Chapter 10

157 12 1
                                    

Master Lewis Davies

Narito ako ngayon sa aking opisina nakaupo at nakatingin ng diretsiyo sa aking kapatid. Narito rin si Lucas ang kaniyang apo at ang sekretarya niya habang si Kiro naman ay binabantayan si Jade.

"Who is she kuya?" madiin na tanong sa akin ni Luther.

"She's my student, why?"

"What do you mean, why?! Kuya tinatanong pa ba yan? She can heal her own wounds. She has a great mana."

"So? There's so many Mages that can heal themselves"

"Tama ka kuya maraming mga Mage ang kayang pag-hilumin ang kanilang sariling sugat. Ngunit hindi nila kayang pag-hilumin ang kanilang sugat sa loob lamang ng ilang minuto inaabot sila ng mga araw, linggo, o buwan para mapagaling lamang ang kanilang sarili, hindi tulad ng iyong estudyante na pinahilum ang kaniyang sugat sa loob lamang ng dalawampung minuto"

Ito ang dahilan kung bakit hindi ko sinasabi sa kaniya ang tungkol kay Jade. Dahil alam ko kung ano ang magiging reaksiyon niya. Si Jade ay may malakas na kapangyarihan hindi lamang healing ang kaniyang kapayarihan.

Sa loob lamang na tatlong buwan ay nagawa na niyang makontrol ang hangin. Ngayon naman ay malapit na niyang maisagawa ng maayos ang pagkontrol sa elemento ng lupa.

"Hindi maaari, Luther" I said to him coldy

"Anong hindi maaari kuya" kunot noo niyang tanong

"I'm not dumb Luther. Alam ko kung bakit ganiyan ang reaksiyon mo noong nakita na naghilom ng kusa ang sugat ni Jade" napalunok lamang siya at tumingin sa ibang direksiyon habang nakatingin ako ng diretsiyo sa kaniya at ang kaniyang apo at sekretarya."Jade will not gonna be your student."

"Student?" sabay na saad ni Lucas at Vivian

"Lucas lumabas muna kayo ni Vivian" utos ni Luther sa dalawa

Lucas Davies
"Kuya"

"Hindi Luther, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi maaari?!"

"Bakit ba ayaw mo?"

"Tigilan mo ko Luther Davies. Kung kukulitin mo lamang ako ay bumalik kana sa Ospital!"

Rinig na rinig ko ang sigawan nila lolo sa loob ng opisina ni Lolo Lewis. Dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagkumbinsi ni Lolo kay Lolo Lewis. Dahil gustong gawin ni Lolo na estudyante niya ang estudyante ni Lolo Lewis.

"Hoy, masamang makinig sa usapan ng iba" mahinang saad ni Vivian sa'kin.

"Kanina ka pa ba nariyan?" tumango lamang siya sabay senyas sa akin ng huwag akong maingay.

Dalawang araw na rin kaming pabalik-balik rito. Dahil sa estudyante ni Lolo Lewis, nililinisan ni Vivian ang estudyante ni Lolo Lewis at ako naman ang tumingin kung maayos lamang ang pagtibok ng kaniyang puso o kung humihinga ba siya ng maayos.

Kami lamang talaga ang kailangan rito ngunit sumasama pa rin si Lolo dahil titignan n'ya daw ang mga gagawin namin kung tama ba. Kahit ang totoo naman ay kukulitin lamang niya si Lolo Lewis.

Papunta kami sa kusina ni Vivian para kumain. Sa katunayan ito ang paborito namin na lugar sa buong mansyon ni lolo Lewis.cDahil may mga pagkain na dito lamang namin matitikman.

Kakaiba ang mga putahe na narito na kapag natikman mo na ay parang nasa ibang ang mundo ka dahil sa sobrang sarap.

"Sa wakas narito na rin tayo!" masayang saad ni Vivian

"Sakto ang inyong dating kakainit ko lang ng pagkain, kumuha na lamang kayo" nagulat ako ng nakita ko ang lalaking estudyante ni Lolo Lewis sa kusina.

"Ano ulit ang iyong pangalan?" tanong ni Vivian kay Kiro. Pinangdilatan ko lamang siya ng mata ngunit tumingin lamang siya sa akin ng may pagtataka.

"Kiro Cordell"

"Kung ganoon may dugong bughaw ka", saad ni Vivian na biglang napatungo

"Nagkakamali ka hindi ako isang aristokrat" saad ni Kiro habang nailing ang kaniyang ulo. Napataas naman muli ang ulo ni Vivian at napangiti ng sinabi ni Kiro na hindi siya aristokrat

"Ikaw ba ang nagluluto dito Kiro?" masigla niyang tanong Kay kiro

"Hindi ako ang nagluluto dito. Si Jade ang taga-luto rito. Iniinit ko lamang ang mga natirang pagkain na niluto niya" saad ni Kiro.

"Mga natirang pagkain?!" gulat na tanong Vivian sabay hawak sa kaniyang bibig

"Huwag kang mag-alala ginamitan ni Master ng spell ang mga pagkain para hindi masira" saad ni Kiro

Napatango na lamang si Vivian dahil na rin siguro sa hiya, "Mauuna na ako may kailangan pa kasi akong asikasuhin" saad ni Kiro. Napakamot na lamang si Vivian sa kaniyang batok ng nakaalis na si Kiro.

"Ang daldal mo talaga Vivian kahit kailan" saad ko sa kaniya.

"Anong madaldal? Nakipagusap lang naman ako." inis niyang saade

"Hindi mo ba talaga nahalataan?"  tanong ko sa kaniya

"Ang alin?" maiikli niyang tanong bago biglang unti-unting lumaki ang kaniyang mga mata

"Huwag mo sabihin nagsinungaling siya sa atin at ang totoo ay sira na ang mga pagkain na pinapakain niya sa atin"

Napatingala na lamang ako at napahawak sa itaas ng aking noo. Dahil sa kaniyang sinabi, kapag si Vivian talaga ang kausap ko kailangan ko ng mahabang pasensya."Hindi iyon ang ibig kong sabihin."

"Ano ba ang gusto mong sabihin?" kunot noo niyang tanong sa akin

"Si Kiro ay isang aristokrat kaya hindi ka maaaring makipagusap sa kaniya katulad ng pakikipagusap mo sa akin" saad ko sa kaniya

"Paano mo nasabi na isa siyang aristokrat? Dahil ba may apelyido siya? Hindi ba't sinabi na niya na hindi siya Aristokrat ng tinanong ko siya kanina."

"Dahil lang sinabi niya na hindi siya Aristokrat ay naniwala ka na? Hindi mo ba napansin kung paano siya magsalita?" sandali siyang napatahimik dahil sa aking sinabi sana'y maiintindihan niya aking mga sinabi dahil nakakapagod magpaliwanag sa kaniya

"Bakit? Anong problema sa kaniyang pagsasalita? Hindi ba pwede na magsalita siya ng ganoon? Ikaw nga isa kang Aristokrat pero hindi ka kumikilos na katulad ng Aristokrat" saad niya

"Teka, bakit nadamay ang pagiging Aristokrat ko dito?!" napakunot ang aking noo dahil sa mga sinabi dinamay ba naman ang pagiging aristokrat ko.

"Tumahimik ka hindi pa ako tapos!" sigaw niya sa akin.

Teka, kakasabi lamang niya na aristokrat ako ngunit sinisigawan niya ako na para bang magkaparehas lamang kami ng ranggo sa lipunan.

"Tsaka, hindi ba't wala naman aristokrat na ang apelyido ay  Cordell. Ang apelyido na ganoon ay halatang peke" dadag pa niya

"Kasi peke naman talaga iyon! ginamit lamang niya ang apelyido na yon para hindi malaman ng mga tao kung ano ang tunay niyang pagkatao!" sa wakas nakaganti na rin ako sa pagsigaw niya sa'kin

"Paano mo nasabi at bakit naman ako maniniwala sa iyo?" saad niya habang nakataas ang kaniyang isang kilay

"Dahil nakita ko na siya noon at ang pagkakaalam ko ay lumayas siya sa kanila para maging estudyante ni lolo Lewis" napahinto at nanlaki ang kaniyang mga mata na para bang nakakita siya ng multo

"Pasensya na pero si Kiro ba ang pinag-uusapan nyong dalawa?"

New Characters

Lucas Davies
Vivian

[EDITED]

Reincarnated as the Lost Daughter of Marquess FamilyWhere stories live. Discover now