Ang pagluluto, parang LOVE: handa ka dapat mapaso. Masugatan. Matilamsikan ng mainit na mantika, madampian ng kumukulong tubig.
Dahil sa bawat pagkapaso, gumagaling ang timpla; sa bawat sugat, may natatagong linamnam; sa pagsuong sa apoy, may kapalit na ligaya.
Kung magaling magluto, magaling rin magmahal. Tama ba?
--Lakambini
Wow. Sino may gawa nito? Kanino galing? Lakambini? Sino yun?
"Si Oryang. Asawa ni Andres Bonifacio. Ano ka ba naman. Hindi ka ba nakikinig sa history teacher mo? Naku naman Carlo. Bakit mo ba naitanong?"
Ah. Oo na lang. Hayss. Hindi ako nationalistic. Shame on me. Nasermunan na naman ni Mama. Hahaha.
"Nakilala siya ni Andres Bonifacio sa isang prusisyon. Santacruzan kasi noon. Nalove at first sight daw siya kay Oryang na Reyna Elena. Biruin mo, hindi lang si Andres ang nainlove kay Oryang. Pati si Nakpil na kasapi din ng Katipunan."
"Sigurado ka ba na siya talaga yung Lakambini?"
"Oo naman. Siya yung babaeng wagas magmahal. Idol ko yon sa lahat ng mga babaeng katutubo noong panahon. Inaabangan ko nga yung pelikula tungkol sa kanya. Ipapalabas daw sa sinehan eh."
Hmm. Sino ba talaga? Si Tanya lang naman ang nakakakita nitong scrapbook ko bukod sa akin. Nakakacurious naman. Baka may secret admirer ako. Hehehe.
Si Nicole kaya? Tsss. Asa. May Tani na yun.
Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko, idinikit ko na lang sa back cover ng scrapbook ko yung letter. Hay. Siguro si Tanya lang talaga. Siya lang naman ang alam kong may gusto sa akin eh. Pero ipinagpaliban ko muna ang sobrang pag-iisip. Kailangan ko nang matulog ng maaga.
************************************************************
"Tao po! Tao po!"Ang ingay naman ng tao sa kabila. Zzzzz.
"Tao po! Carlooooo!"
Zzzz. Sino ba yan? Ke aga aga.
"Maaaaaaa! Sino ba yan?!"
Naririnig kong kinakalampag na rin ang gate. Kung sino man siya, ang aga aga niya naman mambulabog. Zzzzz.
"Nak, Tani daw ang pangalan niya. Urgent daw."
Zzzzz.
Biglang bumukas ang pinto.
"Carlo, ano ba gumising ka na! Aalis na daw ngayong umaga si Tanya papuntang abroad kasama ang parents niya! Nakapagpaalam ka na ba? Walangya huy bumangon ka na!"
Kitang-kita ko ang tagaktak ng pawis sa noo niya. Halatang nagmadali siya papunta rito.
"Alam ko hindi mo pa alam kasi nung isang araw na hiniram ko kotse nila, sabi niya sa akin, ingatan ko daw at yun na daw ang huling pagkakataon na makakausap ko siya. Di ko na lang pinansin. Hanggang sa kaninang umaga, sabi ni Nay Lisa nasa airport daw si Nicole para ihatid si Tanya. Inis na inis ako kasi hindi man lang ako hinintay ni Nicole. At wala siyang nasasabi sa akin. Kaya tara na!"
Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko. Dali-dali akong nagtoothbrush at nagpalit ng suot. Hindi ko na naisipan pang mag-almusal. Kahit si Mama hindi na ako napigilan. Sumakay ako sa motor na dala-dala niya.
"San galing tong motor?"
"Hiniram ko kay Chris. Nagmamadali nako eh."
Siya na talaga ang madiskarte.
Halos lumipad kami patungong airport. Hindi namin alam kung paano at saan siya hahanapin, basta ang sabi ni Tani, alas nwebe daw ang flight ni Tanya. 8:45 na. Shit. Maaabutan pa ba namin siya?
