Draw Me A Smile

94 5 5
                                    

Takbo.

Takbo lang.

Takbo pa...

Kahit hindi ko na makita kung saan ako papunta dahil sa mga luha ko, takbo lang...

Takbo pa.

Kung sinu-sino na nabubunggo ko pero takbo lang...

Takbo.

Takbo.

Takbo...

Iyak.

Iyak.

Iyak.

Ang sakit.

Haaah!

Nakakapagod...

Andito na pala ko sa tapat ng Crystal River.

Sabi nila marami daw babae ang napapadpad dito, at umiiyak. Sabi nila kaya daw Crystal River to dahil sa mga luha ng mga babaeng yun...

Nakakatawa. Uso pa pala mga ganung kwento o alamat o ano pa man...

Pero andito ako ngayon sa tapat ng ilog na 'to, at umiiyak...

"Haaah! Isang Cleo Villaruel ang iniwan n'ya! Kawalan n'ya yun! Sige! Magsama kayo! Piliin mo s'ya!!! Haaah! Maging masaya sana kayo!!!" Sigaw ko sa tapat ng ilog...

"Maging masaya sana kayo..."

"Masayang-masaya... Habang ako nasasaktan ng ganito." Pahina nang pahina kong sabi...

"Habang ako walang maramdaman kundi ito..."

Sabay hampas, hampas ko sa dibdib ko.

Pakiramdam ko sobrang sakit pati ng puso at dibdib ko kahit na wala naman silang kinalaman sa salitang masakit. Kahit na nasa utak ko lang 'to lahat ngayon. Pakiramdam ko nasasaktan talaga ako physically...

Iyak.

Iyak.

Iyak.

...

"Ang sarap mo idrawing... Pero mas maganda sana kung nakangiti ka."

Boses ng lalaki... Huh?! May tao dito kanina pa?!

*tingala*

"Ito, oh..."

Alok n'ya sakin ng panyo n'ya. May dala s'yang sketch pad at lapis. Siguro nga kanina pa s'ya dito kung ganun...

Kinuha ko lang yung panyo pero di ako nagsalita. Ewan ko... Pakiramdam ko mukha akong tanga ngayon, e.

Oo nga...

"Kung sino man s'yang nagpapa-iyak s'yo ng ganyan ngayon... Siguro hindi n'ya alam o hindi n'ya nakita kung gaano kaganda ka pag nakangiti. At hindi n'ya deserve ang mga ngiti mo dahil dun..."

Lalo ko naiiyak sa mga sinasabi n'ya...

"Kasalanan ko naman... Nagmahal ako ng taong hindi pala deserve ang mga ngiti ko... Ng taong... Hindi maaapreciate ang ngiti ko..." Halos pabulong ko ng sabi

"Hindi kasalanan magmahal, miss. Hindi yun mali. Wag mong mas pahirapan ang sarili mo sa pag-iisip ng ganyan, na maling nagmahal ka.. Ganyan talaga. Wala namang permanente sa mundo, kahit nararamdaman nagbabago. Kasabay ng tao. Nawawala. Naglalaho. Pero lagi namang may darating na bago..."

At ngumiti s'ya sakin... Ngiting alam kong galing sa puso, at totoo. Kasabay pa mata n'ya.

Wala akong nagawa kundi tumitig nalang sa kanya...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Draw Me A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon