Nagising akong ramdam ang matinding sakit, hindi ko alam kung pisikal ba o emosyonal basta ang alam ko masakit, sobrang sakit."Azulan mabuti naman at gising kana kanina pa akong nag aalala sayo" saad ng kapapasok lang na si Janna habang kita kong napaka pugto ng kaniyang mata
"Sinong nagdala sa akin dito? Huli kong tanda ay-"
"Huli mong tanda ay nandoon ka sa bahay nong Clifford na iyon? At ano? Nagmamakaawa, nagpaakatanga pero hinayaan kalang don, iniwang dinudugo, sabi ko naman sayo tama na diba? Binalaan na kita! Kung di kapa dinala ni Jasper at Gio dito at mananatili kang nakahandusay don sa sahig habang puro dugo" sigaw niya sakin, kakaiba ang emosyong pinapakita niya ngayon, ibang iba noong mga nakaraang araw
Inabot ko ang kaniyang kamay at hinawakan upang pakalmahin "ngunit alam mo naman diba? Wala siyang maalala kung kaya at ganoon na lamang kaniyang trato sa akin, siguro pag palagi niya akong nakita, maramdaman niya na mahal niya ako babali-" hindi ko natapos ang aking sasabihin ng biglang malakas na lumapat ang kamay ni Janna sa aking mukha
"Jusko Azulan hindi vitamins ang pagiging tanga pakiusap huwag mo namang araw arawin, kesyo may ala-ala o wala gago parin siya. Kasi Azulan kahit respeto nalang diba? Kung wala ka talaga sa ala-ala niya kahit yung itrato ka manlang niyang tao, kahit taong hindi nakapag aral sa eskwelahan alam yon eh. Tingnan mo nga ang sarili mo Azulan, ikaw paba yan? Kasi ang Azulan na nakilala ko palaban at masiyahin hindi ganito, hindi parang nagpapatalo na sa sakit ng buhay. Please tama na, sobra na akong nasasaktan para sayo" umiiyak na saad ni Janna, napaluhod na din soya na tila ba napapagod na. Nakakapagod naba talaga ako? Siguro'y Oo sapagkat kahit ako din ay tila napapagod na sa sarili ko
"Gustong gusto kong sumuko ngunit sa tuwing gagawin ko ay papasok sa aking isip na paano kung babalik pa siya? Paano kung may pag-asa pa? Paano kung kailangan ko lang talagang magtiyaga? Ayokong matalo sa laban ng aking pag-ibig Janna, at alam kong oras na sumuko ako ay inaamin kong talo na, tapos na" nanghihina kong paliwanag rito na tila kinukumbinsi siyang maniwala sa akin
"Ngunit Azulan hindi lahat ng lumalaban ay nananalo"
"Mabuti ang natalong lumalaban hindi ba?" Pagsalungat ko sa kaniyang sinabi
"Hindi lahat ng laban ay karapat dapat suungan Azulan lalo na kung alam mong sa dulo ay wala namang kahihinatnan, alam kong alam mong wala na talaga Azulan hindi mo lang matanggap sa ngayon pero alam kong dadating ang araw maghihilom ka"
Hindi ko alam Janna, wala na akong ideya kung kailan gagaling ang sugat ng aking puso o kung gagaling pa nga ba, masyado itong malalim, nakakawasak ng buong pagkatao
BINABASA MO ANG
Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid
ФэнтезиA princess of the sea who accidentally become human, because of her stupidity about her new world she has business to deal with the most dangerous mafia boss. As feelings continue to grow choosing will be harder, will she stay in her new world or w...