Eto na uli ako.. Haha! Matagal na ba nung huli ako nag UD? O.o super busy kasi mga repapips! Haha!
Kamusta na ba kayo? Ako'y naiistress na sa school. Kung pede lang ipabomba school namin. >.<
Tapos kasabay sabay pa yung concert ng 2PM sa pinas. Waaah! Super depressed talaga ako!!! Hindi naman ako adik na adik sa kanila pero talagang crush ko lang si taecyeon! Haha!
Wala lang.. Share lang senio :p
Anyway, haha, enjoy reading lovies~ !!! ~.^
LoveLoveLove
~~~******~~~
-AUSTIN's POV-
Hindi ako mapakali dito sa hospital. Mamaya graduation na namin hindi pa rin siya nagigising. Sabi daw ng doctor stress lang daw yun at dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman niya ngayon kaya siya nawalan ng malay. Dahil ng l*nt*k na Josh yun!
"Austin, umuwi ka na lang muna at magpalit na. Graduation niyo na mamaya." sabi ni tita, mama ni Mae.
Kadadating lang nila ni tito kaninang umaga. Surprise dapat kay Mae pero mukhang sila ang nasurprise sa kalagayan ni Mae ngayon.
"Oo nga iho. Bumalik ka na lang mamaya kung gusto mo." sabi ni tito.
"Sige po. Tawagan niyo lang po ako pag may nangyari tito, tita. Lalo na pag nagising na si Mae."
"Of course, Austin. Sige na at baka ma-late ka pa."
Hinalikan ko muna si Mae sa noo bago ako umalis. Pagkasara ko ng pinto bumungad sa harapan ko si Josh.
"Kamusta na siya? Ok na ba siya?"
Kwinelyohan ko siya, "Unang una, layuan mo na si Mae! Tuwing nagpapakita ka sa kanya sinasaman siya e. Pangalawa, pwede ba?! Sobra na siyang nasaktan. Hayaan mo na siya!"
"Tell her I'm really really sorry. Alagaan mo siya Austin. She's too precious..... and fragile."
"I know. Hindi mo na kelangan yun sabihin dahil hinding hindi na mauulit yung dati. Dahil mahal ko siya higit pa sa inaakala mo."
Binitawan ko na siya at umalis na.
-MAE's POV-
Minulat ko ang mata ko at nakita ko si mommy sa tabi ko.
"M-Momm-y...."
"Anak?! .... Hon, tawagin mo ang doctor."
Tatakbo si daddy palabas. Nasa hospital pala ako ngayon.
BINABASA MO ANG
You and I Forever
Teen FictionWhen your life goes wrong don't waste your time lookin' back in what you've lost, for the road of life was never meant to be traveled backward. Just move on and say, "things always happen for REASON."