Jamie**
Bumalik na kami ni JK sa school kase marami pa kaming hahabulin.
••••
Lunch na! Kung nagtataka kayo dun sa project namin about sa trust, pumayag yung teacher namin na next week na lang ipasa kasi nga sinundo namin si Jade. Nasa 3rd floor sya. So kami, nasa 4th floor."Babe, tara na?" Tanong sakin ni Jakey. Sa school, hindi nya ko tinatawag na wife kase baka may makarinig.
Naglalakad na kami ng may naalala ako. Aish. May nakalimutan pala ako.
"Babe, mauna ka na. May nakalimutan ako sa room eh." Sabi ko kay Jakey.
"Samahan na kita baby." Sagot nya.
"No. Wag na. Mapupuno na ang tao sa canteen. Mawalan pa tayo ng table." Sabi ko.
"Madali namang magpaalis ah." Sagot nya. Aba. Mambubully pa.
"Babe, sige na please? Ipromise mo na hindi ka magpapaalis ng tao magkatable lang tayo." Paawa effect pa yan ha.
"Tch. Fine. Baka ayaw mo ko kasama." Aba. Nagtatampo pa?
"Aish. Hindi yan totoo, okay? Iloveyou. :*" sabi ko.
"Iloveyoutoo. Sige na." Sabi nya. Ayieeeh. Nangiti na sya. Hehe
"Bye!" Sabi ko at kumaripas ng takbo papuntang room.
Kinukuha ko na yung wallet ko kase yun yung nakalimutan ko. Lalabas na ko ng pinto ng hinigit ako nung Xander.
"Hi, Crystal." Sabi nya. Nakakainis to ah. Makahigit. Kala mo kung sino. Kalma, Crystal. Kalma.
"Hi, Xander." Sagot ko.
"Woah. You remembered my name?" Tanong nya.
"Hindi ba halata?" Alam na naalala itatanong pa. Psh.
"Ang taray mo naman." Sabi nya. Naiinis na ata sakin.
"I know." Sabi ko na akmang aalis na ng higitin nya ko at hinalikan sa leeg. Kadiriiii! Urgh.
"Ano ba?!" Sagot ko saka sinuntok ang katawan nya.
"Bye, gorgeous. See you later." Aba. Makasmirk. Ang panget naman. Kumuha ako ng wipes at pinunasan ang leeg ko.
JK**
Ang tagal naman ni Babe. Mapuntahan kaya?
•••••
Paakyat nako ng room. Lalabas na sana si Crystal ng hinigit siya nang isang lalake. TEKA.
SI XANDER YUN AH?! GAGO TALAGA YUN!
Inantay ko ang susunod na mangyari.... Hinalikan nya si Crystal sa leeg. Hindi ko na kaya manood sa kanila kaya pumunta na lang ulit ako ng canteen. Btw, sa SFU na napasok ang Kyrren.
"Oh JK, asan na si sis?" Tanong ni Ky. Yun kase ang tawagan nila eh.
Hindi ako sumagot. Galit at inis lang ang nararamdaman ko ngayon. Grabe. Ayaw na ba nya saken? hayyy.
"Oh! Crystal! Andyan ka na pala." Sabi ni Darren.
"Hi babe!" Bati sakin ni Crystal. Hindi ko sya pinansin. Tch.
Jamie**
Hmmm... ang weird ni Hub ah. Hindi ako pinapansin. Psh.
Eto ako ngayon. Lutang sa klase. Si Jakey lang ang iniisip ko eh. Pano ba naman hindi ako pinapansin?
••••
Uwian na. Wala akong energy. Nako! Patay talaga sakin yang Xander na yan! FC eh. Makahalik! Sakalin ko sya dyan. Alam nyo, kanina pa yung lalakeng yun nakatingin saken. Psh. May Jakey na kaya ako.
BINABASA MO ANG
Unexpected LOVE (A Juan Karlos Labajo Fanfiction)
FanfictionARRANGED MARRIAGE. Kaya mo bang magmahal ng lalaking hindi mo naman kilala? Pano kung basta ka na lang mahulog dito? Papayag ka ba? basahin ng malaman.