Chapter 12: Misunderstanding

257 23 9
                                    

Para di na ako guluhin ni Vicka, lumabas na lang ako at nagbasa ng libro habang hinihintay ang transport service para dumating. Tutal tapos na ang task, my presence is no longer needed there. I just made sure na narinig niyang sa banyo ako pupunta para di manggulo si Harvey. Hindi sa nagfi-feeling ako. I'm just taking precautions.

Nga lang, di naman ako makapag-concentrate sa pagbabasa dahil paikot-ikot sa utak ko yung mukha ni Harvey no'ng ang lapit ng mga mukha namin. Tipong hanggang isang paragraph lang ako dahil nawawalan ng sense ang mga salita. Maski no'ng nag-message na si Desiree at nagmamakaawang bumalik na ako sa building, nando'n pa rin ako sa page na inumpisahan ko simula kanina.

"Kairita! What the hell is happening to me?" tanong ko sa sarili ko habang padabog na sinasara ang libro at nag-umpisa nang maglakad. Binabagabag ako. Despite my efforts na alisin siya sa utak ko, biglang—poof! He's on my mind again. May mga sinubukang manligaw sa 'kin dati at talagang effort sila—mula sa paghatid sa 'kin sa bahay hanggang sa panlilibre sa 'kin ng pagkain—pero wala. Maski katiting na spark, wala akong naramdaman.

Pero bakit kay Harvey?

Two meetings. For God's sake, it only took two meetings para ma-invade na niya ang personal space ko at, ngayon, pati mental space. Nakaka-frustrate kasi ang tagal ko nang hindi naramdaman 'tong . . . desire? Shit, yes . . . no . . . maybe it's desire. But with fear and perplexity. Ugh, fuck.

Maybe because he's my type physically. Pati mental capacity, pantay kami. But emotionally? Ewan. I don't want to get attached to anyone anymore. I'm sure . . . siya rin naman.

"We can't catch feelings for people who're allergic to commitment," bulong ko sa sarili ko. "So get it out of your mind, Aelle Malaya. Be logical."

Sabay sampal sa sarili ko bago ako pumasok sa building.

Ayun, nakita ko na sina Desiree at Tiffany na naghihintay sa tapat ng transport service. Nakasakay na rin siguro ang ibang orgmates ko.

"Girl, sa'n ka ba nagpunta?" tanong ni Tiffany.

"Nagmuni-muni kung kaibigan ko ba talaga kayo."

"Hala siya!"

"Tigil-tigilan ninyo pagse-setup," bulong ko. "It's not gonna work out."

"Girl, maniwala ka't sa hindi," dagdag ni Desiree, "si Eliza ang nagsabi sa 'kin na gawin 'yon."

"Si Eliza? From AES?"

Tumango si Desiree. "Tahimik si ate girl, pero shipper din pala. O, dali na't pumasok ka na."

Hindi na ako sumagot dahil alam kong male-late na kami kung ituloy pa namin ang chikahan. Pumasok ako sa L-300 na van nang walang kaalam-alam kung sino ang nando'n.

Ugh. Bakit nandito si Harvey?

Too late na no'ng umatras ako dahil nasa likod ko na si Tiffany at gusto nang pumasok. Ang magagawa ko na lang e umupo sa isang puwesto na medyo malayo kay Harvey, do'n sa may likod ng driver.

Naka-on na ang radio pagkasakay ko, at ang usapan ng morning hosts e tungkol sa mga horoscope ngayon. Napangiti ako nang nakikinig si Tiffany nang maigi dahil alam kong mahilig siya sa gano'n, pero napasimangot din kaagad nang narinig ko ang fortune ng mga Scorpio.

"Scorpio . . . Gear up for a battle today and suit up with your best armor," sabi ng host. "Be on a lookout. Someone you know will try to get close to the person you've been eyeing for a long time."

"Harvey, o. Someone you will know daw will try to get close to the person you've been eyeing for," pag-uulit niya do'n sa host.

"Ba't alam mong Scorpio ako?"

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon