First week of summer vacation nang magplano ang buong tropa na mag EK kaya heto kami nakabilad sa arawan, nagtatalo-talo kasi sila kung aling rides ang uunahin.
Una naming pinilahan ang anchors away, mahaba ang pila dahil sa sobrang dami ng tao, pick season kasi. Nagtatalo pa din sila kung ano anong mga rides ang sasakyan kaya nilibot ko na lang ang tingin ko sa mga tao, hays, mas gugustuhin ko pa ding magstay sa bahay at magmovie marathon sa netflix. Sayang naman diba kung hindi susulitin yung binabayaran ni Kuya monthly kung hindi naman ako manonood.
Maya-maya pa ay may magtotropa ding pumila sa kasunod namin, bale lima sila at pito naman kami. Puro sila lalaki kaya di ko napigilan ang sarili ko na pagkumparahin silang lahat at may isa sa kanila na maangas ang datingan. Crush ko na 'tong si kuya. Ang pogi kasi ng pormahan nya, grey v-neck shirt, tokong at black vans.
Nagpaangas ng dating nya ang black piercing sa kanang tenga at black cap, shemay crush ko na talaga to. Ngumiti ito ng mahuling nakatingin ako sa kanya kaya naman dali dali kong ibinalik ang tingin sa unahan ng pila.
"Mikee tara na! Ang kupad mo talaga!" bulyaw saken ni Jester habang hinihila ako papunta sa unahan na pwesto, samantalang sina kuya'ng pogi naman ay nasa may likod.
Pagkatapos ng Anchors away, madami pa kaming pinilahan na mga rides and booths, at madalas din naming makasalubong ang grupo nila, nagkakatinginan at makasabay sa pila pero syempre hanggang tingin lang si ako.
Pahapon na ng magkayayaan na sumakay ng space shuttle, shuta buti na lang konti na ang tao kaya okay lang na mag eskandalo ako dito.
"Leche! Ayokoo!" bulyaw ko sa mga ito habang hila hila ako ni Jester at Gio.
"Ang duwag mo naman!" sigaw saken ni baklang Francis na ikinasimangot ko kaya naman lalo silang nagtawanan.
"Sige na isa lang eh" segunda ni Charm, habang nagvivideo ng eskandalo ko.
"Ayaaw! Mahulog pa ko dyan eh" kaya naman pinagtulungan nila akong hilahin, nakita ko na iniabot ni Charm ang camera kay Kaila, pisti talaga tong babaeng to.
5vs1 leche. Hila-hila hila ako ni Gio at Jester habang si Francis, Charm at Janna naman at tinutulak ako patayo dahil halos nakahiga na ako para lang hindi nila ako maisama.
Parang tanga ako dito na sigaw ng sigaw habang nagpupumiglas sa kanila, ayoko talaga sumakay dun, mamatay ako ng maaga.
Nakita kong papunta din ang grupo nila crush kaya naman agad akong umayos ng tayo. "Sige na, tara na" na ikinasaya naman nilang lahat. Shit.
Katulad kanina, nagkatinginan ulit kami tas haharap sya sa mga kasama nya na parang walang nangyari. Oh well, di naman kami magkakilala.
Nasa dulo kami nakapila kaya naman dumugsong sila sa amin kaya sila na ang nasa dulo ng pila. Nagselfie ang mga kaibigan ko na nasa unahan, since nasa likod ko sila, nahagip sya at yung isang tropa nya.