SOPHIE'S POV"Sophie anak anong nangyari sayo?" Kunot noong tanong sa akin ni mama. Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa bahay. Lutang na lutang ako ngayong maghapon. Wala akong ganang gumawa ng kahit ano.
Hindi ako nagsalita sa halip ay napayakap na lang ako kay mama. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero niyakap niya din akong pabalik.
"Anong nangyari anak ko? May masakit ba sayo? Sinong nanakit ba sayo anak? Sabihin mo kay mama. SsssshhhhAnak nandito lang ako para sayo. Hinding hindi kita iiwan anak. Sige iiyak mo lang yan."
Umiyak lang ako sa balikat ni mama ng ilang minuto. Hinayaan niya akong umiyak. Hindi siya nagsasalita habang magkayakap kami. Alam kong ayaw ni mama na nakikitang umiiyak ako. Ayaw niyang nasasaktan ako. Kaya kahit na hirap na hirap ay ginawa ko ang lahat para pakalmahin ang sarili ko. Tumahan ako at kumalas sa yakap. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti kahit sa loob ay wasak na wasak na ako.
"Mama, pwede po bang mamaya na lang natin pag usapan? Kain muna po tayo? Gutom na ako e." Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para ngumiti at pigilan ang mga luha ko na muling umagos. Nginitian naman ako ni mama at sabay kaming nagpunta sa kusina para kumain. Buti na lang at nakapagluto na si yaya.
Tahimik lang kaming kumain. Walang nagsasalita. Noong matapos ako, agad akong nagpunta sa kwarto ko para magbihis.
Pagkatapos kong magbihis ay nahiga ako sa kama ko.
*tok tok tok*
"Sophie anak? Si mama to." Dali dali akong bumangon para pagbuksan si mama.
Agad kong nakita ang pag aalala sa mukha niya.
Hindi ko na naman napigil ang mga luha ko. Tuloy tuloy na naman silang lumabas sa mga mata ko.
Kailan ka ba mauubos? Nakakapgod na kasi e.
Umupo kami ni mama sa kama ko. Hawak niya ang kamay ko habang umiiyak pa rin ako.
"Baby tell me what's going on." Buong pag aalala niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.
"Mama si Eros po. Ilang linggo na niya po akong hindi pinapansin. Ma hindi ko po alam kung bakit. Ma yung bago naming kaklase, si Maxine, palaging nakay Maxine ang atensyon niya. Ma hindi ko alam kung bakit niya ako binabalewala ng ganito. hindi ko naman po alam kung anong ginawa ko sa kanya. Kanina po sinubukan ko siyang kausapin. Ma hinintay ko po siya. Hinintay ko siya buong lunch break. Ni hindi na nga po ako kumain para hintayin siya. Umasa akong pupunta siya at ipapaliwanag niya sa akin lahat, pero hindi siya dumating at nalaman kong magkasama na naman sila ni Maxine. Sobrang sakit. Ma mababaliw na ako sa kaiisip. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Ma mahal na mahal ko po si Eros. Hirap na hirap na po ako. Ma ayoko na po. Ayoko ng masaktan pa. Ayoko ng maramdaman ito, parang unti unti po akong pinapatay. Ma bakit ganun naman siya? Sabi niya sa akin mahal niya ako. Sabi niya hindi niya ko iiwan. Ma bakit ganito? Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko na ulit siya iiyakan. Ma promise last na to. Ma hirap na hirap na po ako."
"Anak tandaan mo to ha, ang taong labis na nagmamahal ay labis ding nasasaktan. Anak alam mo sa sarili mo na wala kang pagkukulang. Anak wag mong hayaang sirain ng nangyari ang buong pagkatao mo, ang araw araw mo, ang pakikisalamuha mo sa iba. Anak sa tingin mo ba magiging okay ang lahat kung iiyak ka lang ng iiyak. Sophie hindi. Sorry anak dahil hindi ko maiibsan ang sakit na nararamdaman mo. Sorry anak. Ayaw kong nakikita kang nagkakaganyan. Anak napansin ko ang pagbabago sayo. Hindi ka na yung Sophie na masigla. Anak bumalik ka na sa dati. Hayaan mo siya. Ipakita mo sa kanya na hindi ka naaapektuhan sa ginagawa niyang pagbalewala sayo. Sophie alam kong may dahilan ang lahat. May dahilan siya. Balang araw malalaman mo din yung dahilan niyang iyon. Ang dapat mo lang gawin ngayon ay wag magpaapekto. Oo anak mahirap, pero yun lang ang tangin paraan. Anak sigurado akong unti unti ay mawawala ang sakit. Anak tahan na. Smile ka na please!"
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Fiksi RemajaNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.