Chapter Seven By: Ashlie Dreamer

2.3K 58 4
                                    

BUSY si Dannah sa paggawa ng report para sa Therapy works.Ginagawa niyon sa tuwing na malapit na ang katapusan ng buwan. 


Naririnig niya na bumukas at sumara rin ang pintuan ng Therapy works, sanay na siya sa likha ng ingay ng pintuan dahil sa malapit lamang ang kanyang mesa sa pintuan na iyon.


" Good Afternoon, " Ani ng may baritunong boses.


Napakunot noo siya ng marinig niya iyon.Tila pamilyar na sa kanya kung sino man ang may-ari ng boses na iyon.Ngunit emposible naman na pati rito sa Therapy works ay susundan pa siya.Para ano? naasarin pa siya lalo!? Binaliwa niya iyon at pinagpatuloy na lamang ang ginagawa niya.Hindi na siya nag-abala pa na umangat ng mukha upang tingnan iyon.Baka guni-guni lamang niyon.


Tumikhim ito at saka nagsalita uli. " Miss Dannah Garcia, Is that the way how you're treating the client? " sabi ng may baritunong boses na kung hindi siya magkamali ay boses iyon ni Alfie.


Saglit niya hininto ang ginagawa at saka binitawan ang ballpen na hawak. Angat siya ng mukha para tingnan kung totoo ang kanyang kutob.Ganun na lang ang pagkunot noo niya ng mapagsino ang may-ari ng boses.Hindi nga siya nagkamali ng hinala dahil nakatayo si Alfie sa gilid ng lamisa niya.


" Anong ginagawa mo dito? " Tanong niya rito.


" Gusto ko lang sana ipa-therapy ang aking puso, " anito na naka paskil ang malapad na ngiti sa mga labi nito.


Kusang tumaas ang kaliwang kilay niya. " Nagkamali ka ng pinuntahan dahil hindi ito HEART THERAPY CENTER, " aniya sa mataray na boses.


" Ang pagkakaalam ko ay hindi ako nagkamali ng pinuntahan ko.Dito kasi ako dinala ng aking mga paa.Ang ibig sabihin lang nun ay dito ako magpa -therapy. "


Sagutin pa niya sana ito ngunit isang boses ang sumabad sa kanilang dalawa." Dannah, boyfriend mo? " Tanong ni Liza.


" Boyfriend ako ni Dannah, " nakangiting sagot ni Alfie.


" Talaga! May tinatago pala na guwapo'ng boyfriend si Dannah, Bagay na bagay kayo. " ani Liza.


" Liza, hindi ko siya .... " Hindi na ituloy ni Dannah ang sasabihin niya na itama ang sinabi ni Alfie na boyfriend niya 'to. Pumasok ang isang lalaki may dala-dalang bulaklak.Ang itsura ng lalaki ay tila dinaig pa si Jose Rizal sa ayos ng buhok at pamada nito.


Siya si Marco, na masugid na manliligaw ni Dannah.Subalit wala naman siyang gusto para rito.Saksakan kasi ito ng yabang dinaig pa ang ipo-ipo sa lakas ng hangin.


" Hello! Cutie pie, " Ngiting saad nito sa kay Dannah.


" Paki-ulit nang sinabi mo? " Sabad na wika ni Alfie.


" Pare, bingi ka ba o hindi ka lang talaga makaintindi sa sinabi ko? " sabi ni Marco.


" Pre, hindi ako bingi! dinig na dinig ko ang sinabi mo! Girlfriend ko ang tinatawag mo na cutie pie. "

Take Me To Your Heart by: Ashlie DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon