Nakaupo lang ako sa bench sa student's lane, malayo ang tingin at malalim ang iniisip, mas malalim pa sa balon. Ano ba tong napasukan ko? Kahapon habang magkausap kami ni Lacey, feeling ko binabaon niya ko sa mga salitang yon sa kinauupuan ko, pumasok ako sa isang sitwasyon na di ko naman pala kayang panindigan. Habang sa pag-iisip ko ay nag vibrate ang phone ko, si Lloyd pala.
Lloyd: Eh bakit tulala ka?
Napalingon ako sa paligid ko, bakit asan ba siya? Maya maya pa'y may tumapik sa likuran ko. Mejo nagulat pa ko. Tapos tumabi na siya sakin at may naka sukbit sa kanang balikat niya na DSLR.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Ang rude ko no? Di man lang ako nag hi.
"Uhm, taking pictures. May task kasi ang Org ko para sakin and for my blog na din. Eh ikaw, anong ginagawa mo dito? Bakit mag-isa ka lang? Asan yung mga kaibigan mo?" Tanong niya sa akin na napakarami.
I sighed. Di ako agad nakasagot. Tinitigan ko lang yung faded red na doll shoes ko. Narinig ko siyang nag-chuckle, kaya napatingin ako sa kaniya then he said, "I guess you really had a big problem. Halata sa mukha mo."
"Really?" Tanong ko at tumango lang siya. "Well, masasabi kong oo. May napasukan akong gulo. No, hindi ko napasukan, ako talaga ang may gawa," dagdag ko.
"At hindi mo alam kung pano ka makakaalis ganon ba?" Aniya.
"Hindi ko alam kung pano ko tatapusin. Parang gusto ko tuloy umatras. Pero di pwede."
"Edi tapusin mo na lang. As you said ikaw ang may gawa. Just believe and trust in yourself." Tinitigan ko lang din siya. Napakadaling sabihin ang hirap gawin! "Sha, iwan na kita jan. Magpaka emo ka na ulit, I'll have to do my errands pa and mamaya maya may class na ko! See you around, emo girl!"
"Tse!" Umalis na siya at naiwan na ulit ako dun, nagmumuni muni. Mga ilang minuto pa'y may tumabi na naman sakin. Si Levi.
"Hi babe!" Nakangiti niyang sabi.
"Babe your face. Don't call me babe ok!"
"Okay, Alie baby!" Aniya sabay tawa.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Nakaupo sa tabi ng napakagandang babae sa University?" Tinaas pa niya yung kaliwa niyang kilay, parang sinasabi na, tama yung sagot niya. Abnoy talaga.
"Fish tea! Di ka nakakatulong sa problema ko, alam mo ba yun!"
"So you need my help? Ano bang problema mo, baka matulungan kita!" Offer niya. Nakooo Levi, pwede ko kayang sabihin sayo na ang problema ko ay ang kambal mo at si Jerome? No, no, no. Kennotbe! Di pwede.
"Thank you na lang, pero tingin ko di mo ko matutulungan!"
"O-kay? Sige ganito na lang. Sama ka sakin!" Aniya sabay tayo at lahad ng kamay niya.
"Saan?"
"Basta!"
"Okay."
He smirked and then inabot ko yung kamay ko sa kaniya and he helped me na tumayo. We went to where his car was parked. Sumakay ako and then nag seat belt. San ba kasi talaga ang punta namin? Di na siya nagsalita habang nagd-drive. Nakangiti lang siya parang bata. Then the car stopped sa tapat ng isang kainan. Then I realized, sa restaurant pala nila. Kakain kami? Ang aga-aga tska di pa ako gutom!
Pumasok kami sa loob at umupo.
"Hi Sir Levi, and Miss Allisa, ano pong order niyo."
"Uhm, pancakes na lang for us and house Iced Tea. Thanks April!" Order ni Levi.
"Di mo naman sinabi kakain pala tayo. Eh busog pa ko. Tska sana sa loob nalang tayo ng University kumain."
"It's okay! Dama ko, school ang nakakapag stress sayo ng ganyan. Kaya nilabas muna kita, para di lang hangin ng school yung nalalanghap mo!" Sabi niya sabay tawa. Loko to ah! Ano ako di marunong gumala? Well konti lang.
