Prologue

16 1 0
                                    


Indigo's POV

" 7 AM the usual morning line up~
Start on the chores and sweep 'til the floor's all clean~
Polish and wax, do laundry, and mop and shine up~
Sweep again, and by then it's like 7:15~"

Napaka ingay! Pwede namang sa kwarto niya na lang manood para di na ko maistorbo sa tinatrabaho ko.

Tinitigan ko siya ng napakasama hanggang maramdaman niya na parang pinapatay ko siya sa utak ko (which is true). Nasa utak ko na kung paano ko siya ibibigti mamaya sa banyo.

Tumingin siya sakin habang kumakanta ng paborito niyang movie. Napakaisip bata talaga.

"Sarap na sarap ka siguro sakin noh? Titig na titig eh" sabi niya at may pakindat pa. Kung alam mo lang, pinapatay na kita sa tingin na'to.

"Dream on, fantasy mo yan eh ba't ko papakailaman." Nasabi ko na lang at bumalik na sa aking tinatrabaho.

Ilang araw rin ang binuno ko sa proyektong ito para lang maging perpekto sa paningin ng aming client sa aming family company na Color Inc. Isa akong Architect sa aming kompanya.
Ang aking ama ang nagsisilbing Chairman ng aming kompanya at malapit na siyang palitan ng aking kuya na si Blue Rui sa kanyang pwesto.

Apat kaming magkakapatid sa pamilyang Malvar. Si Blue Rui aking kambal, si Lavender, si Lilac at ako. Sa aming apat masasabi kong si Blue talaga ang may karapatan sa pwestong iyon, kaya gagawin ko ang lahat upang gumawa rin ng sarili kong pangalan para matulungan lalo ang paglago ng aming kompanya.
Si Blue Rui ay isang Engineer, si Lavender ay isang Interior designer at si Lilac naman ang sumunod sa yapak ng aming Ina na maging Journalist. Siya ang best friend at ang dahilan (bukod kay mommy) kaya nandito ang babaeng ito sa condo ko. Actually dalawa silang panggulo sa nananahimik kong buhay.

"Hala ang baby ko nakatulala, siguro iniisip mo kung paano ako rerape-in mamaya." Bulong sakin ng kung sino at sabay yakap sakin mula sa likod at hawak sa dibdib ko, pinisil pisil niya pa ito kaya lalong tumataas ang panggigigil ko sa kanyang ibalibag siya kung saan.
'Ayan na naman siya sa sakit niyang walang lunas' paano ba kasi naging anak 'to ni ninang Rana at ninong Shawn. Napaka sophisticated nilang tao tas itong kasama ko parang pinulot lang sa basurahan kahit pa may hitsura siya.

"Uy nagdedaydream na naman siya kung paano niya ko malalaplap mamaya. No worries ako na magi-initiate, look, listen and look and learn ka na lang." Bulong niya pa sabay halik sa pisngi ko. Tumayo ako at lumakad papuntang sofa habang nakayapos pa rin siya sakin na parang linta. The next thing I knew.... Ayun hinawakan ko yung kamay niya at pinalipad siya pabalibag sa sofa.

"AHHHHHHHH!!!!"

"Isa pang chansing mo sa'kin di ako mangingiming ibalibag ka palabas ng condo ko!" Sigaw ko sa kanya at nag martsa na papunta sa aking kwarto.

"Yan ang gusto ko wild, rawr. HAHAHAHAHAHAHA" tumatawa pa siya sa sofa na parang baliw.

Hayst ba't ba ko nagpapasok ng baliw dito! What will I do to my Mother God-daughter!

My Mother God-daughter Where stories live. Discover now