Hayy, sa wakas, another case closed. Bulong ko sa sarili ko habang nag iinat. Nilagay ko na ang file folder sa shelf at umupo na sa office desk ko. Sinandal ko ang likod ko sa napakalambot na upuan. Haayyy, ngayon ko nalang uli magagawa to, nakakapagod kasi these past few weeks. Di ko inakalang siya lang rin pala gumawa nun sa sarili niya, pero oh well, sa kanya parin ang bagsak nun. Nasandal lang ako dun, naghihintay ng mga taong bibisita at manghihingi ng tulong. Biglang may kumatok sa pinto.
Please come in. Sabi ko. Binuksan niya ang pinto at pumasok siya. Si Ms. Chelsea Nagayaki pala. Assistant ko. She is to me as Mr. Watson is to Sherlock Holmes. And kung nagtataka kayo, I am Curt Riordan and yes, I am a detective.
Curt, kailangan ka ngayon sa Kentucky street. May kasong naghihintay sayo doon. Sabi ni Chelsea. Tinignan ko agad ang oras sa wrist watch ko; 8: 30 PM. Darn it. Kakatapos lang ng isang kaso may bago nanaman? Sinuot ko na ang hat and coat ko at lumabas na ako ng building kasama si Ms. Nagayaki. Tinunton namin ang daan papuntang Kentucky Street at doon ko madatnan ang isang napakalaking crowd. Madami sila at nagtipontipon palibot sa bangkay ng isang lalaki. I instantly jumped into action.
Ms. Chelsea, please chalk the outline of the corpse and the blood traces. Pakiusap ko kay Chelsea. Habang chinachalk niya yung outline ay nagsuot ako ng latex gloves at sinimulang inspeksyonin yung bangkay. Meron siyang markings ng lubid sa leeg, isang malaking flat puncture na tumatagos sa katawan. Ininspeksyon ko ng malapitan yung sugat, nagmula sa likos yung saksak at pwersa, mahahalata siya sa form ng muscles. Bukod pa doon ay may slight abrasions siya sa likod, malamang ay dahil sa pagkakakaladkad sa kanya. At sa tabi niya ay may nakasulat na "Disregard me and you're next" gamit ang dugo. Meron ding isang heart shaped na butones sa kamay niya.
May deductions ka na ba Curt? Tanong ni Chelsea na nakatitig sa akin.
Isang mahaba at manipis na blade ang ginamit bilang weapon dito sa murder na ito. Malakas ang drive ng blade mula sa likod niya dahil na reform yung muscles niya dito. Bukod pa dun ay may markings siya ng lubid sa leeg at may abrasions sa likod, malamang ay tinalian siya ng lubid sa leeg at kinaladkad siya papunta dito. Galit ang motibo sa krimen na ito. Maari ring clue ang heart shaped button na nasa kamay niya. Paliwanag ko kay Chelsea. Kinapa ko ang pantalon niya at kinuha ang wallet at cellphone niya. May ID sa wallet niya. Siya si Joshua Barnett. 25 years old na siya as of now. Walang kahit na anong text messages sa cellphone niya. Yun lang lahat ng napansin ko. Naglakad na ako pabalik sa office ko para magpahinga. Nilagay ko na yung mga clues ko sa notepad at prinint ang crime history at natulog na.
***
Kinabukasan, nagising ako sa boses ni Ms. Nagayaki. Ano nanaman bang kailangan nito?
Curt! Curt Riordan! Rise and Shine. We've got another case to deal with. Sabi ni Chelsea. Tama ba rinig ko? Another case? Tinignan ko ang orasan ko, 8: 30 AM. Naligo muna ako at nagayos bago ako pumunta sa crime scene na sinabi ni Chelsea, nagpaiwan kasi siya doon sa office, may gagawin daw. Pagdating ko doon, isang madugong senaryo agad ang lumantad sa akin. A huge incision ranging from her left shoulder to her stomach. Sa sobrang laki nung hiwa, halos maging avulsion na siya. Sinuot ko ang latex gloves at sinimulan soyang inspeksiyonin. Walang kahit na anong marka sa leeg pero sa wrists niya meron, this murderer must be a brute. Makikita rin ang isang writing sa tabi niya. "I Warned you" naman ang nakasulat doon. At meron ding isang heart shaped button sa kamay niya. Walang cellphone sa bulsa niya, pero nandun yung ID niya. Lennie Colfer. Age 25. Female. Yet another mystery to me. Pero sure ako na magkadugtong lang yung nangyari kagabi at kanina. Malamang ay may koneksyon itong dalawang ito. Bumalik agad ako sa office para mag conduct ng research.
May nahanap na akong info kay Joshua Barnett. Sabi sakin ni Chelsea as soon na punasok ako sa pinto ng office. Binasa ko yung papel na inabot niya sa akin. So si Joshua Barnett ay isang businessman. Meron siyang business kung saan nagmamanufacture sila ng robots at ibang klaseng tech, sa Robotech company. Business partners sila ni Harold Green at ni, Lennie Colfer. Lennie Colfer?! Siya yung biktima kanina ah? At Robotech co.??? Supplier ko sila ng mga Fully functional parts. Kung di ako nagkakamali, investor and stock holder pa nga ako. Pero matagal na iyon kaya nilimot ko na. Hindi ko alam na malapit pala sa akin itong kasong to. Nagbrowse ako sa history ng Robotech Co. at hindi ako nagkamali, naging part nga ako nito 5 years ago, and hanggang ngayon part parin ako. Kinabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari sakin.
BINABASA MO ANG
Here I Am! (One shot)
Mystery / ThrillerCurt Riordan, a detective, and Chelsea Nagayaki, his assistant, face yet another tough case. They face a series of random and unrelated murders, or are they? Will they catch the culprit? So, matagal ko na po itong nasulat at natapos. entry ko po d...