Tay,kailangan ko po ng pangpa xerox para sa project namin,bukas na namin ipapasa. Bungad ko sa Tatay ko na kakarating lang galing trabaho. Umiinom si tatay ng kape ng mga oras na yun ng magsabi ako na kailangan ko ng pera,hindi agad ako nito pinansin kaya inulit ko na naman ang pagsasabi.
'Tay,kailangan ko ng pangpa xerox, naiinis na inulit ko sa kanya.
"Manghiram ka nalang muna sa Tiyahin mo hindi pa ako nakakabali sa trabaho namin kase wala si Forman kanina, ibabalik ko nalang bukas, manghiram kana din ng pambaon mo bukas" sabi ni tatay at saka naglabas ng sigarilyo at sinindihan ito.
" uutang na naman ako nakakahiya na, palage nalang ako nangungutang " nagrereklamo kong sinabi sa tatay habang padabog na lumabas ng bahay
Pumunta ako sa duyan na gawa sa sako na ikinapit naman sa puno ng kape, madalas ay dito ako nagpapalipas ng oras tuwing hapon
Nag iisip na ako ng sasabihin sa aking Tiyahin na hihiraman ng Pambaon hindi ko paman din nagagawa ay alam ko na pangdidilatan na naman ako ng nga mata nito kapag sinabi kong mangungutang na naman kamiMadalas ay nanghihiram lang ako ng pambaon at kapag nakasweldo naman si tatay ay saka namin babayadan yun nga lang minsan ay kakabalik lang ng hiniram ay sa makalawa mangungutang na naman kami, Si tatay lang din kaso ang may trabaho sa pamilya namin
Dalawa pa kaming nag aaral ng kuya ko may mga kapatid naman ako yun nga lang may kanya kanya nading pamilya kaya hindi na kami naasa pa
Maliit palang ako ng mamatay si Nanay kaya lumaki kaming magkakapatid na independent at sanay sa hirap ng buhay
Laking bagay din naman na hindi na nag asawa si Tatay at nag focus nalang din sa amin"Angela" tawag sakin ng pinsan ko habang papalapit sa duyan
"sasama kaba sa Sabado pupunta tayo sa birthdeyan kasama sina Inay " sabi ng pinsan kong si Elsa
BINABASA MO ANG
Ang What if ng Buhay ko
RandomMinsan ba natanong muna sa sarili mo na kung bakit sa daming pwede makilala sya pa? Kung bakit napakaliit ng mundo para mag tagpo padin kayo? Kung bibigyan kaba ng chance pipiliin mubang i undo lahat ng nangyari o pipiliin mong mag Stay at magpatu...