A/N;
Dedicated po ang chapter na to and the next one kay @spgyamxx. Super belated happy birthday. ~^O^~ Sorry kung natagalan. Thankyou sa mga heartwarming comments mo and sa pagsuporta sa storya. Love ka ni Author! ❤
*Taeyang and Minhyorin are confirmed to be dating! ㅠㅠ Kamusta pa naman tayo? Buhay pa ba? ㅋㅋㅋ*
*share your thoughts about BANG BANG BANG & We Like 2 Party kasi ako.. Waaah! (>^ω^) I smiled like an idiot sa MV nang We Like 2 Party with matching tears. Ugh! ~T_T~ Ang gondo super! OTP5, NyongTori, ToDae Ships! ❤ . *^O^*
*DARAGON Meme on the media. ❤*
PLEASE READ MY A/N ON THE END. *^O^* Mahaba po masyado kung ilalagay ko lahat sa unahan. ㅋㅋㅋ Sorry sa matagal na pagkawala ko. ~T_T~ Nasa A/N in the end ang rason.  ̄﹏ ̄
***************
Dara's POV
Lumabas ako nang dorm namin para magpahangin.
"Ang ganda talaga nang snow..." Bulong ko habang dinadama ang masarap na simoy nang hangin.
Naglalakad lakad ako ngayon papunta sa kung san man dahil wala kaming schedules.
Sa paglalakad ko kataka takang wala man lang mga tao sa paligid at tanging ako lang ata ang nandito.
Nilibot ko pa lalo ang tingin ko at wala talaga kong makita maski isang tao sa daan.
Habang naglalakad ako ay dama ko na ang kaba sa dibdib ko.
"Ba't ganto?" Bulong ko habang naglalakad.
Panay lakad lang ang ginawa ko at gustong gusto ko nang umuwi kaso hindi ko na malaman kung saan ang daan pabalik.
"Asan na ba ko?" Naiiyak na tanong ko sa sarili ko habang yakap yakap ang sarili ko at naglalakad pa din.
Inikot ko ang paningin ko at halos manuyo ang lalamunan ko kakasigaw pero wala man lang nasagot.
Dinukot ko ang phone ko sa bulsa pero walang signal na nakalagay.
Dama ko na ang luha sa mga pisngi ko dahil sa kaba ko ngayon.
Pinilit ko pang maglakad nang maglakad hanggang sa dalin ako nang paa ko sa lugar na gusto kong puntahan.
Umiiyak na pumasok ako sa loob at wala man lang akong nakitang tao.
Sobrang tahimik at tanging tunog lang nang hakbang at hikbi ko ang naririnig ko.
Agad agad akong tumungo sa elevator nang building at nakakapagtakang gumana ito.
Pinindot ko agad ang Roof Top nang building at naupo sa isang sulok.
Umiyak lang ako nang umiyak habang nakatungo.
"Ano bang nangyayari?" Tanong ko. "Ba't ba ko lumabas?" Umiiyak na tanong ko pa sa sarili ko.
*ting*
Agad agad kong pinunasan ang luha ko at tumayo.
Habang naglalakad ako paakyat ay nadapa pa ako dahilan para magka sugat pa ko sa tuhod.
Ininda ko ito at inakyat pa din ang hagdan papunta sa pintuan nang roof top.
Nangangatog na binuksan ko ang pintuan at pumasok.
BINABASA MO ANG
Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)
FanfictionHanggang kelan kaya matatago ni Dara at GD ang relasyon nila? What if when its already over until they decided to announce their relationship to the world. Would they dare sacrifice while its still early or just let it be hidden. And when she rea...