SOPHIE'S POVIts saturday at walang pasok. Syempre hahaha. Kakatapos lang ng exams kaya napagdesisyonan namin nina Erin at Zia na mag bonding, dito lang naman sa bahay.
Its been a month after kong mapagdesisyonang hindi magpaapekto sa kung ano mang makikita o maririnig ko tungkol kay Kupido at Putla at para sabihin sa inyo, medyo medyo medyo nagiging successful naman ito. Hehe.
Pero there are times pa din na napapaiyak na lang ako. Oo na hindi ko na nagawa ang promise ko sa sarili ko.
Mahirap magpretend na masaya ka kahit deep inside, tangina wasak na wasak ka na!
Yun ang nararamdaman ko.
Mahal na mahal ko pa din si Eros e. At miss na miss ko na siya! Hindi naman yun mawawala. At naniniwala akong may dahilan siya.
Ginagawa ko lang naman na magpretend para sa mga kaibigan ko at para sa mama ko. Ayaw ko silang mag alala sila sa akin. Syempre hindi naman dapat ako palaging magpakalugmok sa lungkot.
Baka ikamatay pa ng puso ko lalo.
"Siya nga pala Erin kumusta kayo ni Tristan?" Tanong ko kay Erin. Ilang buwan na din nung magkakilala sila. Siguro naman hart hart na ituuu!
Nandito nga pala kami sa kwarto ko. Madaming foods! Hahahaha.
ERIN'S POV
""Siya nga pala Erin kumusta kayo ni Tristan?" Tanong sa akin ni Sophie. Yieeeee. Kenekeleg akooo! Hahaha. Sorry na! Landi ko ba?
Eto yung kwento diyan e!
FLASHBACK
"Erin may bisita ka ata?" Sabi sa akin ni mommy.
Ha? Tanghaling tapat? sino namang mag aabalang puntahan ako? Aba! Baka adik!
Dali dali akong pumunta sa labas para harapin kung sino mang bwisita yun!
"Tristan?? Anong ginagawa mo dito? Halika pasok ka." Taena! Bakit siya nandito! Shit! Buti na lang nakaligi na ako!
Ang alam ko lang galit ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hahaha. Ewan! Pag kasi nagkaka buwanang dalaw ako e bigla na lang akong nang aaway. Peace bruh!
"Erin para sayo nga pala."
Inabot niya sa akin ang 3 red roses tsaka BUKO PIE! Eeee??? Tungunuuuu! Favorite ko to!
Kinikilig ako shet! First time may nagpunta dito sa bahay at dalhan ako ng mga ganitong chuchu. Mygaaaahd! Bumibilis ang tibok ng puso ko! At ang pula pula ko na siguro! Kakahiya!
Kung ganito siya makipagbati, baka naging hobby ko ang pag away sa kanya. Hehehe.
Pagkapasok niya sa bahay, pinaupo ko muna siya at kinuha ng makakain.
"Anak siya ba ang manliligaw mo? Intsik ba yan? Tanghaling tapat kung manligaw e." Napatawa na lang ako sa sinabing iyon ni mommy. Baliw to e hahaha. Oo nga no? Pero ang alam ko wala namang lahi si Tristan e. Hmmmn.
Mukhang nakakuha ng pogi points to kay mommy ah.
Bumalik na ako sa living room para ientertain siya.
"Erin galit ka pa ba?" Seryosong tanong niya. Kawawa naman ang isang to. Haha. Ang cute niya talaga!
"Ha? Ahh. Hindi no. Hehe. Okay na yun Tristan. Salamat nga pala sa dala mo." Nginitian ko siya at nakita ko na naman ang pamumula ng tenga niya. Kyaaaaah! Pigilan niyo ko! Nanggigigil akooo!
Matagal din kaming nagkwentuhan, nag asaran at nagtawanan bago siya umuwi. Nakakatuwa naman si Tristan. Nanliligaw pa lang ang effort na! E yung ex ko nga hindi man lang ata pinagpawisan yun OO ko e. Haixt!
Pag alis niya para biglang may kulang sa akin.
Parang namiss ko na agad siya.
Parang mahal ko na ata siya?
END OF FLASHBACK
"So yun!" Hahahaha. Nakakahiya magkwento! Ramdam kong namumula na ako e. Shocks!
"Yieeeee! Bruha ka! Edi ikaw na ang may forever. Ako na ang wala!" Sabi ni Zia. Grabeng kabitter teh?
"Eh ikaw ba Zia kumusta na ang puso mo?" Seryosong tanong ni Sophie kay Zia.
Ngumiti si Zia pero kitang kita ko pa rin ang pait sa mga mata niya. Alam naming lahat na hindi na sila nagpapansinan ni Nathan after nung party kina Eros.
"Miss ko na siya." Pagkatapos sabihin iyon ni Zia ay biglang sunod sunod na pumatak ang luha niya kaya hinawakan ko ang kamay niya habang hinimas himas naman ni Sophie ang likod niya.
"Ramdam kita Zia. Sige ilabas mo lang yan." Mahinahong sabi ni Sophie habang akap akap niya si Zia. Naaawa ako sa kanila. Alam kong kahit araw araw ko silang nakikitang masaya, sigurado akong durog na durog naman ang puso nila. Hanga din ako sa tibay nitong mga kaibigan ko e.
"Naminiss ko na yung mga Bes patulong, bes turuan mo ko sa math, bes samahan mo naman ako libre kita, bes tara dun, ganyan ka bigla ka na lang di namamansin e, dun ka na lang kay Vince mo, bes bati na tayo! Tangina miss na miss na miss ko na si Nathan! Miss na miss ko na siya! Kaya lang hindi na maibabalik yung dati dahil sa katangahan ko! Kahit gago yun mahal ko pa din siya! Ang hirap pala! Pakshet! Ganito pala talaga pag nagmamahal ka, masasaktan at masasaktan ka din." Umiyak lang siya ng umiyak sa balikat ni Sophie.
"Alam mo Sophie parehas tayo. Miss na miss ko na din ang Eris ko. Kaya lang hindi na pwede e. May umepal na. Yung dating kami nawala na. Hindi ko alam kung maibabalik pa namin yung dati kasi pakiramdam ko nasira na. Pero kahit ganun, kahit akala ng iba wala na, kahit akala niyo masaya ako? Tangina hindi! Kahit kailan hindi ko magagawang maging masaya dahil puchaaa, may nagpapasaya ng iba sa kanya, may iba na siyang inaasikaso, may iba na siyang inaalagaan, may iba na siya. Pero hayaan niyo na! Makakamove on din tayo. Diba Zia?" Umiiyak na din si Sophie! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nakakakunsensya kasi, ako ang ganda ng lagay ng puso ko tapos sila, durog ang puso nila!
Tumango tango si Zia at ngumiti.
"Hanga ako sa inyong dalawa. Kahit gaano kabigat ang nararamdaman nyo, nagagawa niyo pa ding ngumiti araw araw. Sophie, Zia, andito lang ako palagi para sa inyo ha. Hinding hindi ko kayo iiwan! Bestfriends forever!"
Niyakap ko silang dalawa. Pati ako naiiyak na din e.
"Bestfriends forever!" Sigaw din naman nilang dalawa.
SOPHIE'S POV
Nagpapasalamat ako kasi binigyan ako ni Lord ng mga kaibigang ganito. Yung kahit anong bigat ng nararamdaman mo hindi ka nila iiwanan at kahit kailan hindi nila pinaramdam sayo na mag isa ka.
END OF CHAPTER
VOTE, COMMENT & SPREAD
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Ficção AdolescenteNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.