Actually, binasted ko na talaga tong si Levi. Di ko alam bakit going strong pa din siya sa panliligaw sakin. Tatag eh! Mga ilang minutes pa andito na yung pancakes sa mesa namin. "May iba pa ba kayong order sir?" Muling tanong ni April.
"Ah, wala na! Thanks April." Sabi ni Levi. Papalayo na si April ng bumalik ulit ito sa table namin.
"Ah sir, andito nga po pala si Miss Lacey tska si Sir Jerome."
Nagulat ako sa sinabi nung April, kaya mejo nabilaukan ako habang nilulunok ko yung kinain kong pancake.
"Gusto niyo po bang sabihin ko sa kanila?" Dagdag ni April. Bubuksan na ni Levi yung bibig niya nung nagsalita na ako.
"Aah, no. Wag na lang. Thanks April!"
"Okay Miss. Enjoy your pancakes." Malambing niyang sabi.
"Thanks April." Sabi ko.
"Thanks." sabi din ni Levi.
"Teka bakit?" Di na naituloy ni Levi yung sasabihin niya nung nag "Sssshhhh" ako.
"Pwede ba tayong lumipat ng pwesto? Yung malapit sa kanila?" Sabi ko sa kaniya. Napakunot yung noo niya dahil sa sinabi ko. I know it's weird, but I want to know kung ano yung pinaguusapan nila at bakit sila andito, ng silang dalawa lang!
"Okay."
Kaya pinautos niya na ipalipat yung foods and other condiments dun sa malapit sa table nila Lace pero yung di mapapansin nung dalawa.
"Jerome." Utas ni Lacey. "Uhm, thanks," Dagdag niya. Wow, ayos tong place nadidinig ko ng malinaw yung usapan nila. Nakita kong magsasalita si Levi kaya sinenyasan ko na siya para tumahimik.
"It's okay, di naman ako nagmamadali. I'll wait for your answer. And I'll promise, nothing will change. I'll respect whatever your respond is. Our friendship matters after all."
Siyemay kalamay. Kinilig ako sa sinabi ni Jerome! Then nag vibrate yung phone ko. One message from Levi.
Levi: Hey, anong meron? May di ba ako alam? Bakit ganon yung sinasabi ni Jerome.
After kong mabasa yun, tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. Then I replied.
Me: I'll explain it to you later. But first let's get out of here!
"Huh? Why?" Agad niyang sabi nung mabasa yung reply ko. Pambihira! Ano ba, narinig tuloy nila Lacey. Agad akong yumuko at nag duck walk sabay naka takip yung kamay ko sa ulo ko at tinakip ko yung bag ko sa mukha ko.
"Is that my brother?" Tanong ni Lacey. Buti na lang, mejo maraming tao kaya madaling maka takas. Tumayo si Levi at nag hi. Ay niyemas! Talaga naman Levi. Di mo pa rin ba kuha yung acting ko?
"Levi? What are you doing here?" Tanong ni Lace.
"Hello, anak din ako ng may ari. Eh kayong dalawa anong ginagawa niyo dito?"
From here sa labas nakita kong kinakausap ni Lacey si Levi na parang curious ang loka. Kaya sumenyas ako. Kumaway ako para di ako mapansin ni Lacey. Nung makita ako ni Levi, nilagay ko yung right index finger ko sa may labi ko. Tapos pinapalabas ko na siya.
"I gotta go, sis. May klase pa ko. Bye!"
Maya maya pa nasa driver's seat na si Levi at nag seat belt na siya. Pinaandar niya na yung kotse tapos nakita ko si Lacey at Jerome lumabas na din ng resto.
"Did they saw me? Anong sabi?" Tanong ko sa kaniya while I'm composing my self. Kinabahan at napagod ako dun sa ginawa ko ah!
"Nope, they didn't saw you. At ano bang nangyayari? Bakit ganon ka na lang maka react? Tska anong sinasabi ni Jerome?" Ang daming tanong!
"Okay, okay sabi ko naman sayo diba ie-explain ko? So ito na nga."

BINABASA MO ANG
Hey Mister, It's a Love Letter!
RomanceA simple and carefree girl named Alie who started writing poems, compiled it and discovered by a publisher that lead her to her fame, because of an unrequited love. Because her name and her book made history, what would happen if the guy finds out t...