Daniel's POV
Nandito ako sa kwarto at hanggang ngayon iniisip pa din kung ano ang mga nangyari sa mall kanina. Kanina ko pa iniisip kung ano ang naging scenario bago ako iwanan nina Miles doon na tulala.
Isip. Isip. Isip. Until,
*Ting!*
Shit. Ayun pala yung nangyari.
Flashback..
"Sir, kayo naman po. Joke lang yun noh, hahaha. NBSB pa din po siya kasi may INIINTAY daw po siya at tingin ko NAKITA na niya." sabi ni Miles habang nakapeace sign at tumatawa tawa.
I don't get it.
"What do you mean?" tanong ko.
"Its for you to find out Sir. ^_^ Sige po una na kami ha? See you when we see you Sir Toodles~ " sabi niya sabay hila na kina Kath..
Bago niya hinila sina Kath may nilagay siyang papel sa kamay ko at sinabing
"She'll wait for you Sir. See you soon." huli niyang sinabi bago sila tuluyang lumabas ng KFC.
End of Flashback..
Ayun pala yun. Si Miles ang naglagay sa kamay ko ng papel. Kinuha ko sa bulsa ko ang papel at tinitigan. Kaninong address toh?
Pilit kong pinagdugtong dugtong ang pangyayari.
May iniintay si Kath at tingin niya nahanap na niya ito? She'll wait for me?
Hindi kaya si Kath ang tinutukoy ni Miles sa SHE? Maaari nga kayang address ito ng bahay nina Kath?
Dali-dali akong lumabas ng bahay at pinaandar ang kotse ko papunta sa nakasulat na address. Kailangan ko munang siguraduhin bago ako gumawa ng hakbang.
Pinarada ko ang kotse ko hindi kalayuan sa bahay na nakasulat sa address. Ilang minuto pa akong nag-intay bago bumukas ang gate. Tama! Kanila nga ito, nakita kong lumabas mula doon si Miles at ang boyfriend niya. Nasa loob lang ng gate ang babaeng matagal ko ng iniintay.. Nagbeso silang dalawa at mukhang nagpaalaman na. Pagkasarado ng gate, bumaba ako ng kotse at lumapit kina Miles.
"Oh. Sir, mukhang maaga niyong nagets ang ibig kong sabihin ah? Infairness, ang talino mo talaga. Haha" walang bahid ng pagkagulat ang itsura niya ng makita ako sa halip mukang inaasahan niya talaga ang pagdating ko.
"So tama nga ang hinala ko? Address niya ang nasa papel. " sabi ko sa kanya
"Oo. Tumpak! " sabi niya sabay hampas pa sa braso ko. Sadista e -__-
"E bakit mo nga binigay yun. For what?" nagtatakang tanong ko.
"Nye. Akala ko naman gets mo na Sir. Tss, ganito kasi yan gaya nga ng sabi ko may inaantay sya diba at alam kong natagpuan na niya iyon kanina lang." sabi niya.
BINABASA MO ANG
I Fall In Love With My ST.
Hayran KurguHello. :) Naisipan kong gumawa ng story, first is because sobrang bored na ako. Haha! 2nd ay dahil kailan pa ako kinukulit ng mga friends ko na mag try dahil wala naman daw mawawala. At last ay dahil napanaginipan ko po ang plot. Hindi siya buong p...