Chapter 2; Coke

4 0 0
                                    

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nag paalam na sa mga kasama namin,

Nang papaba na kami sa hagdan ni Kier ay pinauna nya ako

Nakababa na kami at tahimik na naglalakad palabas ng kanto, malayo kasi ang tindahan na bibilhan namin ng coke ni Kier dahil sarado ang malapit na tindahan

Sinasadya kong bagalan ang mga lakad ko at pinapauna si Kier na parang nag mamadali yata dahil sobrang bilis nya mag lakad

Maya maya pa ay nagulat ako nang biglang huminto sa pag lalakad si Kier at humarap ito sakin

"Ang bagal mo mag lakad, nahihiya ka pa yata" Sabi nya sabay tawa

"Ah hindi ah, wait lang" sagot ko sa kanya, at ramdam ko ang kahihiyan sa sarili ko

Wtf, this feeling. Nakakahiya!!! This not my first time na sumama sa ibang lalaki na halos hindi ko pa kilala pero ibang iba talaga ang feeling ko dito sa lalaki na 'to, nung una palang

Habang hinihintay nya ako papunta sa kanya ay nakatitig lang sya sakin kaya naman naiilang ako ng sobra

Nakarating na ako sa kinatatayuan nya at sabay na kaming nag lalakad, sobrang tahimik at nag c-cellphone lang sya habang nag lalakad kami

Hawak nya rin ang pera na pambili ng coke at chichirya na kakainin namin(pulutan rin pala nila)

Feeling ko ay may tama na itong si Kier dahil namumula na ang mga pisngi nya, ikaw ba naman 1v1 kayo sa alfonso sinong di mag kakaroon ng tama dun, diba?

Sa sobrang tahimik at sobrang awkward ng feeling, inilabas ko na ang kapal ng mukha ko at nag salita

"Ahm, kuya? Matagal mo na kaibigan si Kim?" Basag ko sa katahimikan naming dalawa

"Ah oo, mag kaklase kami e"  ani nya at sabay ngiti

"So, lagi rin kayong andito kila Kim? Oh my gosh, Aly, tama na pag tatanong!! Nakakahiya ka!! Sobrang kapal ng mukha mo! Fc yarn?

" Minsan lang naman, tsaka malapit lng naman ako kaya nakakapunta at pwede umuwi anytime" sagot nya at hindi pa rin na wawala ang ngiti sa kanyang mga labi

Tumango nalang ako nang marinig ang sagot nya sabay pout ng labi, wala na kasi akong masabi tsaka nakakahiya na 'no

Super grabe ang pagkailang ko pag tinitignan nya ako kasi, ewan ko rin

"Actually, ano may isa pa kaming kaibigan kaso wala sya dito, nasa QC sya lumayas kasi sya sa kanila gawa ng family prob" nagulat ako nang bigla syang nag salita at binasag uli ang katahimik sa pagitan naming dalwa

Tumango nalang ulit ako sa sinabi nya at hindi pa nag tanong ng kung ano ano

Maya maya pa ay nag tanong ulit sya kung anong strand ko, agad ko naman itong sinagot ng ABM(Accountancy, Business and Management)

Nakarating na kami dito sa tindahan at agad na bumili ng coke, sabi ni Kier ay tumingin na rin ko ng chichirya na magugustuhan namin

Isang 1.5 coke at dalawang chichirya na malaki ang binili namin, kulang ang pera na binigay ni Kim

Buti nalang talaga ay meron akong pera na dala sa bulsa ko, iniwan ko kasi ang wallet ko dun sa bag ko na naiwan sa upuan

Kaagad na kaming bumalik sa bahay nila Kim at habang nag lalakad kami ay nag uusap kami ng kung ano ano about sa life.

Masaya naman sya kausap, sabog sya kausap ngayon pero dahil siguro yun sa amats dahil sa alak

Umakyat na kami pataas at nag tatawanan, tahimik na nakatingin samin ang lima, at nag tataka yata dahil masaya kaming naakyat sa itaas

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Finally, I moved on!Where stories live. Discover now