A Random Thought

95 9 0
                                    

Pangarap ko talaga ang magkaroon ng boyfriend na badboy


Itinatak ko sa isipan ko mula noong bata ako na badboy ang gusto kong maging boyfriend. Gusto ko, 'yung tipo ng lalake na ipagtatanggol ako sa lahat ng umaapi sa'kin. 'Yung tipo ng lalake na parang palaging may usapan ang magkabila niyang kilay na magdidikit sila sa tuwing maglalakad ang kanilang amo sa corridor ng school. 'Yung tipong kahit simpleng paghinga lang niya ay napakalaking bagay na sa akin at tila ba mamamatay ako sa kilig kapag nakita ko siya. 'Yung maangas pagdating sa basketball. 'Yung hindi nagpapahuli  sa lahat ng klase ng bagay. 'Yung tipong ihahatid ka pauwi sa harap ng bahay ninyo tapos bitbit n'ya 'yung bag mo sa paraang hindi mahahalatang kaniya iyon dahil ayaw niyang magmukhang bakla. 'Yung tipo ng lalake na kapag may aso ay hindi siya tatakbo, at haharaparin niya iyon nang buong tapang, tapos 'yung aso 'yung matatakot at uuwi nalang. HAAAAAAAYS. Pangarap ko talaga ang ganoong klase ng lalake. Kaya't kung pwede, sana ganoon ang mapangasawa ko. O di kaya ay ang makilala ko at makakasama ko hanggang pagtanda. Pwede rin namang maging tatay ng mga anak ko. O di kaya ay tatay nalang ng mga alaga kong pusa at aso. Gusto ko kapag dumating siya sa buhay ko, kasing pait siya ng alak at ako ang magsisilbing asukal na magpapatamis sa mapait niyang katauhan. Gusto ko kapag dumating siya sa buhay ko, hindi na siya aalis muli. Gusto ko kapag dumating na siya sa buhay ko, akin na siya at hindi na siya pwedeng kumawala pa. 



˚    ✦   .  .   ˚ .      . ✦     ˚     . ★⋆.   .     ˚     *     ✦   .  .   ✦ ˚      ˚ .˚      .  .   ˚ .             ✦˚    ✦   .  .   ˚ .      . ✦     ˚     . ★⋆.˚    ✦   .  .   ˚ .      . ✦     ˚     . ★⋆.   .     ˚     *     ✦   .  .   ✦ ˚      ˚ .˚      .  .   ˚ .             ✦   .     ˚     *     ✦   .  .   ✦ ˚      ˚ .˚      .  .   ˚ .             ✦˚    ✦   .  .   ˚ .      . ✦     ˚     . ★⋆.   .     ˚     *     ✦   .  .   ✦ ˚      ˚ .˚      .  .   ˚ .             ✦˚    ✦   .  .   ˚ .      . ✦     ˚     . ★⋆.   .     ˚     *     ✦   .  .   ✦ ˚      ˚ .˚      .  .   ˚ .             ✦


Ang gusto ko sa babae 'yung malambing.


Gusto ko pagkagising ko sa umaga, siya na agad ang bubungad at bibigyan niya ako ng mariing halik. Gusto ko 'yung katulad ng nanay ko. Aasikasuhin ang damit ko bago pumasok sa trabaho, at pababaunan ako ng mahigpit na yakap sabay sabing "mag-ingat ka."  Gusto ko 'yung hahaplusin ang buhok ko hanggang sa makatulog ako. 'Yung tipong boses palang niya, alam ko nang kailangan kong magpakabait. Gusto ko 'yung kahit kagagaling lang namin sa date sa labas, magka-usap pa'rin kami hanggang pagkauwi namin sa bahay. Gusto ko 'yung parang bitbit niya ang ulap sa mga bisig niya kaya't sobrang gaan sa pakiramdam kapag nilalagay niya iyon sa mga balikat ko habang sumasayaw kami. Pero gusto ko sa akin lang siya ganoon, hindi naman ako madamot, pero seloso  kasi ako. Handa ako kahit kailan man siya dumating, hihintayin ko siya. Sisiguraduhin kong isa siya sa magiging pinakamasayang babae sa buong mundo. 

Bit of Sweet on Alcohol ✔️Where stories live. Discover now