Her heartbreaks and heartaches

0 0 0
                                    

"Mahirap mahalin ang isang taong hindi ka kayang pahalagahan."

'Yan ang mga katagang iniwan sa'kin ni mommy bago siya pumanaw at iwan kami ng daddy ko. Mahirap lumaki na walang ina. Walang makaka-girl talk at higit salahat walang makakaintindi ng mga bagay bagay na tanging mga ina lamang ang kayang umintindi at umunawa.

Si daddy sobrang stict kaya eto ako ngayon sunud-sunuran. Kailangan ganito,ganyan etc.

Hayyy buhay hanggang kailan ako magtitiis. And this is my life. Probably miserable.

Para akong isang salamin na paulit-ulit sinusuntok hanggang sa mabasag ng pira-piraso.

Kailan ba ako magiging masaya,maging malaya at makadikta kung ano ang gusto kong gawin sa buhay?

"Ayesha,ija andyan na ang sundo make it fast ayokong mainip si Blake kakahintay." Pshhhh. I just blew my bangs. Dad has always been a perfectionist pero kahit perfect na sa paningin niya ang mga ginagawa niya all I can say is no one's perfect.

Pano ba 'yan Yesha iiwan mo na ang bahay mo,para mo na ring iniwan si mommy- ano ba 'yan! Nakaka iyak. Kaya ko to.

Lumabas na ako sa gate ng bahay para sumakay sa kotse ni Austin. Lagot ako nito ngayon ayaw pa naman nun ng pinag hihintay. Phew!

"Alam mo bang galit na galit si Sharra ng dahil sa kabagalan at kadramahan mo! "Naka ilang lunok na ba ako. "Hoy babae! Never assume that I will care for you and never assume that I will love you. Umiyak ka man hindi ako maaawa sayo!" Pesteng luha to. Ayan na pumatak na.

"I'm.....s-sorry....Austin." Yun na lang ang nasabi ko habang lumalakad papasok ng sasakyan. Alam ko naman sa sarili ko na hinding-hindi ako mamahalin ng lalakeng naka-arrange marriage sa'kin.

-------------

Pagdating sa bahay hindi ko maiwasang mamangha sa mga nasaksihan ko. One word to describe. Beautiful.

"Hoy babae! Nakikita mo 'yang kwarto malapit sa kitchen? 'Yan ang magiging kwarto mo." Ma awtoridad niyang sabi. "T-teka pano pag andyan sina papa?" Nakakatakot siya. "Don't worry I have plans."
Tumango na lang ako as a sign of agreement.

Papasok na sana ako ng--- "And if you're hungry bahala ka ng magluto."
I nod. "And one more thing malelate ako ng uwi." Akala ko mag go-goodbye siya. At least pinaalam niyang male-late siya ng uwi diba kaysa naman hindi.

Asa, pupunta lang naman 'yan kay Sharra.

Hayss makaluto na nga. Pagkatapos magluto kumain na ako at nagligpit. Kahit papano excited akong pumunta sa kwarto ko kahit na alam kong guest room lang ito. Tumakbo na agad ako sa pinto ng kwarto ko. "Sana naman magustuhan ko 'to." Pumikit ako habang binubuksan ang door knob. "3.2.1." I slowly opened my eyes...... Haysss kala ko pa naman maganda pero okay na rin astleast may kwarto.

Yesha don't assume na katulad to ng kwarto mo sa mansion.

Okay naman siya isang kama na tamang tama sa isang tao may closet at maliitt na cabinet. Air conditioned naman siya at isang malaking wall glass na kitang-kita ang garden at pool area. Not bad kahit na wala akong sarili ng cr may cr naman sa living room. Although maliit ang room I'm happy na rin sa scenery sa labas ng wall glass tamang-tama para may inspiration ako habang nag iisketch.

Nagising na lang ako sa isang malakas na katok sa pinto and I think hampas at suntok na 'yun eh. Lumabas ako ng nakatakbo. "Sandali lang... I'm coming!!!" Laking gulat ko ng iniluwa nun ay si Austin na lasing na lasing. "God,Austin! You're very drunk!" Pero laking gulat ko nalang ng bigla niya na lang akong hinatak. He pinned me on the wall. My body numbed. My legs wobbled.

Heartbreaks HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon