"Maraming tao ang gusto makamit lahat ng mga pangarap nila, minsan natutupad iyon minsan naman hindi, minsan agad - agad matutupad, minsan naman mag - aantay kapa ng maraming oras bago mo makamit yong pinapangarap mo. Ang tanong ko lang naman, ako nalang ba yung hindi pa natutuparan ng mga pangarap? Ako nalang ba ang kawawa sa mundo? Ilang beses ko nang hinihiling sa Panginoon, sa mga bitwin sa oras at sa kung ano - ano pa diyan upang matupad lang ang pangarap ko, pero wala eh. Nahihirapan na ako. Nawawalan na ako ng pag - asa."
Napabuntong - hininga nalang ako pagkatapos ko iyon isulat sa kwaderno ko at humiga sa kama nang nakatingin sa kawalan. Miserable na talaga buhay ko.
Ako nga pala si Ashley Hernandez, isang 15 - taong gulang na babae na pinapangarap ang lahat - lahat ngunit wala man lang isa sa kanila ang natupad.
Kaya eto ako ngayon pumapangarap na naman na matupad iyong tanging pangarap ko ang matanggap sa isang Entertainment sa Korea, dahil sa napaka die hard fan na ako sa mga KPOP stars diyan eh sa gusto ko na makita at makapunta doon at makasama sila. Pang ilan na akong nag odisyon sa mga entertainment eh hindi din ako natatanggap, pero kung sa mga inter - school competitions at sa kung ano - ano champion ako palagi.
"Ash! Handa na ang hapunan!" Sigaw ni mama mula sa baba, mabuti't makakain na ako at para mabawas - bawasan ang mga problema ko
Nasa hapag - kainan na kaming pamilya nang bigla kong basagin ang katahimikan.
"Ma, pa, kuya, ah eh, gusto ko sana mag audition sa isang Entertainment sa Korea, dadating kasi sila dito sa bayan natin eh" Tuloy - tuloy kong sabi sa kanila na ikabigla nila at tumawa naman sila
"Pfft! Hahahaha Ashley, susme, pang - ilang audition mo na ba iyan? Hahahahaha! Mga one million na siguro? Heh, di ka padin matatanggap" tawang - tawang sabi ni kuya at inirapan ko na lang siya
"Anak, seryoso ka ba?" Tanging sagot ni mama at tumango ako sakanya, si papa walang imik naman.
"Ah, ah ano p-pa?" Sabi ko
"Ikaw" matipid na sagot niya at nagpatuloy kumain
Istress na naman ako ngayon! Parang wala na atang gustong sumuporta! Langya! Napa hilamos nalang ako sa mukha ko at nag walk out na nang tuluyan
Pati pa naman sa pag tupad ng hiling ko na sumuporta ang pamilya ko wala din eh!
Kinabukasan ay pumunta na ako ng school at napabigla ako sa nakasalubong ko sa gate ng paaralan namin
ATTENTION : GRADE 9 - COLLEGE STUDENTS!
THERE WILL BE A FREE AUDITION THIS COMING JUNE 8, 2015 , AT THE GRAND AUDITORIUM 10:00 AM ONWARDS, OPEN TO ALL FEMALE AND MALE STUDENTS JUST BRING YOUR BIRTH CERTIFICATE AND YOUR TALENT OFCOURSE. YOU CAN CHOOSE ONE OF THESE TALENTS BELOW :SINGING
DANCING
TEAM DANCINGGOODLUCK AND GOOD DAY!
-DmENT.
"Aaaaaah!" Napasigaw nalang ako sa harapan at ikinabigla iyon ng mga estudyante akala nila ano, psh, wala na akong paki mag oodisyon na ako! Kakanta na ako! Yes! Matutupad na ito! Peksman!
Pasalamat Grade Nine na ako! Yay, omg!
Meron din pala akong napansin sa mga estudyante na nagbubulungan.
"Omg! Isang sikat na entertainment 'yan eh! Ba't pa kasi Grade7 pa ako?" Padabog na sabi nung isang babae sa kausap niyang mukha naiiyak na din "Hala tol, parang pang Korya 'yan ah! Sali tayo! Team Dancing!" Hirit naman nung nga limang lalaki sa gilid ko, pang Korea daw, may pag - asa ako!