;

29 4 0
                                    

TW: Depression, Anxiety, Suicide.


Nandito nanaman ako sa harap ng campus namin, papasok ng eskwelahan at uuwi, ngunit parang walang nangyari, ganon pa rin naman.

Paulit-ulit, wala namang bago. Kumain, pumasok, at matulog ang tangi 'kong ginagawa.

Pagpasok 'ko sa classroom, mga pamilyar na mukha ang agad na bumungad sa'kin,  nakahinga ako nang maluwag dahil sila sila pa rin ang aking mga kasama hanggang ngayon.

Kagaya niyo, iilan lang din ang aking mga kaibigan, hindi marami ngunit 'di rin naman kaunti.

"Hi Silvia!" Sabay kaway sa aking kaibigan, siya si Silvia, alam niya ang tungkol saakin, kilala niya ang aking pamilya, at alam niya rin ang aking mga gusto.

Ang aking malapit na kaibigan, kababata 'ko siya noon pa, sabay kaming lumaki at halos lahat ng aming pinaguusapan ay nagkakaintindihan kami.

Siguro dahil pareho kami ng sitwasyon?  Pareho kami ng nararamdaman?

Mapapaisip ka rin minsan kung ganoon ba ang mga dahilan kaya't nagkakaintindihan ang dalawang tao?

Puno ng ingay, tawanan, at sigawan ang buong silid-aralan. 

May kaniya-kaniyang mundo ang bawat isa, ang iba ay naglalaro at nagkwekwentuhan.

Ngunit sa kanilang mga ngiti, hindi 'ko maiwasan tignan ang kanilang mga mata.

Matamlay, malungkot, at pagod.

"How about you Dyiana, after graduation, what's your plan?" Tanong ni Sir Philip sa'kin.

Natahimik ang buong klase at tanging saakin lang nakatuon ang kanilang mga atensyon.

Napaisip ako, ano nga ba talaga ang gusto 'ko? Ano kaya ang gusto ni Nanay?

"Yung mura lang po sana ang tuition fee, balak 'ko po kasi na pumasok ng University at kumuha ng scholarships. Yan po ang aking plano."

Maging doctor, engineer, seaman.

Iyan lamang ang iilan sa mga halimbawa ng kanilang mga pangarap, naiiba sa'kin 'no? Oo, kasi para sa mga may kaya lamang ang katagang "Libre mangarap".

Sa panahon ngayon, wala nang libre, at wala na ring mura. Pero hindi ba kapag may pangarap ka sa buhay, paghihirapan mo 'to para makamit 'yon?

Paguwi 'ko, naghanda ako ng aking makakain, simpleng hapunan lang, noodles at tinapay sapat na.

Kailangan 'ko rin kasing magtipid, sa susunod na buwan pa si nanay magpapadala ng pera.

Si nanay lang ang nagtratrabaho, wala na kasi si papa.

Minsan nga ay tinapay lang aking aking umagahan, hindi sapat iyon, sa totoo lang, pero kaya naman pagkasyahin, kakayanin, titiisin 'ko.

Dito sa Maynila, kailangan mong makipagsapalaran, maraming bagay ang kailangan mong isakripisyo, at may mga bagay na kailangan mong isantabi para sa iba.

Nangungulila na ako, ewan 'ko ba, sobrang miss 'ko na ang aking pamilya.

"Ate! Kamusta ka dyan? Miss na kita, uwi ka sa birthday 'ko ah, kahit sandali lang".

"Oo sige, uuwi ako. Miss na rin kita Nao."

Tumawag si Naorin, kapatid 'ko, Hindi 'ko mapigilan maluha dahil sa sinabi niya, matagal tagal na rin akong hindi nakakauwi sa bahay. Gusto 'kong bumawi sakanya. Babawi ako Nao.

My PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon