CHAPTER 8: A NIGHT WITH MR. BUWISIT

177 12 6
                                    

Chapter 8: A night with Mr Buwisit

Mabuti nalang at nasalo niya. Ako, pero bakit ganito nalang mag-reak ang puso ko? Ang oa ah? Ang lakas ng kabog! Kaagad ko siyang tinulak noong naka-kuha na akong bwelo at nakayanan ko nang tumayo sa sarili kong mga paa.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat?" tanong nito sa akin. Hinarap ko siya at dinuro-duro.

"Ano? Gusto mong pasalamatan kita dahil sa ginawa mo sa akin? Sorry hindi ko kasi alam ang salitang iyon, hindi ako marunong magpasalamat. Pasensya ka na!" sarkastikong tugon ko sa kanya. Ngumisi lang siya at saka napakamot ng ulo niya. At nag-simulang maglakad.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin at di sumagot.

"Bumaho sana yang bibig mong leche ka!" pasigaw kong tugon sa kanya, pero wala akong choice kundi ang sundan siya. Baka kasi dumagdag pa siya sa iisipin kong buwisit siya. Mabagal siyang naglakad, at nasundan ko kaagad siya. Tumingin siya sa akin, kaso walang reaksyon ang mga mata niya. Para siyang isang multo. Ay hindi! Hindi pa nga pa pala ako nakakakita ng multo. Para siyang isang patay. Poging patay! Langya! Sinabi ko bang pogi siya? Edi siya na!

"Bakit ka ganyan makatingin sa akin?" maangas kong tanong sa kanya.

"Bakit mo ako sinundan?" balik niyang tanong sa akin. Para talagang tanga 'tong isang ito. Lagi siyang patanong kung sumagot. Hindi ba pwedeng sagutin niya mukha yung tanong ng isang tao, bago siya mag-tanong nang kanya? Hays.

"Hmpf. Hindi kita sinusundan, nandito ako para hanapin si Krissy. Sa pagkakaalam ko e, ikaw itong sumunod sa akin. Ano? Bakit mo ako sinundan?"

"Kasi alam kong kailangan mo ng tulong, mabuti nalang dumating ako..."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo. At ang kapal talaga ng mukha mo no?" di na niya akong pinansin at nagpatuloy nalang siya sa paglalakad at pumasok sa isang butas.

"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Papasukin niya talaga ang makipot na daan na iyon.

"Papasok, tanga ka ba?" balik niyang sagot sa akin. Ako? Tanga? Siyempre alam kong papasok siya doon, pero ang gusto ko lang naman tanungin e... kung... buwisit! Bakit ba wala akong maisip na idahilan sa kanya ngayon? Nagmukha tuloy akong tanga sa harapan niya.

"Kung di mo kaya, wag mo nalang subukan." Sabi pa niya sa akin. I smirk, then gave him a devilish smile.

"Ako pa ba? Nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo," hinila ko ang kamay niya at ako itong pumuwesto doon sa butas na iyon. Napalunok ako noong Makita ko kung gaano ito ka-kipot. Magkaka-sya ba ako rito? Siguro naman, kasi sexy ako. Pero paano kung di ko maipasok ang lahat ng katawan ko rito? Don't tell me na mata-trap na ako dito forever? Paano na ito? Wala pa akong matinong love-life sa buhay ko. Huhuhu. Gusto ko pang mag-ka-pamilya. Gusto ko pang Makita ang mga hayup sa Africa. Gusto ko pang maka-gala around the world. Gusto ko pang maging beauty queen. Paano na ito...

"Kung di mo kaya, wag mo nang gawin." Pag-pipilit pa niya sa akin. Huminga ako nang malalim at saka ko ipinasok ang ulo ko. Good thing maliit lang ang ulo ko kaya nagkasya kaagad ako ditto. Langya makakatikim talaga itong si Krissy sa akin kung Makita ko siyang buhay. Leche siya! Pinahirapan niya ako rito. Maya-maya ang katawan ko naman, sumasayad man ang tiyan ko ay nagawa ko parin naman maipasok ito, kaso yung napunta na sa balakang ko. Medyo doon nagkaroon ng problema. Di ko siya maipasok.

"Itulak mo ako!" utos ko sa kanya. Pero wala akong narinig na-reaksyon sa kanya.

"Leche kang buwisit ka! Magsalita ka kung buhay ka pa diyan. Itulak mo ako." Pasigaw kong wika sa kanya. Mabuti nalang nagsalita na siya.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon