CHAPTER 10: CHOICES
Lei's POV.
3 months ko na rin hindi nakakausap si Kurt. Hindi ko na rin siya nakikita sa school. Ang huli yata naming pagkikita ay noong ininvite kami ng Daddy niya sa mansyon nila. Mabuti na rin naman ang ganito dahil mas nakakapag-focus ako sa pag-aaral ko.
Tahimik ako ngayon dito sa library at inaayos ang mga ipapasa ko na requirements online para sa University na papasukan ko. 4 months na lang at haharapin ko na ang pagiging isang college student. Nakapag-desisyon naman na ako kung ano ang course na ite-take ko.
"Finally, nakita din kita." sabi ng kakarating lang na babae.
"Bakit mo naman ako hinahanap? May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya.
Inusad niya ang upuan na nasa tabi ko at doon siya naupo, ibinaba naman niya ang mga gamit niya sa mesa dahilan para iusad ko naman ang laptop ko.
"Wala, I just want to make sure lang na you're doing good." sabi niya naman.
Nakakapagtaka naman na sa tagal namin na magka-away ay gusto niya pa i-sure na I'm doing good. "Hindi bagay sayo," sagot ko sa kanya.
"I'm here to say thank you at para mag-apologize na rin sa mga nagawa ko sayo." paliwanag niya naman.
"Don't mention it. Ginawa ko lang yung sa tingin ko ay tama." sagot ko sa kanya.
"Hindi ko alam na aabot ako sa ganitong sitwasyon. I hate you at alam mo yon. But because of what you did last night, noon ko lang na-realize na mali ako sa mga ginawa ko." pagpapaliwanag ni Ivy.
Siguro nagtataka na kayo kung ano ang sinasabi niya. I help her kase kagabi ng makita ko siya. She was crying because Timothy dump her, isa pa is napapahiya na siya sa harap ng maraming tao, na ginawa ko din naman sa kanya noon. Pero deserve niya naman yung ginawa ko. Pero yung ginawa sa kanya ni Tim ang hindi niya deserve.
"Atleast ngayon you learned the lesson na huwag mo sinisiksik yung sarili mo sa isang tao. Hindi naman lahat mape-please mo. Kung hindi ka niya gusto then okay. Hindi mo naman kawalan 'yon. Hindi ka din naman mali dahil nagmahal ka lang naman." sagot ko sa kanya at ang gaga bigla namang umiyak.
"T-thank you ah.." sabi niya habang tumutulo ang mga luha.
Lumapit ako ng bahagya sa kanya para i-hug siya. Alam kong mas kailangan niya 'yon ngayon. Saka kinalimutan ko naman na lahat ng away namin. Sadyang parehas lang kaming tanga at nagpa-uto kami sa iisang lalaki.
"Ang arte mo, hindi ka naman ganyan." tangi kong nasabi pagkatapos ko siyang bigyan ng yakap.
"Oo nga pala, alam mo na ba?" tanong niya habang nagpupunas ng mga luha niya.
"Ang alin?"
"Aalis na si Kurt, babalik na siya ulit sa U.S," sagot niya.
"Kanino mo naman nalaman yan?" tanong ko.
"Kay Dennize."
"Bakit naman ngayon pa siya babalik? Hindi niya ba tatapusin muna yung school year bago siya umalis?" tanong ko ulit. Kase naman diba, ilang buwan na lang at gagraduate na kami.
"Hindi ko din alam eh. Siguro si Dennize na lang din ang tanungin mo. I have to go na rin." pagpapa-alam niya.
Naglakad na siya palabas nitong library at ako naman ay naiwan. Ang akala ko ba dito na siya magtutuloy ng pag-aaral niya? Bakit naman siya aalis?
Sa gitna ng pag-iisip ko ay isang message ang nag-pop up galing sa group chat namin nila Chloe. Kailangan ko na daw pumunta sa SG Office dahil may mahalaga silang sasabihin, kaya naman nagligpit na ako ng mga gamit ko at dumiretso na sa SG Office.
BINABASA MO ANG
Casanova In Disguise
ContoHighest Rank No.1 in #bes Paano mo iimaginin ang buhay na masaya kung araw-araw badtrip ka? Kakayanin mo ba mahalin ang isang tao na kinamumuhian mo? Paano kung hindi mo na siya kilala?