Alas sais palang sa umaga pero dahil sa medyo mabagal akong kumilos kailangan ko talagang agahan ang paggising. Bumabagsak pa ang mga pilik-mata ko pero kailangan ko ng gumising para makapag-ayos na sa pagpasok.
Bumangon na'ko at inayos ang nagulong kama. Parang may nagsabong na dalawang manok sa istura ng hinigaan ko. Malikot kase ako matulog kaya ayan ayos well.
Pumunta muna ako sa closet at namili ng susuotin. Isang high-waisted black fitted jeans and long-sleeved square top na color beige ang napili ko, paparesan ko din ng plain white chunky shoes. Oh diba parang may lakad lang ang pormahan HAHAHA kasabay na din kasi 'to hanggang mamayang hapon sa pagsundo ko kay kuya, mukhang hindi nako makakauwi mamaya para makapagbihis kaya maiigi na'tong sigurado tsaka hindi naman ako pinagpapawisan sa school kasi naka-aircondition ang room namin. Wow yabang.
Pagkatapos tumungo nako sa cr para maligo. Nang makatapos maligo at makapag-ayos ng sarili bumaba nako dala ang tote bag, kumuha na din ako ng black varsity jacket kasi sure akong lalamigin ako mamaya. Pagkababa ko nakita ko si mommy na nag-aayos ng lunch box ko.
"Good morning mom" bati ko kay mommy habang naglalakad patungo sa kanya.
"Good morning too my dear. Umupo kana dyan at mag-almusal kana tatapusin ko lang ito." mahinon na sabi ni mommy habang inaayos ang mga pagkain.
"Sabay na po tayo mommy kumain tsaka nasaan po si daddy?"
"Maaga syang umalis kasi sa Cebu ang location ng meeting nila ngayon." Sagot ni mommy. Binitawan nya na muna ang ginagawa at umupo na sa katapat kong upuan.
Hindi nako umimik at kumain na lang ng agahan. Talagang ako ang magsusundo kay kuya mamaya sa airport kasi kapag may mga ganyang meeting si daddy madalas kinabukasan na sya nakakauwi or nags-stay pa sya ng 2 days doon sa lugar bago umuwi.
"6 PM ang land ng kuya mo. Anong oras ang tapos ng klase mo?" biglang tanong ni mommy habang kumakain kami.
"3:30 po or 4 o'clock this Friday but i think hanggang 3:30 lang kami kasi wala yung last sub namin."
"Mmm-hmm that's good. Para din hindi ka matraffic masyado sa byahe mo papuntang airport lalo na at Friday ngayon madaming commuters na magsisi-uwian." Sabi ni mommy.
Tinapos ko na ang kinakain ko at kinuha na ang lunch box ko na prinepare ni mommy kanina. Nagpaalam nako at sumakay sa kotse ko. Regalo na yun sakin ni Dad nung 18th birthday ko pero ayaw parin na ako ang magdidrive. Para saan pa at niregaluhan nya ko nyan kung ayaw nya naman na ako mismo ang magdrive. Hays kakaloka, partida ako lang ata sa mundo ang 18 years old na may lisensya na pero hindi pinagdidrive ng tatay but I think that he's just making sure my safety. Oww nakakatouch.
Maaga akong nakarating sa room at konti pa lang kaming nandon. Umupo nako sa upuan ko at nagbasa na lang ng mga notes ko baka mamaya biglang may magpaquiz sa isa sa mga prof namin ngayon edi kolelat ako, dyan pa naman sila magaling ang mangsurprise. Maya-maya pa ay dumating na din si Ricca. Mukang badtrip ang awra nya ngayon sure akong may hindi to nagustuhan na nangyari sa outing nila kagabi.
"Bwisit talaga! Hanggang ngayon hindi ako matunawan sa kanila haaaaa!" Padabog na umupo si Ricca sa upuan nya.
"Anyare ba? Tsaka bakit kanila? It means madami yung kinaiinisan mo kagabi?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Pano ba naman kasi sinama ni Addi si Nathalie tapos si Mark naman sinama si Cheska. Oks lang sakin si Cheska pero si Nathalie hays! Norway! Super nakakairita pati sya to the point na konti na lang magmake-out na sila sa harap namin like what the fuck." Talagang iritang-irita si Ricca kay Nathalie kagabi kaya napakiling-kiling na lang ako sa kwento nya.
BINABASA MO ANG
You Are My Everything
RomantikThis story is for the two person who deeply inlove with each other. Everything around them is perfect and they don't even feel fear if there's a problem that would came to their life because they know how to survive for it. The chemistry between the...