"Ibig bang sabihin magiging katulad kita? Magkakaroon din ba ako ng powers katulad mo? Pwede rin ba ako maging invisible o kaya naman-"
"Pwede wag masyadong assuming? Hindi ka magiging katulad ko. Ang maaari mo lang gawin ay hikayatin ang mga tao para maalagaan ng wasto ang mga tigyawat nila." Putol niya sa tanong ko
Nandito kami ngayon sa kwarto at magkaharap kami habang nakaupo sa maliit kong kama.
Nagtataka ako kung totoo bang dyosa 'tong kausap ko. Biruin mo napakataray! Pero keri lang, kahit napaka imposible ng mga kaganapan ngayon, go na lang ako ng go. Desperada na ako maging makinis ano!
"Teka lang, dyosa ka ba talaga?" Tanong ko
"You want a proof? Watch this." Bigla bigla ay nagpalit siya ng anyo. Bilang isang babae ay naging napaka gwapong lalaki niya.
"Wow! Ang pogi mo! Pwedeng pakiss? Ahihihi." Sabi ko at akmang hahalik na sa pisngi ng poging guy nung biglang bumalik ang anyo ni dyosa tig (short for tigyawat) sa isang magandang babae.
"Ano ba yan! Bakit agad mong binalik? Makaka score na sana ako!" Reklamo ko sa kanya at saka umirap
"Like eew lang! Baka mahawa mo pa ko ng tigyawat mo noh!" Sabi niya at pumameywang
"Nandidiri ka eh dyosa ka ng tigyawat! Ulol ka ba?!" Tanong ko
"I'm just kidding you know! Mas malala pa nga ang tigyawat ko sayo dati nung unang panahon." Sabi niya
"You mean ordinaryo ka ring tao dati?" Tanong ko
"Oo at tulad mo may lumapit din sa aking dyosa dati. Kaya nga lang I break the rule. Nainlove ako sa isa sa mga lalaking natulungan ko. Sumuway ako at pinili ko ang lalaking mahal ko. Kaya pinarusahan nila ako at ginawang forever na dyosa." Ramdam ko ang biglang paglungkot ng mga mata niya
"I-ibig bang sabihin bawal din ako mainlove?" Tanong ko
"Oo pero dahil 2015 na ngayon, nag level up na ang rule. Kapag sumuway ka, hindi ka magiging forever dyosa na katulad ko. Babalik lamang ang mukha mong ganyan." Dinuro duro pa nya ang pimples ko
"Ano ba! Pag yan pumutok yari ka saking dyosa ka!" Sabi ko sa kanya at tinakpan ang mukha ko
"Oh ano game ka ba?" Tanong niya
"Oo naman! Gusto ko kayang maging kasing ganda mo!" Masigla kong sabi sa kanya
I'm sure naman di ako maiinlove sa isa sa tutulungan ko diba?
Siguro.
BINABASA MO ANG
Dyosa ng Tigyawat
Teen FictionSi Pamela ay isang simpleng babaeng puro tigyawat sa mukha at nagbago ang kanyang buhay dahil sa isang dyosa.