Sa sobrang laki ng airport halos di ko alam kung saan ako magsisimula. Pero sa tingin ko, nasa waiting area na siya bago makasakay ng eroplano. Iilang minuto na lang, aalis na siya. Sana hindi pa siya nakasakay.
Limang minuto na akong paikot-ikot hindi ko pa rin siya mahanap. Kahit si Nicole na sinamahan siya hindi ko din makita. Sa sobrang kapal ng tao, halos di ko na kayang isa-isahin ang bawat mukha sa pagbabaka-sakaling hindi pa nakakaalis si Tanya.
8:55 na. Shit. Desperate measures call for desperate times na.
Dumako ang aking paningin sa malapit na taxi terminal na nagtatawag ng pasahero gamit ang isang megaphone. Tumakbo ako at pinilit ang lalaki na hihiramin ko lang sandali kasi kailangan ko. Nagtaka pa siya at akmang pipigilan ako pero nakuha ko rin at itinakbo iyon palayo. Hindi nako nagdalawang isip pa. Dali-dali akong tumakbo papunta sa departure area...
"TANYAAAAAA!"
Nagtinginan ang lahat sa akin. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko sa sobrang kahihiyan. Pero wala lang yun lahat sa akin. Alam kong susugurin na ako ng mga security guards pero bago pa man nila ako mapaalis, heto na, sasabihin ko na...
"Tanya Sandoval, kung naririnig mo ko, gusto ko lang malaman mo na, mahal din kita!"
Natahimik ang lahat.
"Sorry kung ngayon ko lang narealize. Sorry kung hanggang kaibigan lang ang naging turing ko sayo. At sobrang sama ng loob ko kasi magmula nang naging magkaibigan tayo, wala na akong ibang inisip pa kundi ang sarili ko. Hindi ko man lamang naisip ang nararamdaman mo, na nasasaktan na pala kita, na ginawa mo ang lahat para lang maging masaya ako. Kahit pa, kahit pa alam mong sa simula pa lang, hindi ikaw ang pipiliin ko.
"Tinuruan mo kong hanapin at kilalanin ang sarili ko. Natuto akong mag-ayos ng sarili, maging responsable, at maging matibay ang loob. Hindi ko lubos akalain na makikilala ako sa klase bilang Campus Master Chef, o kaya scriptwriter ng love story ng iba, o babysitter ni Carina, lalong lalo na ang maging kusinero ng romantic dinner date ng iba. Oo, naging inspirasyon ko si Nicole. Pero hinding-hindi ko magagawa ang lahat ng iyan kung wala ka.
"Kung aalis ka man nang walang paalam at iiwan ako, okay lang. Deserve ko to. Kasi sabi mo nga, manhid ako, tanga, gago. Mas napalapit nga ako kay Nicole dahil yun ang naging tulay ng pagkakaibigan natin, pero hindi ko namalayan, sayo na pala papunta ang puso ko. Hindi ko napansin na mahal na pala kita. "
Bumuhos na ang luha sa aking mga mata. Umiiyak pa ako nung ibalik ko kay Manong yung ninakaw kong megaphone. Hindi na ako hinuli nung mga guards na siguro natulala sa pag-amin ko. Naririnig ko din ang bulung-bulungan ng mga tao pero wala na akong pakialam sa sinasabi nila. Naiiyak ako hindi dahil sa hindi ko man lang siya nakita kundi dahil nawalan nako ng pagkakataon na sabihin sa kanya ang totoo.
Nanlulumo akong lumabas ng departure area at nasalubong ako ni Tani. Hinihingal na siya nang makarating sa akin.
"Nakaalis na ata. Hindi ko din nakita si Nicole. Tara, uwi na tayo. Teka, umiiyak ka ba? Ba't namumugto mga mata mo?"
Naupo ako sa nalalapit na upuan. Saka ko lang naramdaman ang sobrang pagod at gutom. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Tuluyan na akong napaiyak at si Tani naman todo ang pagcomfort sa akin. Hindi na siya nagsalita pa. Hinayaan niya lang akong ilabas ang lahat. Hanggang sa...
"Carlo?"