“Hala! gabi na pala, bakit ba ako nakatulog sa library”sabi ko habang naglalakad papuntang gate. hindi naman ako nag-aaral don, nakitambay lang, hehehe
Ako nga pala si ALMA , isang first year student sa FBS university, ewan ko ba bakit pina-aral ako dito nila mama e ayaw naman mag-aral, Nag- cutting classes nga ulit ako at pumunta sa library para matulog.
Na sa labas na ako ng gate at kung minamalas ka nga naman umulan pa. Dali-dali kong binuksan ang pula kung payong at pumunta sa pinakamalapit na waiting shed sa gilid ng daan. Inayos ko muna ang payong ko at umupo. May mga katabi akong dalawang babae at kung maka- tsismis naman wagas.
Tsismosa1 – “Hoy, alam mo ba marami daw ang namamatay sa taxi”
Tsisimosa2 – “Oo nga eh, nakakatakot! , hinding-hindi na talaga ako sasakay don”
Naki-tsismis narin ako, tsismosa rin eh. hehehe.Hoy wag niyong sabihin na ako si tsimosa 3 babalian ko talaga kayo ng buto.
Pero ano bang nakakatakot sumakay don, eh araw-araw nga ako sumasakay , wala naming nangyayari sa akin ,kung minsan nga gabi pa .Binaliwala ko nalang ang aking narinig, sus hindi naman totoo ang mga balita. To see is to believe!
“Yun may taxi” swerti nga ngayon ako dahil sa lakas ng ulan may taxi pa. Nag para ako para makauwi na, nakakabagot kayang mag-aral at makinig sa mga walang kwintang guro.
“Hoy, Miss! wag kang sumakay diyan! hindi mo ba narinig ang balita?” sabi ni tsismosa1
“Oo, miss, mag- pasundo ka nalang, mukhang mayaman ka naman ” second the motion ni tisimosa2
Napaisip rin ako, oo nga no! magpasundo nalang kaya ako,may personal driver naman kami, makakasave pa ako ng pera. Pero dahil mayaman at afford ko naman sumakay sa taxi, samahan mo na rin ayaw kong maghintay , plus pa na gutom , pumasok na ko. Pero may nakalimutan pa akong gawin, binuksan ko muna ang pintuan ng taxi . “I DON’T CARE!!” sigaw ko sa dalawang babae at sabay sira ng pinto ng napakalakas. Nakita ko ang mga reaksyon nila , priceless! hahaha.Ang ginaw sa loob ng taxi at gustong-gusto kong ulit matulog. Pero ayoko, dapat gising ako para patunayan na walang kababalaghan ang nangyayari dito sa loob. Pinilit kong imulat ang mata ko pero parang may sarili silang buhay na kusang pumipikit.
“Saan tayo miss?!” napabalikwas ako ng upo sa tanong ni manong at dahil don, ang antok ko'y napalitan ng kaba.
“Miss, saan tayo!?” Shit! nakakatakot ang boses nya, parang kinakain ang kaluluwa ko. Ang itsyura nya parang mamamatay tao, mahahaba ang balbas nya, may mapupulang mata, ang gulo ng kanyang buhok at nagyeyelo ang kanyang ngipin. Paano ko nalaman? indi tiningan ko sa rearview.
“Miss?” natigil ang pagmamasid ko sa mukha niya sa ulit niyang pagtanong.
“A-ah m-manong s-sa Wilton V-village po” utal na sagot ko dahil na rin kaba. Shit lang mukhang totoo ang mga balita, sana nakinig nalang ako sa dalawang tsismosang yun may pa I dont care2x pa akong nalalaman.
Nanahimik nalang ako at nagdasal, sana hindi totoo ang hinala ko, please lang po please lang . Makalipas ang ilang minuto, binuksan ni manong pangit ang radyo at may oras pa talaga akong manglait sa lagay na to . Pero putang-ina bakit ganyan ang music!
“Kill her! kill her, yeah, kill her!”
dahil sa lyrics na iyon parang pumunta ang puso ko sa lalamunan, tumindig ang balahibo at tumipre pa ang kaba ko.
at nakisabay pa talaga sa manong driver
“Kill her, Kill her , I am a killer!”
hindi ko na kaya, lalabas na ako dito! wala akong ibang sandata kundi itong payong lang na hawak-hawak ko!. Lumunok mu na ako para maibsan ang aking kaba.
“Manong pwedi po bang diyan nalang ako?” sinabi ko yun ng tuwid. Ayaw kong magpakita ng takot lalo na sa ganitong sitwasyon kailangan kong maging matapang!tama!
“Malayo pa ang Wilton Village miss, kumanta ka nalang diyan para malibang ka.hahaha!” lalo akong kinabahan sa tawa niya, para isang drug-addict, o rapist o psycho killer na tawa.
“Ah ,kasi may nakalimutan po akong bilhin,dyan po” tinuro ko sa labas ang tindihan. “manong dito na lang po ako” walang bahid na takot na sabi ko.
Hindi siya sumagot at lalong akong kinabahan dahil ibang rota na ang dinadaanan namin.
Bubuksan ko na sana ang pinto pero may pinidot siya sa harap niya at biglang na lock ang pinto.
“M-manong, please , ibibigay ko po lahat ng perang dala ko, pati ang nakadeposit sa bangko, please wag niyo lang akong sasaktan!” hindi ko na matiis ang takot ko at kusa nalang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
“Ha-Ha-ha, hindi naman kita sasaktan miss, masasarapan ka pa nga eh, ha-ha-ha”
“M-manong” Tinadyakan ko na ang pinto pero hindi talaga mabuksan .” Shit!, manong, buksan mo to!”
“Hoy! miss. kung hindi ka manahimik dyan!. papatayin talaga kita!” sigaw niya sa akin.
Nasa gitna kami ng highway, at marami akong nakikitang mga tao, ginawa ko lahat ng paraan upang mapansin ako pero wala talaga. mukhang tinted ang taxing ito.
biglang nag red light at tumigil ang sasakyan , humarap siya sa akin na may mapanuksong ngiti. at biglang hinipo niya ang hita ko
“Bwisit ka!, bastos ka!”pinalo ko siya ng payong sa lakas ng aking makakaya.
“Aray!. Miss makakatikim ka talaga sakin. aray!” sigaw niya. Pero hindi ko tinigil ang pagpalo ko. Sige lang ako ng sige sa pagpalo sa kanya
“Bwisit ka! mamamatay tao ka, mamatay kana!”,at biglang tinusok ko ang payong sa kanya at dahil steel ang tip nito, napuruhan siya at nabutas ang kanyang ngala-ngala. Dali-dali kung pinindot ang button upang mabuksan ang lock ng pinto at may inapakan ako upang umandar and taxi.
Dahil sa takot ko , tumalon ako at unang naglanding ang aking kamay. “Aray!, ang sakit”
BOOOM! napa-atras ako sa aking narinig. Ang taxi na sinakyan ko , nabangga sa isang poste!.May mga taong lumapit upang tingnan kung buhay pa ang sakay nito. Kahit na hindi ito sumabog, siguradong patay na ang driver.
Hindi ko maiwasang umiyak sa nangyari sa akin. Sobra akong na trauma at dadalhin ko ito habang-buhay. Hawak2x ko ang aking kamay papuntang tindahan.
“Manang, isang mineral bottled water po!”sabi ko sa tindera. Mukhang wala naman itong pakialam sa nangyayari sa paligid nya.
“Eto iha, 15 pesos, o bakit ka umiiyak iha. may problem ba, may nangyari ba sayo?” tanong niya at kita ko ang pag-alala sa kanyang mga mata.
“ah wala po” sabay ngiti ko
“kung may kailangan ka iha, tawagin mo lang ako ha” ngumiti rin sya.
Bumalik siya sa kanilang sala at dahil kitang-kita dito sa labas ang loob ng kanilang bahay, hindi ko maiwasang marinig ang kanilang pag-uusap
“Nilo, paki-taas nga nang volume ng TV , balita naman siguro yan tungkol sa taxi” bigla akong kinabahan.”"mukhang araw-araw na yan” sabi ng tindera sa kanyang siguro asawa.
tumayo sa pagkaupo ang kanyang asawa na pakamot-kamot pa sa kanyang ulo. Kinuha niya ang remote control at tinaasan ang volume.REPORTER: “May lead na raw ang mga pulis kong sino ang suspek sa araw-araw na pagkamatay ng mga driver ng taxi. Ayon sa mga pulis, dahil sa mga butas sa kanilang mga ngala-ngala napatunayan na payong ang ginamit ng suspek sa pagpatay”
Hinigpitan ko ang hawak sa aking payong at tinapon ang bottled water na binili ko. pumunta ako sa gilid ng daan.
“TAXI!” I smirked. Another victim!haha