Chapter Fifty One
"Hooooy! Gagi!!!" Hindi makapaniwala si Tricia. "Ay footspa talaga! Binibigla mo talaga kami, Sophia!" Hawak niya ang kamay ko at tumingin sa engagement ring na suot ko.Tumawa lang ako.
"So eto na talaga. Final na. Wala nang away-bati yan?"
"Trish, normal lang naman mag-away."
"Naku ha! Baka naman pag nag-away kayo magbackout ka dyan. Wag mong gawin sa isa yun, ang tagal ka kayang hinintay nun."
"I know, right."
May dinner date kami mamaya with our parents. Sasabihin niya na kasi na we are engaged. Bahala na din kung anong mapag-usapan mamaya.
"Ms. Phia?"
"Hmm?" Napa-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Alice.
"Flowers from Doc Jeff daw po."
Nakita ko naman ang isang bouquet ng pink tulips. Naka-box pa yun at mukhang in-unwrap na lang ni Alice.
"Thanks, Alice."
📱
Jeff Andrew
Active Now
Hi, Love! You got the flowers na?Yes, babe.
They're beautiful.
Thank you.
I'm a bit nervous for later.
Why?
Baka magalit ang daddy mo.
Why would he?
Hmm... Sabagay, matutuwa pa yun
kapag binalita ko na nagpropose
na ako sayo.Hmm?
I asked them first kung papayag sila
na alukin na kita ng kasal.Seryoso ka ba?
Ako na lang ba ang di nakakaalam?Hehe... It's a surprise, you know.
~*~
Sinundo naman ako ni Jeff sa office at sabay kaming pumunta sa restaurant na napag-usapan namin. It has a small vip room na kasya ang sampung tao. Pinareserve daw yun ni Tito Joey.
"Ah... You're here. Na-traffic ba kayo?" Tanong ni Dad.
"A bit, Dad." Nagmano ako sa parents ko at sa parents ni Jeff.
Nagdinner na muna kami ang nagka-kwentuhan. Panay naman ang pisil ko ng kamay ni Jeff kapag hahawakan niya ang kamay ko.
"Well, uhm... Joaquin.. Lilian.. May gusto kasing sabihin ang anak ko sa inyo. Jeff?" Mukhang pati si Tito Joey ay kinakabahan.
"Uhm... Ninang Lily, Ninong Joaquin. Phia and I are... We are getting married."
Hindi kaagad nakapag-react si Dad. Si mommy naman ay ngumiti lang.
"G-Ganun ba? S-So... Hindi na talaga kayo mapipigilan?" Tanong ni Dad.
"Joaquin naman. Parang hindi naman nagsabi sa iyo si Jeff last month?"
Nagulat ako. Last month pa pala nila alam?
"Well, it's... Sobrang bilis kasi. And I didn't expect na papayag kaagad si Phia. But, nasa tamang edad naman kayo to start a family, so... Oo... You have my blessing, Jeff."