Third POV
(The time Vivienne was healing Zephyrus)Habang pinagagaling ng dalaga ang sakit na nararamdaman ng binata, ay hindi nito napapansing tumutulo na ang luha.
Nangunot ang noo ng binata, sapagkat nanlalaking mata lamang ang dalaga habang nakatingin sakanya't tumutulo ang luha. Hindi nito alam ang gagawin kaya naman, niyugyog nito ang kanyang balikat.
Natigil ang Dalaga sa pagpapagaling, nang bigla itong matauhan at saka itinulak ang binata.
Habang nangyayari ito'y hindi nila napansin ang itim na usok na kanina pa nakamasid sakanila, o mas magandang sabihing kanina pa sinusundan ang sugatang binata.
'Who is she?' Galit na sabi ng itim na usok sakanyang isip.
Unti unting nawawala ang usok na itim at pawang naglalaho sa tuwing tumatawa ang binata.
'NO. He is finally awakening! what did she do?'
Wala itong katawan, o kahit mukha. Isang usok lamang itong may kakayahang mag isip. Kaya naman hindi ito makasalita't sa isip lamang pinagbantaan ang dalaga.
Sino o ano nga ba ang usok na ito?
----Vivienne's POV
ISINULAT ko sa libro ang first chapter ng kuwento upang alalahanin ang mga mangyayari. Matapos maaalalang hindi ako marunong magdrawing ay naisip ko nalang na magpabili kay Ji ng Mapa. Kako'y kailangan ko ito sa aking paglalakbay upang magampanan ang propesiya.
Gabi na nang matapos akong mag sulat, halos hating gabi na nga e. Kaya naman napahikab ako't inayos ang suot kong roba ngunit hinubad rin ito agad nang maisipan kong matulog na.
Tinitigan ko ang librong naglalaman ng unang kabanata, pati narin ang mga posibleng mangyari saakin.
Hindi ko inilagay lahat ng detalye galing sa orihinal na libro, pati na ang mga pangalan dahil baka biglang may makakita't malintikan pa ako.
I read some Isekai and transmigration stories, at halos lahat ay gantong pagkakamali ang ginawa nila kaya nahuhuli sila. And, as much as possible, hindi ko ito hahayaang mangyari sa-
(window suddenly opened...)
Natigil ako sa ginagawa't, agad agad kong itinago ang libro gamit ang aking hinubad na roba.
Napigil ko ang aking hininga't napahawak saaking braso, dahil sa lamig na yumakap saakin. Nakasuot nalang ako ng manipis na nightdress, at saka ko lang naramdaman ang lamig na dala ng bintanang basta nalang bumukas. Katulad ng mga bobo sa movies, hindi ko alam ngunit dahan dahang naglakad ako patungo sa bintana.
'Maybe it was the wind?' Pang gagaslight ko sa takot na nararamdaman.
"W-who's there?" I asked, not expecting an answer.
Nanginginig na ang aking kamay lalo pa't medyo madilim rin dito saaking library dahil sa mga nakapatay na ilaw, bukod sa maliit na lamp na nasa table.
Hinawakan ko ang bintana at isinarado ito't inilock but I was caught off guard when a sudden force pushed and pinned me against the closed windows.
I gasped and looked up only to see a man's face inches away from me wearing his darkest expression I ever saw in someone's face.
"Why did you save me?" He demanded, voice cold and threatening.
BINABASA MO ANG
Against All Odds
FantasiaThe story follows a woman who, after drowning, wakes up to find herself transmigrated as the heroine of her favorite book. She discovers that she has been given a chance to experience the amazing plot of the story. However, as she starts to explore...