Chapter 22 Letting Go

46 2 2
                                    


SOPHIE'S POV

Lumipas ang ilang linggo na walang nangyayari.


Dapat ba akong magpasalamat kasi nagbago na sng sitting arragement namin? Haha. Parang tanga lang. Oo nagkikita kami palagi. Minsan nga nagkakagrupo pa kami e.

Pero parang hindi niya ako kilala.

Parang hindi ako nag eexist sa mundo niya.

Invisible ako sa mga mata niya.


Tangina! Masakit pa din pala! Akala ko magiging immune na ako e. Akala ko masasanay na ako. Pero hindi pala.

Hindi ko kaya.


Pinipilit kong hindi magpaapekto pero hindi ko kaya.

Pinipilit kong umiwas pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Madalas ko silang nakakasalubong sa daan at nakikita kong masaya sila sa piling ng isa't isa.

Parang wala lang sa kanya ang lahat ng pinagsamahan namin e! Gago siya! Pati ang banda nagkawatak watak ng dahil sa kanya!

Pero kahit na iniwan niya ako ng basta basta, mahal na mahal ko pa din siya.

Mahal na mahal ko pa din si Eros at hindi ako nawawalang ng pagasang babalikan niya ako dahil mahal niya ako.

Nakaubob ako sa upuan ko. Naipasa ko na din ang essay na ipinagawa sa amin ni Mrs. Perez. Iniisip ko kung kakausapin ko ba siya mamayang lunch break o hindi.

Kasi hindi ko na kaya e.


Miss na miss ko na siya.

Gusto kong masagot ang mga katanungan sa isip ko.

Mahal pa kaya niya ako?

Bakit bigla na lang siyang nangiwan sa ere?


Wala na akong nagawa. Nadala ako ng emosyon ko kaya nagsulat ako sa isang piraso ng papel.

Eros,

Usap tayo mamayang lunch. Sa music room. Iloveyou :(

Sophie.

EROS' POV

Sophie miss na miss na miss na kita. Mahal na mahal kita. At gustong gusto kitang makasama sa bawat segundo ng buhay ko.

Pero hindi ko hahayaang mapahamak ka.

Sana mapatawad mo ako.

Pangako babalikan kita.

Nababaliw na ako. Sa tuwing makikita ko si Sophie gustong gusto ko siyang yakapin. Gabi gabi akong umiiyak dahil nasasaktan na ako at alam kong nasasaktan din siya. Ayaw kong malayo sa kanya pero hindi ko kayang isugal ang buhay niya.


Kayang pumatay ng tao ni King kung gugustuhin niya.

At hindi ko kayang mawala si Sophie ng tuluyan sa buhay ko.

Atleast kahit ganito kami nasisiguro kong ligtas siya.


Kailangan kong magpanggap na masaya ako kasama si Maxine para hindi siya saktan ni King. Palagi siyang nakamasid sa bawat kilos ko.


Nakadungaw ako sa bintana ng classroom ng bigla akong tawagin ni Vince at may inabot siya sa aking isang piraso ng papel na nakatupi.

The Battle for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon