CHAPTER 8: TELLING THE TRUTH.
Kurt's POV.
"WHAAAT? Tanga ka ba? Paano kapag nalaman niya na ikaw din si Kian? Humanda ka ungas ka." sabi ni Kier
Sabagay totoo naman yung sinasabi niya. Naguguluhan tuloy ako ngayon kung sasabihin ko ba kay Elena yung totoo. Hindi ko naman kase alam na mauuna akong tamaan sa kanya.
"Ano men ? Nakaisip ka na ba ng gagawin mo?" tanong ni Zac na umiinom ng beer ngayon.
"Tsk. Bahala na. Kasalanan ko naman kaya kung ano na lang mangyari, okay lang." sagot ko sa kanya.
Wala na akong ibang maisip na gagawin. Wala naman sa plano ko 'to. Ang plano ko mafall si Elleina sakin hindi ako ang ma-fall sa kanya.
Umalis na ako sa bahay nila para pumunta sa unit ko. Gusto ko munang mag-isip ng mabuti kung paano ko liligawan si Elleina. At kung paano ko sasabihin sa kanya na ako rin si Kian. Siguradong magagalit siya ng sobra. Nakakatakot pa naman magalit yun. Tsk
Lei's POV.
Maaga akong nagising ngayon at nagpeprepare for my speech mamaya. Ako kase ang magbibigay ng speech about sa magaganap na election. This is my last year as a Senior High School and as a Student Government President, magbibigay ako ng speech sa kung papaano ko nagawa ang mga projects ko sa Academy.
I was preparing, when suddenly my phone rang. Sinagot ko ang tawag dahil baka importante. "Hello?"
"Hi"
Tanging yan lang ang narinig ko sa kabilang linya ng sagutin ko ito. Sandali akong nag-hintay upang bigyan siya ng time na mag-salita ulit pero nanatili siyang tahimik. Kaya naman ako na ang nag-salita.
"Hello? Andyan ka pa ba?" tanong ko.
"Hmm..Sorry. Wrong number." sagot ng nasa kabilang linya at pinatay na ang call.
Nagtaka naman ako, ano problema niya?. Imbis na isipin ang ay itinuloy ko na lang ang pag-aayos ko sa sarili ko.
-SCHOOL-
Dumating ako na nag-uumpisa na ang program. Na-late ako dahil traffic, ano pa ba ang bago don? Kaya naman naglakad na ako papunta sa reserved seat para sa mga officer na kagaya ko.
"Where have you been? Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Faith.
Naupo muna ko at inayos ang sarili ko bago ko siya sagutin. "Ilang minuto lang naman akong late. Saka traffic sa daan, ano magagawa ko?" sagot ko.
"Are you ready for your speech?" tanong naman ni Chloe.
"Ofcourse I am. Ang tagal ko kaya ginawa yung speech ko kagabi." sabi ko pa.
Kasalukuyang nagsasalita ngayon ang guest speaker namin. Kaya naman busy ang lahat para makinig. Maya-maya pa ay may isang lalaki ang nag-aabot sa akin ng bulaklak. Hindi lang basta bulaklak isang boquet ng bulaklak na puro sunflower.
"May nagpapabigay lang po." sabi niya naman.
"Sino?" nagtataka kong tanong.
Alam ko at aware ako na maganda ako. Pero sino ang nagpapabigay ng mamahaling boquet na 'to? At sa kalagitnaan pa talaga ng program.
"Bawal po sabihin eh." sagot ng lalaking nagbigay sa akin.
Tumayo ako at kinuha ang bulaklak saka lumabas ng gymnasium. Kasunod ko naman yung lalaking nagbigay sa akin ng bulaklak. Lumabas ako para komprontahin siya kung sino ba ang nag-utos sa kanya. Dahil alam na alam ang favorite kong bulaklak.
BINABASA MO ANG
Casanova In Disguise
Short StoryHighest Rank No.1 in #bes Paano mo iimaginin ang buhay na masaya kung araw-araw badtrip ka? Kakayanin mo ba mahalin ang isang tao na kinamumuhian mo? Paano kung hindi mo na siya kilala?