Hindi tiyak kahit na umiyak, pero ayos lang, walang mali sa pag hihintay sa wala, pumayag kang manligaw ako, susuyuin ka ng buong buo, hindi nawala ang pag kairita sa iyong mata pero ayos lang sapagkat hindi ito rason para tigilan, nasisilayan na kita ng sobra, nasasabayan umuwi, araw araw umaasang makita ka, kahit pa ako'y may lagnat na, ikaw ang nais ko sa bawat araw ikaw ang ala sais ng umaga, ikaw ang tinatangi at minimithi, ikaw sa tanghali at sa gabi, ikaw lahat, ikaw sa pag lusaw ng kandila sa simbahan ikaw ang aking uuwian, tahanan sa bawat pag kaligaw
Ikaw ang minamahal
BINABASA MO ANG
Tinta sa bawat ikaw
PoetryHindi maiiba ang pananaw, ika't ikaw pa rin ang iniisip tuwing dapit araw, inaalala ang ating munting sayaw kahit ang pakiramdam ko'y pumanaw, pagod na sa larong taguan, mauupo nalang at mag susulat hanggang mapuno ang pahina, uubusin ang tinta sa...