Asha
Facebook, twitter, nuod ng DVDs. Eto ang buhay ko, kapag weekends.
Nakakatamad, sabi ko sa isip ko. Maggala kaya ako mag-isa?
Agad akong bumaba, at hinanap si Mama. Nakita ko itong nasa kusina. "Ma," nilingon niya ako, saka nginitian. "Ano 'yun?"
"Alis po muna ako. Gala lang." Nagpunas siya ng kamay, saka ako hinarap ng tuluyan.
"Tinatamad ka na naman ba?" Ngumiwi ako, saka tumango. Tumawa siya sa reaksyon ko.
"Sige na, Ma. Please?" Tumango siya, habang tumatawa. Lumapad naman ang ngiti ko. Saka siya yinakap.
"Mag-iingat ka ha? Hindi ka ba sasamahan ni Troy?" Namula ako sa pagbanggit ni Mama sa pangalan ng kaibigan ko, na kapitbahay lang namin. Umiling ako, saka yumuko.
"M-ma naman, tinamad lang ako. Gusto ko mag-isa lang." Napangisi ito, saka tumango.
"Os'ya, lumakad ka na. Huwag kang papagabi." Tumango ako, saka muling yinakap siya.
Pagkaakyat ko sa hagdan, nakasalubong ko naman si Papa.
"Alis lang ako, Pa." Tumango ito, saka hinalikan ang ulo ko.
"Mag-isa? Ingat ka." Tumango ako. Saka siya yinakap.
Ganito kami palagi, sweet at hindi strikto sila Mama. Kaya masasabi kong maswerte ako at masaya sa pamilya ko.
Agad akong naligo at nagbihis.
"Anak, ihahatid ka na raw ng Papa mo." Tumango ako, saka hinalikan sa pisngi si Mama.
"Mag-iingat ka. 'Yang cellphone mo, baka mawala. Huwag kang papagabi." Humagikhik ako, saka tumango kay Papa.
Nang makarating na kami sa Mall, agad akong bumaba.
Naglalakad-lakad ako habang hawak ng cellphone ko. Wala naman kasing magawa.
Hindi ko namalayang may nakasalubong ako, "Ay, sorry. Sorry po." Yumuko ako ng paulit-ulit saka nagsorry.
"Nako Miss, sorry rin." Umangat ang tingin ko ng marinig ang boses niya.
"Asha?!/Troy?!" Napatawa kami.
"Small world, eh?" Sabi niya.
"Roy!" Napalingon si Troy sa babae.
Hindi ko maiwasang mamangha sa kagandahan niya. Ang ganda niya, walang wala ako. Ang haba ng pilik-mata niya pati buhok. Hindi payat, sakto lang, sexy. Mapula ang labi't pisngi. Ang puti pa niya. Hindi ganoon kasingkit, hindi rin malaki ang mata. Hanggang pisngi siya ni Troy, dahilan para manliit ako. Hanggang balikat lang kasi ako ni Troy.
Nginitian niya ako, ngumiti rin ako. "Who's she?" Tukoy sa akin ng babae.
"Ah," nahimasmasan ata si Troy.
"Joyce, si Asha, kaibigan ko saka kapitbahay. Asha, si Michaela Joyce, girlfriend ko." Ngumiti ng malapad si Troy. Aray, girl friend? Hurt hurt.
"Oh? Haha. 'Di ka nagsasabi, Troy, ah. Anyways, congrats. Gotta go." I waved my hand, at hindi na hinintay pang sumagot si Troy. Masakit na, eh. Tagos sa puso, milyon-milyong karayom ata ang tumusok sa puso ko.
Kaibigan ko si Troy, simula ng magHigh School ako. Ngayon ay, Grade 10 na kami. Inabutan ng Kto12, eh. 4 years of friendship with him, sinong hindi mafa-fall? Siya, nafall na ako, eh. Sino bang hindi? Gwapo, matalino, mabait, humble, matangkad. 'Di ba? Hakot. Matagal na kong may lihim na pagtingin sa gunggong na 'yon. Tah, manhid ay. Alaw paki sa akin! Hays.