chapter 1

86 1 2
                                    

10pm

"sure ba kayo pwede to??" tinanong ni rhaiza,

"syempre hindi! pero rule breakers tayo eh" ngiting sabi ni james

"nakooo lagot talaga tayo nito!!" saad ni stephanie.

"once in a lifetime lang naman to! tsaka walang makakaalam na nandito tayo kung tahimik tayo ehe, plus! maaga naman pasok, they won't even notice!!" saad naman ni aizeah.

for some reason, yesterday during recess nag ka biglaan silang plano na mag sneak in sa school ng gabi at mag overnight don.

dami talagang katarantaduhan na balak.

ano ba kasing gagawin nila? wala, overnight at school lang daw.

pano naman na kumbinsi yung iba?? well first off, may group project sila as in buong section, nag paalam na din sila sa parents nila na mag oovernight sila sa di alam kung kaninong bahay.

pero imbis na sa bahay ng isang classmate nila, napagisipan nilang sa school mag overnight.

mga tanga diba?

nagalit nung una yung president nila, pero.. in end, na convince sya.

"basta sa classroom lang tayo hah! walang pupunta kung saan saan!" saad muli ni rhaiza, well ssg sya. so tigok talaga kung may makakaalam na yung section nila nag overnight sa school without permission.

"wag na kayo mag gate, maingay yan" sumiksik si alex sa usapan tas biglang tumalon sa pader

"gago!" napasigaw ng hindi gaano ka lakas si annedrilyn, "mukhang akyat bahay si alex BUHAHAH!!" tawa ni charlene, "huy gago cha ang ingay mo" sermon ni stephanie.

"bilisan nyo na!!" sigaw ni alex galing kabila, hindi naman marunong tumalon nang mataas yung iba tulad nya kaya wala silang choice at binuksan nalang ng marahan yung sobrang ingay na gate.

and then naka pasok na rin sila, "uy gagi nakaka excite!!" ngiting sabi ni charlene.

well to be honest, exciting naman talaga yang mga ganyan. pero hindi exciting kung mahuhuli kayo.

"akyat na agad! baka sa sobrang ingay natin dito magising yung mga kapit bahay!" nagmamadaling sabi ni kaye, "nag dadalawang isip padin talaga ako kung good idea ba ‘to" kabadong sabi naman ni dolly.

"hindi naman talaga ‘to good idea in the first place HAHAHAHAH" tawa ni mark.

finally, naka akyat narin sila sa room nila.

pinaka taas yung room nila tapos tumakbo pa sila sa hagdan kaya hingal na hingal silang lahat, nagmamadali ba naman yung girls dahil nananatakot yung boys.

"tubig nga!!" sigaw ni kaye, binigyan naman sya ni roshiel habang yung iba ay napa higa nalang sa sahig. "ang lamig dito huhu sarap matulog" saad ni aizeah habang umikot ikot.

"naka nino yung susi??" tanong ni mych, "nakay caleb ata" sagot ni jay.

"wala sakin tanga, nakay ano kayy Isaiah!" saad naman ni caleb, "ay oo ito" tumayo naman si Isaiah at binuksan yung pinto ng classroom.

Isa isa na silang pumasok at inayos yung mga upuan, ginilid nila lahat ng upuan para may malaking space sila sa gitna.

of course dinahan dahan nila yung pag ayos ng mga upuan, kasi kung kinaladkad nila malamang maingay.

"nga pala, saan natin tatago tong mga unan at kumot bukas??" tinanong ni althea, madami silang dinala actually.

may mga kumot, unan, teddy bear, naka pambahay lang din sila, pero dala dala parin nila yung mga uniform nila.

Hanggang sa muliWhere stories live. Discover now