"Sino ba talaga kayo? Bakit ayaw kayong ipakilala ni Daddy Dok sa akin?" Umagang tapat na pakikipag-usap ni Dreams sa litrato na naroon sa dining table. Abala siya sa pag-inom ng kape dahil hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya dinalaw-dalaw ng antok.
Pag-uwi ng unit kaninang madaling araw ay hindi na siya pinatahimik ng sandamakmak na katanungan sa kanyang utak. Gustong-gusto niyang malaman kung sino ang dalawang tao na naroon sa frame. Pakiramdam niya kasi ay may malaking sikreto na nakatago patungkol doon.
"Hey! Kasali sa rule natin na huwag na huwag mong hahawakan 'yan." Napaangat siya ng tingin nang marinig ang mababang boses ni Kaiden na bagong labas sa kanyang kwarto. Nakasuot ito ng disenteng damit na hawak-hawak ang puting coat sa kamay.
"Hindi ko naman hinahawakan e, tinitignan ko lang." Depensa ni Dreams.
"Tigilan mo na 'yang pagiging curious mo dyan. Kahit anong gawin mo, hindi ko sasabihin sa'yo ang totoo." Pagmamatigas na wika ni Kaiden at kinagat ang hawak na apple saka naupo sa tapat ni Dreams.
"Hindi kaya asawa at anak mo 'yan na itinago mo sa akin?"
"What?"
"Syempre, magagalit ang misis mo kapag nalaman niyang nakabuntis ka ng ibang babae. Siguro pinatira mo sila sa malayo para hindi nila malaman 'yong tungkol sa atin nina baby." Hula ni Dreams habang nakahawak pa sa kanyang baba na animo'y malalim ang iniisip.
"Tsk! Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Bahala ka." Inubos ni Kaiden ang kanyang breakfast saka ito nagtungo sa lababo upang hugasan ang mga kubyertos na kanyang ginamit. "Hindi ako makakauwi mamayang gabi, extended ang duty ko hanggang bukas ng gabi kaya ikaw na ang bahala dito. 'Yong mga bintana at pintuan, ilock mo bago ka matulog, maliwanag?"
Walang natanggap na sagot si Kaiden dahil nang lingunin niya ang babae ay tulala ito na animoy malalim ang iniisip. "Hoy! Nakikinig ka ba sa 'kin?"
"Daddy dok, hindi kaya narealize mong mas mahal mo kami ni baby kaya kami 'yong pinili mo kaysa sa mag-ina mo? Omg!" Tumili na animoy kinikilig si Dreams sa kanyang sinabi. Pumalakpak pa ito at hindi maipinta ang tuwa sa kanyang labi.
"Tsk! Nababaliw ka na."
"Bakit, posible namang ganon di ba?"
"Ewan ko sa'yo." Isinuot ni Kaiden ang kanyang relo na nakapatong sa mesa at parehas silang napatingin sa sofa nang tumunog ang selpon ni Dreams. Kaagad na sinagot ng babae ang tawag mula sa kanyang selpon.
"Hello, Ma, opo... Naghahanda po ako kasi may training kami ngayon... Aba! Syempre, nurse ata 'tong anak nyo. Hehehe." Pakikipag-usap ni Dreams sa kanyang ina. Nagkatinginanpa sila ni Kaiden at nginisian siya ng lalaki matapos marinig ang palusot ng babae.
"Sinungaling." Bulong ni Kaiden.
"Po? Napano si Kuya? Okay na ba siya? Sige, sige, gagawan ko po ng paraan. Sige po, tatawagan na lang kita kapag naipadala ko na 'yong pera. Babye Ma." Ibinaba na ni Dreams ang tawag at dali-daling hinabol si Kaiden na noon ay patungo sa pintuan palabas ng kanyang unit. "Uy! Daddy dok."
"Yes?"
"Ano kasi.... Hmm... Kinakailangan ko ng ano kasi naospital 'yong kuya ko." Kagat labing tugon ni Dreams. Napapakamot pa siya ng bahagya sa kanyang ulo.
"Pera ba 'yan?"
"Oo, ang galing mo, Daddy dok. Manghuhula ka ba?"
"Hindi, narinig kita habang nakikipag-usap sa nanay mo e." Inismirkan siya ni Kaiden at kinuha ang wallet sa loob ng kanyang bulsa. "Magkano ba kailangan mo?"
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Dla nastolatkówDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...