Kabanata 17

16 1 0
                                    

"KAMUSTA ang pag aayos kay Mira?"

Napalingon si Elias sa kanyang mama ng marinig ang tanong nito. Agad siyang nagpaalam sa kausap sa kabilang linya para maharap ito. Hindi pa ito naayusan. Nakasuot lang ito ng roba at nakaligo na. Hinihintay nalang sigurong matapos mag ayos kay Mira bago ito mag papaayos ng sarili.

"Nasa taas pa ma." Sagot niya.

Ngumiti ang ginang at marahan siyang pinagmasdan.
"Are you happy son?"

Napakunot ang noo niya sa tanong nito.
"Of course. Bakit niyo po natanong?"

Umiling iling ito pero may ngiti parin sa mga labi.
"Masaya lang ako na nakikitang masaya ka kay Mira. Never kang nagpakilala ng girlfriend saamin noon kahit alam kong kaliwa't kanan ang naging girlfriend mo kaya sigurado ako na seryoso ka sa kanya ngayon."

" I am mom. I love her."

" I know that, hijo. It's just that.. Si Mira ang inaalala ko."

" What about her? "

" Ikaw ang nagpapaaral sa kanya hindi ba? Are you sure na hindi ka lang niya ginagamit para makaahon sila sa kahirapan?"

" Mom, she's not like that. "

" I just want to make sure hijo that she's not using you. I want you to be happy you know that. Walang kaso sakin kahit siya pa ang mamahalin mo o kung sino man o kung ikaw ang nagpapaaral sa kanya ngayon. That's your decision. Ang akin lang, ayokong masaktan ka sa huli."

" That's not gonna happen. She loves me. At kung hindi ako nagpumilit, hindi niya tatanggapin ang offer kong pag aralin siya. Ako ang may kagustuhan non mom. Yan din ang ayaw niyang isipin niyo sa kanya kaya noong una tumanggi siya sa gusto ko. But believe me ma, never niya akong ginamit. We love each other so much. Trust me."

"If you say so, I trust you son. But I see how you really love her and it scares me. Bata pa siya anak, at long distance kayo. Ayoko lang na masyado mong inuubos ang buong pagmamahal mo para sa kanya. Mag tira ka para sa sarili mo. "

"Nothing can break us apart mom. After her graduation, Im gonna marry her. We already talk about it. And she agreed with me."

" W-what? " Halos malaglag ang panga nito sa narinig mula sa kanya.

" Yes mom. You heard it right. We love each other at wala nang rason para hindi kami magpakasal pag nakapagtapos siya ng pag aaral."

" But how about her family  hijo? Alam mo ang sitwasyon nila sa buhay. I'm Sure hindi papayag si Mira na hindi tulungan ang mga kapatid niya na makapagtapos ng pag aaral. Please, pag usapan niyong dalawa ito. Wag kang magpadalos dalos ng desisyon anak."

" Tutulong padin naman kami mom kahit kasal na kaming dalawa. Hindi din naman ako papayag na hindi namin maiaahon sa hirap ang pamilya niya."

Matagal bago ito nakaimik. Tila pinoproseso sa isip ang mga sinabi niya. Nakikita din niya ang labis na pag aalala nito at alinlangan dahil sa mga plano niya.
" I can't believe this. Talagang pagpapakasal na ang nasa isip mo? Oh my God." Napakurap kurap pa ito para labanan ang nagbabadyang luha.

" Mom.. " pang aalo niya dito na inabot ang siko nito.

"I'm okay. I just can't believe it na talagang seryoso ka sa relasyon mo ngayon. I am just so happy seeing you like this. Na pinaplano mo na ang future mo with Mira. Naninibago lang ako because I never seen you like this before."

"Dahil wala pa sa isip ko ang magseryoso noon mom. Pero iba na ngayon. I met Mira and I fell inlove with her. Ayokong sayangin ang mga darating na taon sa relasyon namin na hindi kami magkasama."

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon