Chapter 2: Mcdo

0 1 0
                                    

"Ingat kayo sa pag-uwi! Salamat" paalam ko kina Miguel at Dave nang makababa na ako ng sasakyan.

Hinahatid kasi nila ako pa-uwi sa amin gamit ang sasakyan ni Miguel at misan naman ay naka convoy lang sa amin si Dave gamit ang malaki niyang motor.

Noong una ay ayoko talagang magpahatid kasi kaya ko na naman ang sarili ko at nakakahiya sa kanila kasi hindi naman malapit ang bahay namin sa kanila. Pero nagpumilit parin sila para daw safe ako at tipid na rin sa pamasahe.

"See you tomorrow!" sabay alis ng sasakyan.

Naglakad na ako papasok sa amin. Medyo dikit-dikit ang mga bahay dito sa amin kaya masikip ang daraan. May mga nakikita akong mga tambay lang sa gilid, may mga matatandang babae rin na nagchichismisan at mga bata na nasa loob ng computer shop naglalaro ng dota.

"Ang tagal mo namang umuwi Ash?" tanong ng kuya ko na nasa gilid ng daan kasama ang mga barkada niya na nagyoyosi.

"6:30 ang out ko kanina" sabay lagpas sa grupo nila dahil ayoko ko ng humaba pa ang usapan namin.

I don't particularly hate him, I just hate how he turned out to be this kind of person.

Nakarating na din ako sa bahay. Sakto lang ang laki ng bahay namin para sa aming apat. Nagtatrabaho naman sila mama at papa sa isa sa mga mall dito sa sugbo. Masasabi ko na hindi kami mahirap at lalong lalo na hindi kami mayaman. Sakto lang. Sakto lang na nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Makapagbayad ng mga bills. Sakto lang.

Pagod akong umupo sa gilid ng kama ko habang nakatingin sa kisame.

Bigla ko nalang naalala ang mukha ng Val na yun. Lintek! ganda pa naman ng mga mata niya. Porma palang niya ay mukhang mahirap nang abutin.

Napailing nalang ako sa aking iniisip at nagdisesyon na magbihis ng pambahay. Naka pajama at plain oversized tshirt lang ako.

Bumaba ako sa bahay namin at dumiretso sa kusina para makapagluto ng hapunan. Alam ko kasi na mamaya pa ang dating nila mama at papa. Hindi ko rin naman maasahan ang kapatid ko.

Pagkatapos magluto ay bumalik ako sa kwarto at nagbrowse sa social media.
Nabasa ko sa group chat ng aming dance troupe na may practice kami ng sayaw sa sabado at linggo para daw sa acquaintance party.

Wala naman akong schedule sa trabaho kapag sabado at linggo kaya okay lang sa akin. Sinadya ko talagang hindi magpaschedule kapag weekend para naman makapagpahinga ako. Pumayag naman ang management sa akin kasi part timer lang ako sa mcdo.

Pagkatapos magkapagreply sa gc ay bumaba na ako kasi narinig ko na ang boses nila mama at papa.

"Ma, Pa" sabay mano sa kanila.

"Nakapagsaing napo ako. Kain na po tayo" sabi ko sa kanila at na unang pumunta sa lamesa.

"Yung kuya mo?" tanong ni Papa

"Ano pa nga ba? Andon sa labas kasama ang mga barkada niya" sagot ko.

"Ay naku! Yang kuya mo talaga" sabi pa ni mama habang nagsasandok ng pagkain.

Nagpresinta naman si mama na maghugas pagkatapos kumain kaya umakyat na uli ako sa kwarto para magbasa ng mga notes sa mga subjects bukas.

"Ang aga natin ah?" Wika ni Dave sabay upo sa tabi ko.

"You're just late" Miguel replied.

"You're just too early" saad naman ni Dave, ayaw pa awat.

"You have work?" tanong ni Dave.

"Oo, mamayang 5pm" sagot ko.

Paiba-iba kasi ang schedule namin sa school. May iba na morning lang, afternoon or whole day gaya ngayon. Kaya doon ko nilalagay ang schedule ko sa trabaho kapag mahaba ang oras.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Give it all (Sanchez Series #1) ON-GOING Where stories live. Discover now