Chapter Forty Nine

17 0 0
                                    

Chapter Forty Nine
  
 
First of the days with him again. The last thing I remembered was nauna akong natulog sa kanya. And then, I woke up beside him. Wala na yung harang na nakapagitna sa amin. Nakaunan ako sa braso niya at nakayakap naman siya sa akin. 

"Love?" Tawag ko sa kanya. "Love..." 

"Uhm?" 

"Wake up... Magbreakfast na tayo." 

"Five more minutes, Baby." Hinigpitan niya ang yakap sa akin. 

Tumawa ako. Tinry ko naman na makawala sa yakap niya pero pinigilan niya ako.

"Dito ka lang..." 

"Jeff, nagugutom na ako." 

"Ako na lang ang i-breakfast mo."

"Jeffrei!!!" 

He chuckled. Bumangon na siya at nagsuot ng slippers. "Wait here, Baby Girl." 

"Ugh!!!" Pabiro ko siyang inirapan. 

May kinuha siya sa supot na nasa lamesa.

"Ipinagtabi ka ng cake ni Tarrah." Inilagay niya sa isang food container yung cake na nakabalot sa foil. Mabuti na lang at fondant cake yun. 

"Ooh... This is good..." Nasarapan ako sa cake. Red velvet pala ang loob at may cream cheese frosting sa gitna ng bawat layer. 

"I know it's your favorite." 

Lumabas kami ng room. Sakto namang nagkakape na sina Dave at Apples sa gazebo. 

"Kumusta ang honeymoon?" Tanong ni Dave kay Jeff. 

"Loko ka talaga!" Natatawang sabi ni Jeff. 

"Kunwari pa 'to! Phia, next month lang mag-p-propose na sayo yan!" Sabi ni Apples. 

Tumawa lang ako. 

"Ayan! Yan ang namiss ko. Yung ngiti ni Jeff pag magkasama kayo." Sabi ni Apples. 

"Anong plano ngayon?" Tanong ni Jeff na nagsusuklay ng buhok gamit ang mga daliri niya. 

"Magbi-beach daw." Sabi ni Dave. "Ready ba si Phia?" 

"Ang tanong, ready ba si Jeff?" Mapang-asar na biro ni Apples. 

Papunta kami sa Calatagan. May reservation pala sina Colbin doon. Isinama lang nila kami ngayon. Pero maiiiwan sina Tarrah at Colbin for their honeymoon. 

"Eto, vebs! Kasya 'to sayo." 

Natigilan ako sa hawak ni Tarrah. Isa itong red, one piece swimsuit. Hindi niya pa daw naisusuot yun kaya ibibigay niya na lang sa akin kapag nagkasya.

"Oh my! Baka maunahan niyo kaming maghoneymoon ni Jepoy!" Sabi ni Tarrah nang maisukat ko.

"Feeling ko hindi na mapipigilan ni Jepoy 'to this time." Natatawang sabi ni Apples. 

"Sabagay, vebs. Five years! Five years nang hirap ang palad ni Jepoy!" Tumawa si Tarrah.

"Kayo talaga." Napapa-iling na lang ako sa green jokes ni Tarrah. 

"Pero, Phi... Inamin niya ba sayo yun?" Tanong no Apples.

"Na alin?" Tanong ko. 

"Na... Alam mo na... Minsan natutukso daw siya. Kaso baka daw kasi iwan mo kaya hindi niya na-oopen up sayo." Sabi ni Tarrah. 

"Kidding aside, alam naming hindi basta basta susunggab si Jeff sayo, Phia." Sabi ni Apples. 

"Not unless... Ikaw ang magsabi na gusto mo." Sabi naman ni Tarrah.

Jeff and PhiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon