Chapter Forty Three

10 0 0
                                    

Chapter Forty Three
  
  
"Bilib talaga ako dyan sa ex mo." Bulong sa akin ni Kuya. 

"Bakit? Anong meron?"

"Mukhang loyal pa rin talaga sayo eh." Sabi niya. 

"Why?" 

"Nireretohan na pala siya ni Drex noon pero tumanggi siya." 

"Dapat ba akong magpamisa dahil loyal siya sa akin?" 

"Ang hard mo talaga." 

I have to conceal what I feel inside. After kong magrespond sa halik ni Jeff kahapon. Hindi na dapat maulit yun. I also don't want Jeff to think na unti unti na akong nahuhulog sa kanya. 

"Phia!" 

Napatingin ako sa tumawag sa akin. Ngingiti naman si Angge sa akin dahil si Jeff pala iyon. 

"Naku talaga. Ang hirap sa iba, ayaw pang bastedin kung wala talagang pag-asa!" 

Bago pa man makasagot ay nakalapit na sa amin si Jeff. He's topless, basa ang buhok dahil kakaahon lang sa dagat at naka shades. 

"Ah... Angge... Wait lang... N-Nakalimutan ko yata yung sunglasses ko." 

"Phia... Nasa ulo mo..." Sabi ni Angge. Nakita kong napangiti si Jeff. 

Napatingin ako kay Jeff. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito. He became buff. Nagsisimula nang humulma ang abs niya, his biceps are more defined pero hindi naman siya sobrang maskulado. 

"Ghorl? Di ka pa tapos maglaway?" Narinig ko si Angge at yun ang pumukaw sa diwa ko. "Ikaw naman kasi Jeff, wag kang haharap kay Phia nang nakaganyan ka! Naglalaway o!" 

Tumawa tuloy si Jeff. 

"Phia, tara magjetski." Sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. 

"O, sakto. Diba nagpa-plano ka pa lang ng water activities?" Nilaglag naman kaagad ako nitong si Angge. "Chance mo na makayakap ulit kay Jepoy o!" 

"M-May... May period ako. Hindi pwede." Palusot ko. 

"Gaga! Last week ka pa dinatnan, di'ba?" Wala talaga akong kawala kay Angge. 

Napasama ako ng di-oras kay Jeff. Tinulungan niya akong magsuot ng lifevest at headgear. Pagkatapos ay inalalayan niya akong makasakay sa jetski. Sa una ay mabagal pa ang pagpapatakbo ni Jeff. Pero habang papalayo kami sa shore ay pabilis din ng pabilis ang takbo niya. Napayakap tuloy ako sa kanya. 

"Hold tight, Babe!" Sigaw niya. 

Binilisan niya ang takbo pero sandali lang iyon. Napansin ko na papalubog na ang araw. Malayo kami sa shore. Pero pareho kaming nakaharap sa papalubog na araw.

"Love?" Narinig ko syang nagsalita. 

I hated hearing this from him. Parang hinahaplos ang puso ko. Tapos ay parang nahihirapan akong huminga. 

"I'm sorry for everything that caused you pain. I'm sorry for doubting you, for not trusting you. For not listening to you when I should."

"J-Jeff?" 

Hindi niya ako sinagot. Pero bumitiw siya sa pagkakahawak sa kamay ko. 

"I don't know why I love you so much. Mahirap talaga sigurong kalimutan ang first love."

Mabuti na lang at nakatalikod siya sa akin. Hindi niya nakikita ang mga luha ko. 

"Am I really too late, Phi? Am I too late to realize na wala na talagang pag-asa?" 

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon