Pasalampak na umupo si Mika sa malambot na kama at niya panakatitigan ang blue gown na naka-hanger sa likod nf pinto ng kanyang silid.Ang gown na iyon ang isususot niya sa JS Prom.Isipin pa lang na suot niya yun ay nais na niyang kilabutan.
Nakakainis naman kasi eh.Kung bakit kasi nauso pa ang JS Prom na yan!! Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame.Napangiti siya nang makita niya ang imahe ng kanyang crush na Kiefer Isaac Ravena.Kung hindi lang dahil dito ay wala siyang balak na dumalo sa prom.Kaya lang,ayaw niyang palampasin ang pagkakataon na makasama niya ito.
Mika!!! malakas na tawag sa kanya ng kanyang mama. " Naligo ka na ba?"
Bumalikwas siya ng bangon,sabay kuha ng towel na nakasabit sa upuan ng dresser. "Maliligo na po!" malakas na sagot niya.
Bumukas ang pinto at pumasok ang mama niya.Halatang nakukunsumi na ito. "Hay naku! Ikaw na bata ka,maligo ka na at nang maumpisahan na ang pagme-makeup sayo.Baka mahuli ka sa JS Prom mo.Hala bilis! Kilos na!" Bahagyabg itinulak pa siya nito sa pinto ng cr sa kwarto niya.
"Si mama,ang kulit! Mas excited pa kayo kaysa sa akin"
"Natural! Ikaw ang nag-iisang anak kong babae"
"Pwede bang hindi na lang ako um-attend?
"Heh! Tumigil ka! Sayang ang ganda mo at ang ginastos natin para sa isusuot mo.Ikaw rin hindi mo makakasayaw si Kiefer kapag hindi ka pumunta"
"Si mama talaga..."
Natawa ito."Joke lang. Sige na. Maligo ka na" Habang nasa loob siya ng cr ay napapailing siya.Kahit kailan talaga makulit ang mama niya.Parang mag-bestfriends lang anv turing nila sa isa't isa.Hindi siya naglilihim pero overprotective ito sa kanya.Siguro ay dahil nag-iisa siyang babae--- tatalo silang magkakapatid.Napabuntong-hininga siya ng maalala ang JS Prom.Ano kaya magiging hitsura niya sa okasyong iyon?Hindi siya sanay na ngsusuot ng palda o kahit anong damit pambabae.Hindi rin siya sanay magsuot ng mataas na sapatos.Mas komportable siya sa maluwag na t-shirt,short at sneakers,kaya napapagkamalan siyang lesbian.
Iilan lang sa mga kaibigan niya ang nakakalam na babaeng babae siya.Kilos lalaki lang siya dahil napapaligiran siya ng maraming lalaki gaya ng papa niya at dalawa niyang kapatid na si Perry, Miko at Kiefer.Noong bata pa siya ay ang kuya lamang niya ang nakakalaro niya.Pati ang damit nito ay naimpluwensiyahan nito.
Mag iisang taon na ang lumipas ng lumipat sila sa Manila.Ayaw kasi ng mama niya na magkahiwa-hiwalay silang pamilya kaya sumama na sila sa papa niya na lumuwas sa Manila kung saan nadestino ang papa niya.Malaking sakripisyo iyon para sa kanya dahil kinailangan niyang iwan ang maga kaibigan.Pero sa una lang siya nalungkot dahil nang magtranfer ng school ay mga nakilala siya na bagong kaibigan---isa na roon si Kiefer na naging matalik niyang kaibigan.
Kahit mabait ang mga karamihan sa mga bagong kaibigan niya,mayroon din mga kontrabida.Iyong mga babaeng galit sa kanya at naiinggit sa closeness nila ni Kiefer.Pero hindi siya natatakot sa mga babaeng iyon dahil naroon ang bestfriend niya na handa siyang ipagtanggol.
"Hoy Mika Aereen!" tawag sa kanya ng panganay na kapatid niya na si Perry,sabay kalabog nito ng pinto ng cr." Bilisan mo dyan,Kanina ka pa naliligo,ah.Hindi naman aamuyin ni Kiefer ang kilikili mo!"
"Sira ulo! Bakit ka ba nakikialam?" sagot niya.
"Nandito na yung mag-aayos sayo"
"Kayo nalang kaya ang mag JS? Mas excited pa kayo eh".
"Basta bilisan mo na dyan."
Nang hindi na niya ito marinig ay binilisan na ang paliligo.Masyado siyang abala sa pag-iisip,may mas importante pa pala siyang gagawin.
--------------------------------------------------------
L.I.
May 29, 2015
BINABASA MO ANG
Someone Like You (Miefer fanfic)
FanfictionBestfriend ni Mika si Kiefer-- ang gwapo at sikat na basketball player ng campus.Pero dahil sa pagiging boyish niya ay lagi siyang tinutukso nito sa mga babae.Lagi siya naiinis dahil sa sarili niya ay sigurado siyang babae siya.Isang patunay roon an...