Chapter 5
Lumipas ang isang linggo. Ganun pa rin ang role ko, sunod lang ng sunod sa kanilang dalawa, sometimes i hide pero talagang gusto akong isama ni Thea. Yeah right, she wants me to come with them but she doesn't give a damn time to talk to me even. Hay nako! Minsan di ko rin maintindihan yung babaeng yun. Tsk.
Tapos.. tapos.. si Zyron! Oo, siya. Ang yabang ng paknong 'yon! Palagi niya kong inaapi, tinatapakan at nilalait.
Joke lang. He's so mean to me at ayaw na ayaw ko sya para kay Thea. Tuwing sasama ako sa kanilang dalawa, binabalewala ako.. as if i'm not around. He always make me feel that he doesn't like me. Well, mas ayaw ko sa kanya noh! Psh! Akala ko makakasundo ko sya pero mali ako. MALING MALI!
Napatingala ako ng may dumaan sa harap ko. Speaking of him. Ang aga namang pumasok ng paknong 'to.
Parang napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya lumingon siya sakin. Napalunok ako sa di malamang kadahalinan. He stared at me for like 12 seconds.
"Tinitingin mo?" Ilang kong tanong sa kanya.
Kumunot ang noo niya at inirapan ako. Aba't!!! Titingin tingin tas mangiirap na lang bigla? Naku naku naku nakuuuuu! Nakakaimbyerna, umagang umaga! Hayy! Forget that. Good vibes lang dapat. Kanina lang kasi nung pinagalitan ako ni Dad, he told me before when i got into business thingy, he will train me pero tinanggihan ko sya so ayun, nagalit si Dad, then he gave me another chance. Hayy! Business is not really my thing, dahil lang yun sa kapatid kong spoiled.
Halos mapatalon ako ng biglang nagvibrate yung phone ko sa bulsa. Tinignan ko kung sino ang nagtext at halos lumabas ang puso ko.
Si Lanz. Yung kaberks at kababata at classmate namin ni Thea nung middle school kaso nagmigrate sila sa New York pag grade 11 namin. Napangiti naman ako ng mabasa ang text niya.
Fr: Lanz
Hi Dennise, i've been so very busy this past few months. Sorry kung di ko man lang kayo makausap. I'll spent my summer there in the philippines, hoping to see you and Thea soon. :)
Hindi ko naman magawang magreply dahil wala akong regular load. Nakaplan kasi ako, though hindi ako nakakapagtext and call international.
Mayamaya, dumating na si Thea. Tinago ko na ang phone ko at lumingon sa kanya. Siguro tinext din siya ni Lanz, knowing Lanz. Kapag naiisip ko kung ano na si Thea ngayon, naaawa ako kay Lanz. Anyway, forget about that.
Napapalingon naman yung iba naming blockmates sa kanya ng dumaan siya sa harap nila. Ngumiti siya sakin ng magtama ang mga tingin namin at agad naman itong lumipat sa taong nasa likod ko. Nagbeso beso silang dalawa ni Zyron. Hindi ko tinignan ah, sa pheripheral vision ko lang.
"I thought you'll pick me up!" rinig kong sabi ni Thea. Parang nakapout pa sya ata nyan.
Nakita kong ngumiti si Zyron sa pheripheral vision ko ulit. Alangan namang makichika ako sa kanila, makikinig na lang ako diba.
"I'm sorry!" sabay hawak niya sa kamay ni Thea.
Cough! Cough! Cough!
Syempre sa isip ko lang yung ubo. Anu bayan! PDA na sila..
Pumasok na si Prof. Tzu. Muntik na nga silang mahuli buti na lang mabilis na humiwalay si Zyron kay Thea. Sa subject kasi na 'to bawal daw ang LOVE LOVE na yan. Palibhasa kasi brokenhearted si sir, super bitter than ever, pati mga estudyante dinamay. tsk. tsk.
So ayun, nagdiscuss lang si sir, new topic as hell. Nakinig ako para maintindihan ko, naks!
Tinignan ko yung dalawang magkatabi, they are murmuring to each other. Sige, mag labing labing kayo jan, bahala kayo! Hindi ako magpapacopy pag may quiz, promise!
---
Class dismiss.
Since it's friday, isang subject lang ang klase namin. Kaya, uwian na. Tinignan ko ang relo ko at alas tres pa ng hapon. Maaga pa, kaya hindi muna ako uuwi, ewan ko lang kay Thea. Nung hindi pa sila ni Zyron, pumupunta sya sa mansion with Patrick at nagluluto kami tas movie marathon pero ngayon hindi na. How sad.
Thea poked me kaya napatingin ako sa kanya.
"Sama ka samin?" tanong niya.
"Saan?" tanong ko.
"Sa bahay nila Zyron." nakangiti niyang sabi. Napangiwi ako, ayoko nga! Tss.
"Seriously? Ano namang gagawin nyo dun?!" I gasped. "Ohmygod! Don't tell me---"
Tinakpan ni Thea ang bibig ko bago ko pa tuluyang maisigaw ang sinasabi ko.
"Shut up! Hindi noh. Despedida kasi ng pinsan niya, may maliit na party lang naman sa bahay nila."
"Ah ganun ba!" hindi bako sasama o hindi? Aaaaack! Ano namang gagawin ko dun, saling pusa? Ayokong sumama.
"Kayo na lang siguro, may gagawin pako eh!" aliby ko. Nakakahiya kayang sumama, baka nandun pa yung mga pinsan nya.. nakakahiya talaga promise!
"Ih! Sama ka na bespren."
SABING AYOKO NGA EH! Tsk. Ang kulit. Muntik ko ng sabihin.
"Thea." lumapit si Zyron sa tabi niya at inakbayan sya. "Don't force her if she don't want." tuloy tuloy na sabi niya ng hindi tumitingin sakin.
Nagpout naman si Thea tsaka tumango. Kaya nga! Buti napansin mo Zyron, matalino ka rin naman pala minsan. Anyway, kanina ko pa napapansin na nguso ng nguso 'tong babaeng 'to. Tinignan nya ko. Evil stare! Naman! Ano na namang binabalak ni Thea. Tsk!
Tinignan niya si Zyron na nakatitig sa kanya, tapos tumingin siya sakin. Nakapout pa rin siya nan ah! Meghed!
"Ok, then force her. Please!" Nakanguso niyang sabi kay Zyron.
Napanganga ako sa sinabi ni Thea. Halos malaglag panga ko sa lupa. What did she said? Forced me? na sumama sa kanila? Thea naman ih! Sabi ng ayoko eh. Tsk.
"W-what?" takang tanong ni Zyron sa kanya tsaka lumingon sakin na nakakunot ang noo.
Tinaasan ko sya ng kilay. Kahit anong gawin niya talaga, naiinis ako sa pagmumukha niya. Argh!
"Hindi na kailangan Thea, ok? Sasama na ko." Sabi ko sa kanya tsaka nauna ng lumabas ng classroom. Hindi niya ba napapansin na ayaw sakin ni Zyron at ayaw ko din sa kanya? Tsk. Wala rin naman ako magagawa, ayokong makitang magmakaawa si Zyron. Baka mamatay lang ako sa katatawa. Promise! Last na 'to. Naramdaman kong sumunod naman sila.
Ayoko talaga sa Zyron na yan kahit kailan. Napilitan na naman akong sumama dahil kay Thea. Talagang babaeng yun. Tsk.
Good luck to me.
*gulp*
BINABASA MO ANG
I'll Fall for You (ON HOLD)
Teen FictionThe worst pain in love is when your falling ALONE.