Chapter 27

591 33 6
                                    

Chapter twenty-seven: Carnival Preparation

---ᕕ( ᐛ )ᕗ

Nico's POV

"Par nabalitaan niyo na ba?"

Kaagad naming binatukan si Lincoln nang bigla nanaman siyang sumulpot  na parang kabute.

"Tangina mo kaya pala wala ka nanaman, nakikichismis ka nanaman sa kung saang hayop ka"

Napangiwi naman siya sa bungad ko sa kaniya nang tumabi siya sa amin dito sa table namin, nasa cafeteria kasi kami.

"Lutong naman ng mura mo, anong flavor ng chicharon yan?"

Inambaan ko ulit siya ng batok pero mabilis na lumayo si hayop.

"Seryosong usapan kasi"

Napalingon naman sa amin si Yugen na may seryosong mukha.

"Is it about The Greta's?"

"Oo"

Nagtataka naman akong natingin sa kanilang dalawa, ang seryoso kasi nilang tignan.

"Anong meron kina Riley panget?"

Sandali silang nagtinginan bago ako sagutin.

"Kalat na yung balita, patay na si Mr.at Mrs.Greta"

Napatigil ako sa pagkain at hindi makapaniwalang tumitig sa kanila.

"Ano?"

"Base on the article that the media released earlier, Mr.Greta was shot on the head while on his way to France while Mrs.Greta was found dead inside their house"

Tangina?

"Dude, that was so messed up. I feel bad for Riley"

"Ako rin, kahit masama ugali niya hindi ko maiwasan maawa sa kaniya"

Hindi ko na maituloy ang pagkain ko dahil sa narinig, tama si Lincoln kahit pa na may sa demonyo yung ugali nung Riley na yun hindi niya pa rin dapat maranasan yung ganun.

"Guys! Have you heard the news?"

Napatingin naman kami kina Willow na kasama sina Hannah, Minzee, Sharlenne at pati na rin si Hamilton na kasunod yung parang aso na laging nakabuntot sa kaniya. Kaagad naman silang naupo sa tabi namin

"I was so nagulat sa news!"

"Hindi ko maimagine yung nararamdaman ni Riley"

Kaniya kaniya sila ng opinyon sa kumalat na balita, napatingin naman ako sa dalawa na hindi nakikisali sa usapan. Parehas na tulala sina Aden at Hamilton na para bang malalim ang iniisip, lalo na si Hamilton na sobrang lukot ng mukha.

"Oy, dati kayong magkaibigan ni Riley diba?"

Pagtawag pansin ko kay Hamilton kaya napatingin siya sa akin.

"Was, so it's in the past"

"Kaya siguro tahimik ka noh Seri? Nag-aalala ka rin siguro kay Riley kasi dati kayong magkaibigan"

Sabi ni Minzee pero hindi lang nag-react si Hamilton, nabaling naman ang tingin namin nang may lumapit sa amin.

"Yow guys, musta"

Paglapit sa amin nung Lex ba toh, kasama yung dalawa pa naming kaklase, yung magpinsang Martinez.

"Narinig niyo na siguro yung balita noh?"

The Pieces Of The Mafia's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon