ko naman masilip yung nasa loob. Para saan naman to?

"Secret. Buksan mo nalang dali!" sabi ng mama ko na mukhang mas excited pa sa akin. Pagka-alis nung gift wrapper, may parang pinto pa yung kahon na gawa sa kahoy. Kinatok ko yung kahon and I was right, gawa nga sa manipis na kahoy yung buong box. Ano bang... binuksan ko na yung kahon at kanina pa ko napapa-isip kung naong pakulo ito.

"What the heck?! Ma, I'm not a gay!" reklamo ko agad pagkakita ko ng regalo niya sa akin. What is she thinking? I'm the greatest casanova of Southern Academy then she will give me a doll? A human size doll to be exact.

"What? Sinabi ko bang nagsabi na bakla ka, anak? " inosenteng tanong pa niya sa akin.

"Pero bakit mo ko niregaluhan ng manika. A human size doll?" tanong ko naman kay mama na naging dahilan para matawa siya.

"Pfffttt... What are you saying son? Hahaha. She's not a doll. Hahaha... come on Yuwi, laugh with me. " sabi pa ni mama. Now she's talking with a doll. Napasinghap ako sa pinagsasasabi ng mama ko. Is she on drugs? I know it's hard to raised me alone but I'm not a big headache to her.

"And now your talking to a doll? " hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"River. She's not a doll. She might look like a doll because of her  features but she's not. Go on. Try to pinch her cute nose. Oh, how I love her nose!" sabi pa ni mama. Nakipagtitigan pa ako sa manika para masigurado kung kukurap ito kaya lang hindi naman ito kumurap.

"Pinagtritripan mo ba ko, ma?" Naiiritang tanong ko. Siya ata ang lasing at hindi ako.

"No. Touch her, bilis!" excited na utos pa niya. Psshhh... Sasakyan ko na nga lang yung trip niya. Lumapit ako sa manika para pisilin yung ilong nito kaya halos nakapasok na din ako sa kahon. Malapit na ako nang bigla niyang hawakan yung kanang kamay ko na ipangkukurot ko sana.

Sh*t. Muntik na akong mapasigaw sa gulat at halos matumba ako habang umaatras.

"I told you. Hahaha " tumatawang sabi ni mama. Tinignan ko naman siya tsaka binalik yung tingin sa manika este sa babae na mukhang manika na ngayon ay nakatingin na sa akin.

"Oh! I'm sorry, I can't help it. Kasi Yuwi naisahan natin si River " sabi ulit ni mama na pilit kinakalma ang sarili niya sa pagtawa. Tinignan ko naman yung manika na hawak-hawak pa din yung kamay ko. Ang init naman ng kamay nito.

"Tao ka?" Ok,parang ewan lang ng tanong ko pero sh*t talaga, tao siya. Mukha nga lang talaga siyang manika, mukha kasi itong este siyang manika kahit pa nakadilat yung mga mata niya tapos hindi pa siya gumagalaw kanina.

"Yeah. I'm Yuwi...Your Guardian."

My Doll like GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon