Chapter 6

16 0 0
                                    

Aphrodite's POV

Ang ganda talaga ng umaga. Preskong hangin, sinag ng araw na di nakakasunog at tahimik pa. Alas 6 pa lang ng umaga pero kailangan kong pumasok dahil 7:00 a.m ang oras na mag sisimula ang klase. Walk in distance naman yung kolehiyo namin, eh sa early bird ako. Tatawid na sana ako ng

*screech*

May narinig akong busina ng sasakyan ngunit nakapikit pa rin ako. Narinig ko ulit na humarurot ulit yung sasakyan at pag daan ng ilang segundo dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko.  Slowly by slowly...

ANAK NG PUSANG TIGIDIG!

Ba't ako nakapatong sa lalaking to? Mas prefer ko pang masagasaan keso nakapatong sa gangster na to.

"You're heavy."

Bigla naman akong tumayo at pinagpag ang sarili ko. Buti nalang wala tao.

"Ba't ka nandito?" Nakapamewang kong tanong sa kanya.

"It doesn't matter. If you crossed that fvcking road the case of your death is hit and run." Sabi niya habang pinapagpag ang damit niya. Muntik na yun ah! Lokong driver, lasing siguro tss.

"You're now in danger."

Tupa! Sabi ko na eh mangyayari at mangyayari to. Dahil sa kanya nakataya na ang buhay ko ngayon. Tumalikod na siya upang umalis pero napasigaw ako ng wala sa oras at humarap siya.

"Gangster! Salamat."

As usual, binigyan niya lang ako ng blankong tingin. Antipatiko. Kahit ganun yun may rason din ako para pasalamatan din siya. Sinagip niya buhay ko eh ngunit di ko maiwasang mapaisip lalo na delikado na ang buhay ko ngayon.

***

"So thats it. Understood?"

Di ko pa rin maiwasang isipin ang nangyari kanina.

You're in danger.

So ibig sabihin kailangan mas mag-ingat ako dahil anytime maaring may masamang mangyayari sakin. Oo tama! Sasabihan ko nalang si gangster na mag ba-back out na lamang ako. Napakatalino ko talaga!

"Ms. Villegas are you listening?"

Siniko ako ng katabi kong pangit. Kanina pa pala to nag sasalita si maam? Eh kasi naman eh di ako maka get-over sa muntik kong kamatayan.

"A-ah yes ma'am hehe"

***

Ang sarap mag luksa. Nasa bodega ako't nag lilinis. Sabi ni maam na kailangan sobrang linis raw ng bodega. Yun sabi niya kanina sa detention room kasi di ko nasagot mga tanong niya kanina. Alam naman niya ang mga sagot tas mag tatanong pa sakin, super engot naman niya!

From: Vincent Pangit

Kamustang detention? Masaya ba? Hahaha.

Pangit talaga siya, pati mga pang-aasar niya kasing pangit niya =_= Since wala akong load bahala siya dyan. Nilagay kong phone ko sa bulsa ko nang bigla itong nag vibrate.

Calling Vincent Pangit...

"Oh?"

"Kamustang may menopause araw araw?"

"Vincent!!!"

"Hahaha. Oy ipapaalam ko lang sayo na mawawala muna ako ng ilang araw, uuwi muna ako sa Pangasinan okay? Si Tyron muna ang tempo chef ng restau. Baka ma-miss moko kaya nag paalam na ako"

A BAD BOY NAMED HEAVENWhere stories live. Discover now