Prolouge

9 0 0
                                    

Grabe yung pagod ko pagkatapos mag out sa trabaho bilang crew. Tinignan ko ang sarili sa salamin habang inaayos ang suot na jacket.

"Hays." Wala sa sariling malalim akong napabuntong hininga. Pakiramdam ko pinasan ko na ata ang problema ng mundo kahit ang problema ko lang naman ay wala akong kasabay na umuwi. Sumulyap ako sa relo ko. Alas dos imedya na pero nandito pa din ako. Tinding caygohan naman ang dalawang oras. Tsk!

Napailling na lang ako bago bumaba. Dumiretso ako agad kay chief para ipacheck ang bag ko ng sagayon makauwi na ko.

Naabutan ko doon na kausap niya yung pantry namin.

"Oh! 'yan na pala si lukring." Sabay baling niya kay Reign. Iyong pantry namin.

"Robin, bagay kayo ni lukring. Kayo na lang kasi."

Awit. Pagod ka na nga tinukso ka pa sa tomboy. Tss. Nakakabanas. Ang sama ng trip ni chief, literal na badtrip!

"Luh! Pangit pangit niyan. Pakealam ko diyan." Singhal niya. Parang lugi pa si tanga.

"Talaga! Mas pangit ka." Rebat ko habang binubuksan ang sariling bag.

"Ikaw nga 'tong pangit. Tigas ng mukha mo"

Namumuro na sakin 'tong yobmot na 'to. Baka siya ang matigas ang mukha!

Di na lang ako kumibo at hinayaan nalang ang sinasabi ng chief namin. Hilig niya kaming tuksuin kahit sa totoo lang nakakabanas na. Straight ako tapos tutuksuhin lang ako sa kapwa ko babae na mukhang lalaki. LOL.

"Una na 'ko, chief." Paalam ko habang sinasara ang bag.

"Sabay ka na kay Robin, uuwi na din siya."

Nagkatinginan kami ng Reign. Napairap na lang ako. Patayin niyo na lang kaya ako kaysa isabay ko siya. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni chief. Lumabas na ako at kumaway na lang. Uwing uwi na ko. Halos tingin ko na sa kalsada ay kama.

"Hoy! Tomboy! Sabay ka na." Napalingon ako sa tumawag. Si Reign nakasakay sa bike niya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Wow ha? Ako pa talaga tinawag niyang tomboy?Aus pala 'to e. Tsk!

"Hindi na, di bale na lang." Iww.

"Ang arte mo! Sumakay ka na, mamaya may mangyari pa sa'yo sa daan kargo de konsensya ko pa."

Ibig sabihin ba nito kinokonensya ko pa siya? Tigas ng mukha! Ano naman sa kanya kung may mangyari sakin? At isa pa mas mukhang may mangyayari sakin kapag sa kanya pa ako sumabay.

"Hindi na nga! Sasakay na lang ako."

"Tss. Wala ng masasakyan ngayon, dis oras na ng gabi. Nag-iisip ka pa ba? Sumakay ka na kaysa pairalin mo 'yan pride mo na akala mo naman ang ganda mo."

What the fvcking hell?

"Kinanginang buhay talaga 'to." Nabadtrip na lang akong lumapit sa kanya. Tahimik akong sumakay sa likod ng bike niya.

"Sasakay din pala, nag iinarte pa."

Malamang, maganda ako. Mag-iinarte talaga ako! Parang dati lang ay ayaw niya akong isabay. Hinding hindi ko makakalimutan yun!

*FLASHBACK*

BAGUHAN pa lang ako dito sa Jollibee. Hindi pa ako masyadong pamilyar sa lugar na 'to kung saan branch ako kaya hindi ko din alam kung paano ako makakauwi mamaya. Mabuti na lang at may kapwa ako crew na may malasakit at nag-offer na may kakilala siya na pwede kong sabayan. Siya pala si kuya Marvin. Mukhang matagal na din siya dito sa store. Nalalagas na kasi yung buhok niya e.

Bigla siyang nagsalita ng may dumaan na isang payatot na balot na balot sa jacket niyang akala mo may pupuntahang party. Mayolet ba naman kulay e. Ano akala niya? Siya si barney?

"Oh! Reign! Uuwi ka na ba? Isabay mo na siya." Sabay turo sa'kin. 

Halos sumabog ako sa galit ng makita ang ekspresyon ni Reign. Pangit amp. Parang hindi naliligo, bantot! Paano ay kung makatingin siya sa akin ay parang nakakita siya ng tae!

"Taga saan ba 'yan?" Tanong niya habang may kinakalkal sa bag niyang pang weteng!

"Longos daw, diba malapit ka dun? Tumana ka lang naman."

"Ah. May dadaanan pa ako e. Sa iba na lang siya sumabay." Sabay tingin niya sa akin habang nakangisi. Halata mong nag-aasar.

What!? Kapal ng mukha! Sabi na e, pangit talaga ang ugali ng isang 'to! 

Napakamot na lang ng ulo si kuya Marvin ng basta basta na lang umalais sa harap namin iyong Reign!Bansot! Tumungo na lang ako, nahiya tuloy ako na para bang iniisnab ako ng mga tao dito. Aarte niyo e ambabaho niyo naman!

Hindi ko na matiis na antayin yung isa pa na sinasabi ni kuya Marvin na pwede ko daw sabayan kaya nagpacheck na ako ng gamit sa guard at lumabas ng store. Bahala na!

Naabutan ko pa si Reign na nagtatanggal ng kadena ng bisikleta niya. Nabaling ang atensyon niya sa akin bago akayin ang sasakyan niya.

"Sabay ka? Kagat ka sa gulong."

Halos sumabog ako sa galit at kamuntikan ng lumabas ang usok sa ilong ko. Malakas itong tumawa bago pinadyakan ang bisikleta niya.

*End of Flashback*



GMAIL acc : jmiranda021923@gmail.com
IG acc : mnmsyn_nyx

If my suggestions kayo like the way I write for better reading don't hesistate to email or dm me. Btw, yung story na 'to is based on my own experience and yung leading man ay ang nag-iisang My One And Only Love. haha!

MAGIC OF LOVEWhere stories live. Discover now