Pain
Dalawang araw akong nagpalipas sa condo ni Astrid at hinatid narin niya ako dahil paulit ulit kong binabanggit ang pangalan ni Sir Augustus. Siguro ay nakulitan na sa akin. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang mga alak at sigarilyo habang nakaupo si Sir Augustus sa tabi ng sofa.
Nakasalampak siya sa sahig at hawak hawak ang bote.
Kaagad ko siyang pinuntahan at kinuha ang bote sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita niya ako sa aking harapan.
"Baby... ikaw na ba 'yan?" pipikit pikit na tanong niya.
"Ako nga 'to. Bakit naglalasing ka?" seryosong tanong ko.
"Please hayaan mo akong magpaliwanag, hindi naman talaga ako gumanti sa halik ni Olivia!" sabay hawak sa aking braso. Hinagod niya ito at nakaramdam ako ng kakaibang init sa aking katawan.
Pero mas mainit yata siya. Kinapa ko ang kaniyang leeg, kaagad lumaki ang dalawang mata ko dahil mainit siya.
"S-sir, may lagnat kayo..." sabi ko habang nakahawak parin ang aking kamay sa kaniyang leeg. Ngumuso ako ng hawakan niya ang aking kamay at halikan 'yon.
"I love you," sambit niya.
Hindi muna ngayon, nagtatampo pa ako sayo eh! Umiwas ako ng tingin sa kaniya at inalalayan siya papuntang kwarto niya. Pinindot ko ang password at ng tumunog ay tyaka ko siya pinahiga sa kama niyang malaki.
Amoy lalaki ang kaniyang kwarto na siyang miss na miss ko. Kaagad tumulo ang aking luha at naramdaman ko ang paghawak ni Sir Augustus sa aking kamay na nagtatakip ng mukha ko. Hindi ko mapigilang maging emosyonal dahil sa mga hinanakit ko nitong nakaraang araw.
Isa pa ang balita kay Maam Kierra. Hindi sa hindi ko siya gustong mabuhay ang sa akin lang ay mawawala na sa akin si Sir Augustus sa oras na malaman niya ang totoo.
Bahala na, gusto ko munang maging masaya sa kaniya.
Kaagad niya akong niyakap at ipinatong ang baba sa aking balikat at sininghot pa 'yon, ang adik na ito! Ginantihan ko naman ang kaniyang yakap sa akin.
"I'm sorry again, Baby...." mahinang bulong niya. Naramdaman kong basa na ang aking balikat dahil sa paghikbi niya, nagulat ako sa aking nararamdaman.
Umiiyak ba siya?
"S-sir Augustus, nilalagnat ka.... ayos na sa akin ang paliwanag mo," pampalubag loob ko.
"Damn! I miss your voice so much."
Hinigpitan ko ang aking yakap sa kaniya at hindi na ako nanlaban pa, ayokong hindi sinusulit ang mga ganitong bagay dahil sobrang mahal ko siya.
"Mahiga ka na, Sir. May lagnat ka," alalang sambit ko. Tumango siya at kinalas na namin ang yakapan at inihiga na. Ngunit naaamoy ko ang alak sa kaniya, hindi pa siya naghuhugas ng katawan. Kailangang mahimasmasan muna siya.
Pero kapag mga ganitong sinat ay hindi dapat pinapaliguan. Kailangan ko na lang siyang punasan para sumingaw ang init sa kaniyang katawan.
Kaagad akong napahiyaw ng yakapin niya ako at nagtapat ang aming mukha, tuloy ay naamoy ko na naman ang nakakaadik na hininga niyang amoy mint. Ang bango bango, ang fresh! Kahit yata lumaklak ng alak o humithit ng sigarilyo ay hindi babaho ang hininga niya.
"Dito ka muna, ayokong umalis ka." Pakiusap niya.
"S-sir, kukuha lang ako ng pamunas, pupunasan lang kita."
BINABASA MO ANG
The Culprit (De Viola #1)
RomansaHe's the ruthless, he's too heartless and and I don't mind, my mind is clever to think that he's dangerous man. A man that have no heart. I'm into him, so I will be. Note: I don't claim the photo, credits to the owner❤️