" Ano? Ganto nalang palagi? Kapag galit ako, galit ka rin? Tanginang buhay to! Lagi nalang e!" Sigaw nito sa akin.
"Sa tingin mo ba ginusto ko to? Kasalanan mo kung bakit nangyayari itong kamalasan natin ngayon!" Sigaw ko pabalik.
Nanginginig na ko sa sobrang galit ko. Ramdam ko na rin ang pamumuo ng luha sa aking mata.
"Nakakapagod na. Nakakapagod kana. Pilit kitang iniintindi pero ni minsan hindi mo man lang ako inintindi. Ni minsan, hindi mo man lang inintindi kung bakit ako ganito. Lagi nalang ako yung mali sa paningin mo. Nakakapagod." Umiiyak na sambit nito.
Nagulat ako sa sinabi niya pero mas nagulat ako nang makita ko ang luha sa kanyang mata. Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ay ang mga katagang kaniyang binitawan...
"Maghiwalay nalang tayo, Kayla." Ngumiti ito ng mapait bago ako talikuran at sumakay sa kanyang kotse.
Naiwan akong nakatulala habang nakatanaw sa papaalis na kotse. Nanghihina ako sa nangyayari. Nagsimula naring lumabo ang aking paningin dahil sa sunod-sunod na pagluha.
Wala na. Iniwan na niya ko. Napagod na siya. Ang sakit.
Kasabay ng pagpatak ng aking mga luha ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Sumabay pa ang lamig ng simoy ng hangin na animoy nakikisabay sa pag iyak ng aking puso.
Relate yarn?
" Janna Mikayla!" Sigaw ng kaibigan kong si Dan, short for Daniela.
"Bakit ba?" Inis na sambit ko habang nagpupunas ng luha.
"Bakit ba iniiyakan mo yang libro?" Takang tanong nito bago tignan ang librong hawak ko.
"Nakipaghiwalay na kasi si Miko kay Kayla. Ang sakit ng break up scene nila." Sagot ko habang sumisinghot.
"Tigilan mo na nga yan. Tara! Kain nalang tayo. Ginugutom na ko. Wala naman ata si Ma'am Rosie eh." Hinila na ako nito palabas bago pa man ako makasagot.
"Alam mo namang nagtitipid ako tapos yaya ka nang yaya diyan." Bulong ko dito.
"Hindi ko namang sinabi na ikaw magbabayad. Ang sabi ko lang ay kakain tayo. Huwag ka mag-alala dahil ako ang magbabayad nito." Sagot nito bago ako kindatan.
"Himala! Anong nakain mo at parang napaka bait mo ngayon? Naghimala na ba ang Diyos?" Tukso ko rito.
"Baliw! Binigyan kasi ako ng pera ni kuya. Extra allowance ko daw." Natatawang sagot nito.
Dumiretso na kami sa canteen at bumili ng pagkain. Nakasalubong pa namin yung terror prof na si Mrs. Masilag.
Si Dan na ang pinapibili ko habang ako naman ay naghahanap ng lamesa namin. Nakakita ako ng mesa sa dulong bahagi kaya naman ay doon na ko umupo.
Pagkalipas ng ilang minuto ay may umupo sa kabilang mesa na kinauupuan ko. Pagkalingon ko ay nakita ko ang taong sinusumpa ko.
Si Jarvis Yvan Tiangson.
Nakapulupot sa kaniya ang walking espasol ng school namin. Si Tanisha Mercado. Kasing kulay ng espasol ang muka sa sobrang kapal ng foundation. Sexy naman siya at may itsura. Sadyang ang sagwa lang ng kaniyang make up dahil sa kapal ng foundation na kaniyang nilalagay. Hindi pantay ang kulay ng muka niya sa kaniyang leeg.
"Si Jarvis pala to eh!" Sambit ni Dan nang maibaba na ang aming pagkain.
Tumingin sa gawi namin si Jarvis na animo walang pakielam. Tumango lamang ito kay Dan bago bumaling muli sa katabi nitong si Tanisha.
"Kain na tayo para makaalis na agad tayo. Punta tayo sa library mamaya, may kukunin akong libro kay Ms. Celine." Bulong ko sa katabi ko habang binabalatan ang burger na kaniyang binili.
"Asus, iniiwasan mo lang si Jarvis e. Kunwari ka pa." Pangangasar nito sa akin.
"Whatever." Irap ko na lamang dito bago kumagat sa burger na may panggigigil.
Pagkatapos namin kumain ay nagtungo na kami sa library. May pinahanap kasi akong libro kay Ma'am Celine tungkol sa subject namin sa Contemporary Arts. Nandun kasi sa librong yun ang information na kailangan ko para sa report ko.
"Good afternoon, Ma'am Celine." Nakangiting bati ko. Ngumiti naman ito pabalik bago iabot sa akin ang librong nais ko.
"Medjo luma na ang librong yan kaya paki ingatan nalang." Sambit nito.
"Opo ma'am. Makakaasa po kayo." Sagot ko bago kami nagpaalam na aalis na.
"Tapos mo na ba ang report mo?" Tanong ko sa tulalang Daniela.
Nandito kami ngayon sa consultation area. Maraming lamesa rito na maaring tambayan or pwede ring gawan ng assignments. Hindi kasi pwede sa library dahil walang enough space para sa mga lamesa at upuan kaya dito nalang kami pumwesto.
"Bukas na ko gagawa. Sabado naman at walang pasok. Saglit lang naman yan." Sagot niya habang humihikab.
"Sabagay." Kibit balikat ko bago nagpatuloy sa pagsusulat sa manila paper.
Pwede naman kaming gumamit ng powerpoint pero mas feel ko kasi yung pagrereport kung ako mismo yung gagawa kaya traditional way ang pinili ko.
Ako nga pala si Janna Mikayla Ramirez. You can call me Kayla for short. Hindi katalinuhan pero may pinag-aralan. Sabi nga sa nabasa ko, "Educating the mind without educating the heart is no education at all." ni Aristotle. Aanhin mo ang katalinuhan kung panget ang ugali mo?
Emz, bobo lang talaga ko.
Bobo with a heart.
BINABASA MO ANG
The Heart Wants What It Hates
RomanceKayla and Jarvis were once the best of friends. They grew up together in a small town in the Philippines. But as they got older, their friendship began to sour, and they became bitter enemies. Years passed, and they lived separate lives, each with t...