Chapter 24

199 3 0
                                    

Pregnant



Ibinaba na ako ni Sir Lance dito sa kanto pero nagpumilit ako na kung gusto niya munang kumain. Simula kasi nung bumyahe kami pabalik dito sa Nueva Ecija ay hindi pa siya nakakakain eh.

"Sige na nga," saad pa nito.

Ngumiti ako at kinuha ang mga gamit kong dala dala. Magugulat siguro si Nanay na hindi ko na kasama si Sir Augustus pabalik. Pero hindi ko na 'yon sasabihin sa kaniya.

"Ikaw na ba 'yan, Sol?!" gulat na tanong ni Aling Krising. Mabuti naman at bumait na siya.

Ngumiti ako sa ako sa kaniya at bumuntong hininga, hinawakan niya ang aking kamay at niyakap. Nagtaka pa ako dahil bakit biglaan niya akong niyakap.

"B-bakit po?" nakakunot na tanong nito.

Kaagad siyang hindi nakasagot sa aking sinabi at nanatili lamang ang kaniyang tingin sa baba. Ni hindi niya ako kayang tingnan.

"Wala na si Hermosa, patay na siya."

"Hindi po magandang biro 'yan, Aling Krising. Alam kong may galit ka parin kay Nanay pero huwag naman po kayong magbiro ng ganiyan," naiinis na sabi ko.

Umiling siya at hinawakan pa lalo ang aking kamay.

"Silang dalawa ng Tatay mo. Wala na sila," pagpapatuloy niya.

Hindi kaagad ako nakasagot dahil alam kong prank lang 'to sa akin, pero hindi naman yata magandang prank ito.

"Aling Krising naman....." dismayado kong saad. "Huwag na kasi kayong mag away ni Nanay, alam ko naman na galit ka parin sa kaniya," saad ko.

"Maniwala ka...." mahina niyang bulong.

Hindi ko siya pinansin at nagtatakbo papunta sa bahay kung nasaan sila Nanay at Tatay. Kaagad akong nanghilakbot ng makitang walang katao tao rito, kaagad kong tinahak kung saan ang kwarto ni Nanay. Nilihis ko ang kurtina at walang bahid ni Nanay duon.

"Ano..." nag aalalang tanong ni Sir Lance sa akin. Nilihis niya rin ang kurtina at wala rin siyang makita.

"H-hindi...." iyon lang sinabi ko at kaagad kong tinahak ang papunta kila Aling Krising. Nakita ko siyang nakatayo parin duon sa pinag iwanan ko.

Kaunti nalang ay mawawala na ako sa katinuan kung ano ba talagang nangyayari rito simula nuong umalis ako. Ayos naman ah, bakit ganito?

"N-nasaaan sila, Aling Krising?" tanong ko. Umaasang sabihin na biro lang ang sinabi niya sa akin kanina, na baka nagtatago lang sila at isusupresa ako.

Napaluhod ako at hinawakan ang kaniyang kamay para magmakaawang huwag sabihin ang mga nasa isipan ko. Hindi.... hindi pwede 'to. Mag bibirthday pa 'ko.

"M-may pumasok sa bahay niyong armadong lalaki nung isang araw, n-natatakot akong lumabas baka madamay kaming dalawa ng anak ko, lahat ng nandito alam ang nangyari. Hindi naman kita macontact dahil wala ka namang cellphone," paliwanag niya.

Tuluyang nanghina ang buong tuhod ko. Umiling iling ako nang maramdaman ko ang pag agos ng aking mga luha sa aking pisngi dahilan para mapahagulgol ako.

"Hindi po 'yan totoo!!!" sabay pahid sa luhang tumutulo na sa akin. "H-hindi siguro totoo 'to?! B-baka nagbibiro lang kayo," sagot ko.

"Solidad, sasamahan ka namin ni Vincent, pumunta sa funeraria para makita mo sa huli ang magulang mo. Buti na lang at nandito ka na dahil wala pang nagcaclame ng bangkay nilang dalawa."

The Culprit (De Viola #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon