Panimula

4 0 0
                                    

"Ano? Ipagpapalit mo ako sa babaeng yun?" Naluluha at pasigaw kong sabi kay JM. "Bakit? Dahil ba binigay nya sayo yung gusto mo?"

"Aly, I'm sorry pero ayoko na pagod na ako sa relasyon nating dalawa" bakas ang pagkalungkot sa kanyang boses.

Sinampal ko sya at umalis na, sawa na rin ako. Ang kapal ng mukha nyang mapagod sa relasyon namin? Eh sya nga nakailang babae sya sa loob ng 5 months

1 week after, iyak pa rin ako ng iyak na kwento ko na rin sa mga kaibigan ko ang nangyari, alam na rin nila mama

"Aly, tama na ang iyak. Madami pa dyan" wika ni Rhyne habang nag iinom kami

Oo tama, nag iinom kami pero soju palang naman dahil bawal pa samin ang mataas na alchohol

"Pero ginawa ko naman lahat? Di pa rin ako sapat? Bakit? Tanong ko sa kanila habang nag pupunas ako ng luha

Isa isa kong tinignan ang mga kaibigan ko, halo halo ang emosyon, si Kim para syang natatawa na ewan dahil sa nangyari. Si Daryl, Rhyne, Jovell, at Sheila hindi rin maipinta ang mukha dahil nalaman nila ang nangyari. Hindi ko mapigilan ang malakas na pagtawa ko habang naluluha

I feel much better tuwing kasama ko ang aking mga kaibigan, masaya ang circle namin walang plastikan, trayduran, at iba pa. Mahilig sila mang realtalk pag mali talaga ang ginagawa mo

Maganda ang pakikitungo namin sa isa't isa since grade 7 kami, I love them at sana hindi nila ako iwan ngayong kailangan na kailangan ko sila

Masaya kami, sobrang saya namin ngayonh araw hindi ko nararamdaman ang problema ko, ang sarap sa feeling kapag alam mong andyan lang sila para sayo

"Aly, sayo na! Shot mo na!" Ani ni Kim

Bigla kong pinatay ang phone ko at ininom ang nasa shot glass, kumakanta si Jovell kakainggit sana magaling rin ako kumanta ang ganda ng boses nya

"Somebody told me you were leavin'
I didn't know,
Somebody told me you're unhappy
But it doesn't show"

Nabasag ang kasiyahan ko nung narinig ako ang unang stanza ng lyrics

"Owww!! Yun ohh!! Ani ni Sheila

"Ito talga si Jovell, masyado sinasaktan si Aly" pang aasar ni Rhyne

"Oo ngaa!! Lakas mang asar e"  sagot naman ni Daryl

"Somebody told me that you don't want me no more, no
So you're walkin' out the door"

Natatawa lang ako sa mga sinasabi nila kay Jovell, grabe lintek sila mang asar ni hindi ko namalayan na natulo nanaman ang luha ko sa naririnig ko

"Nobody told me you've been cryin'
Every night
Nobody told me you'd been dyin'
But didn't want to fight"

Natahimik lang kaming lima dahil sa lamig at ganda ng boses ni Jovell, kakainggit talaga sya, di na ako magugulat kung bakit gusto sya ni Kim

"Nobody told me that you fell out of love from me
So I'm settin' you free"
"Let me be the one to break it up
So you won't have to make excuses~"

Ang sakit ng kantang ito, di ko na kaya. Kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at tumulala ng ilang minuto, binasag ko ang katahimikan naming lima habang si Jovell ay busy sa pagkanta

"Guys, bili muna ako ng coke p-paubos na kasi" kinakabahan kong sabi at umalis na, bumababa na ako sa rooftop nila Kim para nga bumili ng coke

Habang nag lalakad ako palabas ng kanto, tinitignan ko ang paligid at nag iisip isip ng kung ano ano

Umupo ako sa may kanto, antagal kong umupo don at nag cellphone lng ako. Madaming dumadaan at di ko nalang sila pinapansin

Magdidilim na pala, di ko namalayan. Bigla nalang tumunog ang phone ko

*Group Chat*
Rhyne; "Aly, asan ka na?"
Aly; "Pabalik na jan, wait lang"

At naglakad na ako pabalik doon, pag taas ko ang sama ng tingin sakin ng mga kaibigan ko di ko nalang pinansin at naupo nalang ako.

Di ko rin napansin na ubos na pala ang apat na soju na ininom namin, ang bilis naman nakakainis, ayoko pang umuwi dahil boring ako dun

"Tara na uwi na tayo, madilim na oh"  sabi ni Rhyne habang nag tatawanan ulit kami

"Oo nga tara na, papagalitan na ako ni mama" sabay sabay kaming tumingin kay Sheila at inasar asar namin siya

Nag lalakad kami palabas ng kanto para umuwi na, nag tatawanan kami sa daan kami lang ang maingay. Ganto kasi kami lagi, pag magkakasama kami kahit asan kami maingay talaga

"Uyy si JM" sabi ni Daryl sabay turo sa gilid

Sabay sabay kaming napatingin at nanlaki ang mata ko nang makitang suot nya ang couple shirt namin, tumakbo ako para di nya ako makita pero huli na

Nakita na nya ako bago pa ako makatakbo, nakakahiya, sobra akmang hahabulin nya sana ako pero pinigilan sya ni Aleix, kapatid nya

Inintay namin si Rhyne at Daryl na makasakay, ihahatid kasi ni Daryl si Rhyne sa kanila nga pala mag jowa sila. Sanaol diba, buset

Nang makasakay na silang dalawa ay tumawid na ako, si Jovell, si Kim at si Sheila para makasakay na rin si Sheila

Nakasakay na si Sheila pauwi, sabay na kami ni Jovell mag lakad dahil nga halos magkalapit  lang ang bahay namin

7:30 na nang makauwi ako, biglang bumungad sakin ang tanong na "Bakit ngayon ka lang? Narinig ko ang pamang asar na boses ni papa

" Eh ngayon lang kami natapos e"  sabi ko sabay alis na at pumasok na sa loob ng bahay

Wala akong kwarto kasi maliit lang bahay namin so ayun, daretso ako sa higaan namin, antok na antok ako grabe

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, ang himbing ng tulog ko, grabe super may amats na yata ako dahil sa soju

Nagising ako at tumingin sa phone ko it's already 11:45PM, nagugutom ako so bumangon ako at pumunta ng kusina, naghilamos muna ako bago kumain

After ko kumain, nagpahinga ako saglit at nag shower muna ako bago bumalik sa higaan, napa buntong hininga ako ng maaalala ko ulit ang nangyari kanina habang papalabas kami ng kanto

Pumunta na ako sa higaan at nag cellphone muna since tulog na mga kapatid ko tsaka sila mama at papa, ang boring.

Nag story muna ako ng pictures namin kanina, as usual, naka hide ito sa mga magulang namin at sa mga chismosa sa paligid hindi kasi nila alam na nag inom kami

At yun na nga, after ko mag story, nag scroll lang ako sa facebook, instagram, twitter, at tiktok, tumingin ko sa time ng phone ko it's already 1:05 AM kaya natulog na rin ako

Finally, I moved on!Where stories live. Discover now